IX: Pop Talk

15 0 0
                                    


(Three weeks earlier...)

Inabot ni Jeffrey ang baso ng alak mula kay Peter. Nagsimula itong magtanong. Nanonood lang ng telebisyon si Peter.

"Naniniwala ka ba sa satanic backmasking?" tanong niya.

Napalingon si Peter sa kaniya, na may mukhang naiirita at natatawa. "Tangina, naniniwala ka doon?"

"Oo naman."

"Lahat ng kanta, kapag binaliktad mo akala mo may ibang sinasabi."

"Alam mo 'yung Stairway To Heaven?"

"Led Zeppelin. Robert Plant."

"'Yung kanta nila kapag ni-reverse mo, may kakaibang mensahe."

"Patugtugin mo."

Tumayo si Jeffrey at lumapit sa cd rack ni Peter. "Hanapin mo diyan 'yung album nila."

"Saan?"

"Walang pangalan 'yon. Basta may picture 'yon ng isang painting na nakasabit sa sira-sirang pader, tapos 'yung nasa painting e lalaking nagtatali ng dayami. Isaksak mo sa DVD player."

Sandaling hinanap ni Jeffrey ang album at isinaksak ito sa DVD player.

"Ayan, tumutugtog na..."

"Skip mo sa 4:03, Peter."

"Ayan na."

Pinatugtog nila ang parte at narinig nga nila ang sipi na may backmask.

"Anong narinig mo?"

"E 'di sinasamba raw nila si Satanas."

"Ano pa?"

"Wala na."

"Sige, patugtugin mo naman 'yung album na ginawa ko."

"Seryoso ka?"

"Oo, gago."

Tumayo si Jeffrey at hinanap ulit ang isa pang CD. Nakita niya ito, at may nakasulat na marka rito na nagsasabing, "covers".

Pinatugtog ito ni Peter.

"Russian song covers lang 'yan."

"Singer ka pala no?"

"Oo. Pabalikin natin ang eksena."

"Sige."

Makalipas ng ilang segundo.

"Anong naririnig mo?"

"Sabihin mo."

"Wala."

"May nabubuo bang parang mga salita?"

"Meron."

"Sabihin mo."

"Apple...kite...the mongrel... Ewan, 'di ko na maintindihan."

"Alam mo kung bakit?"

"Kasi hindi totoo ang putanginang backmasking na'yan. Nagkataon lang! Malay ba nilang may katunog ang pinagsasabi nila kapag nakabaliktad'yon? At sino 'bang gagong magbabaliktad ng kanta ha? Noong panahon na vinyl pa ang plaka, nagkakandasira-sira ang plaka nila kakabaliktad ng kanta makapaghanap lang ng may salitang masama.  Para kang tanga e, lahat pinaniniwalaan mo e, kaya ka nadedemonyo."

DuplexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon