Sakay ng kaniyang kotse, nagmaneho si Peter pabalik sa tindahan ng baril na pinagbilhan niya nito, dahil hindi na sapat ang kaniyang pera papuntang Russia, balak niyang ibalik ang mga baril kapalit ng salapi.
"Ano bang iniisip ko? Dapat nasa Moscow na ako ngayon!" Gigil niyang sabi sa kaniyang sarili. Paano ba naman kasi, imbis na nakalipad na siya papuntang Russia, ay heto't pinagana niya ang takot na nasa loob niya, kung tutuusin ay dapat nakakuha na siya agad ng plane ticket noong gabing binaril niya si Jeffrey. Kaso, nauna ang takot kaysa sa pag-iisip. Halos maging si Jeffrey na rin siya. Nakapatay siya ng dalawang taong walang alam, sinunog niya pa ang hotel. 'Di bale, isip-isip niya, maibalik niya lang ang baril at makuha ang pera ay makakauwi na siya sa bansa niya, at para makapag-apply na rin ng Russian citizenship, dahil hindi na niya nanaising bumalik ng Pilipinas. Kampante siyang maibabalik niya ang mga baril, may ipinangakong 'money back guarantee' ang may-ari nito sa kaniya na may palugit ng isang buwan.
Ilang liko pa ay narating na niya ulit ang tindahan ng baril. Maliwanag ang neon sign na nakapaskil sa pintuan nito na nagsasabing "OPEN 24/7". Isinukbit niya ang mga baril at bala sa kaniyang balikat at marahang naglakad papasok rito.
Agad na ipinatong ni Peter ang mga baril ng kaniyang makita ang matandang lalaki na nakahandusay sa lapag, at sumisirit ang dugo mula sa kaniyang leeg. Nilapitan niya ito at napatitig lang ang matanda sa kaniya, habang ang kaniyang dugo ay umaagos ng dahan-dahan sa sahig nito. "Sinong gumawa sa'yo nito?" tanong niya rito. Nagpumilit na buksan ng matanda ang kaniyang labi upang makapagsalita man lamang siya kahit isang salita bago malagutan ng hininga.
Isang bala ang bumutas sa ulo ng matanda mula sa banyo ng tindahan. Sumabog ang magkahalong dugo at piraso ng laman at bungo sa palibot nito, at natalsikan si Peter sa mukha. Agad siyang lumingon, at nakita niya ang isang lalaki na may hawak ng baril.
Si Jeffrey.
Bumala ulit si Jeffrey sa puwesto niya ngunit agad na nakaalis ito sa kaniyang kinauupuan, at natamaan ang hita ng matanda. Hinablot ni Peter ang pistol sa istante at mabilis na lumabas sa tindahan, pinaputukan niya ulit si Peter, at nabasag lang ang pintuang gawa sa salamin. Tumakbo si Peter papunta sa kotse niya, at sinubukang buksan ito, ngunit isang bala ang tumama sa kotse, malapit sa kaniyang kamay, dahilan upang lumayo si Peter sa kinatatayuan niya.
Tatlo pang bala ang bumutas sa mga kotseng nakaparada sa lugar, habang humaharurot ng takbo si Peter. Nagkalat ang alikabok at piraso ng mga bakal at dumi sa paligid.Lumingon si Peter para bumawi ng putok ngunit hindi na niya makita si Jeffrey sa paligid, agad na tumahimik ang lugar. Maingat na nagpalipat-lipat si Peter sa mga sasakyan hanggang matanaw niya ang kaniyang kotse sa malayo. Buong lakas niyang tinakbo ang kotse niyang nakabukas, at ng papunta na siya rito, ay isa na namang bala ang bumutas sa kotse, kasunod ng marami pang bala na sumira sa sasakyan niya. Sandaling nagtago si Peter sa gilid ng kotse, at sinilip niya ang tindahan ng baril. Wala na si Jeffrey sa loob, at wala na rin ang mga baril na ipinatong niya sa istante ng tindahan.
Huminga ng malalim si Peter sabay paputok sa tindahan habang siya'y tumatakbo. Walang nakipagpalitan ng bala sa kaniya. Nakita niya ang isang truck na papadaan sa kinalalagyan niya.
"Para! PARA!" sigaw niya rito. Agad rin namang tumigil ang sasakyan para sa kaniya at nagbukas ng pinto. Takang-taka ang lalaki habang nakatingin sa kaniya. "Bakit?" tanong nito. "Babayaran kita ng malaki, may humahabol sa akin, ilayo mo ako rito, bilis!" pagpapaliwanag ni Peter sa drayber.
Wala ng usap-usap pa at pinatuloy nito si Peter. Nagsimulang umandar ang truck, habang si Peter naman ay nakahinga na ng maluwag. Pero, hindi pa man nakakalayo ay may nasundan na naman ang pamamaril.
Isang pinong bala mula sa hawak ni Jeffrey sa malayo na sniper rifle ang tumama sa mukha ng drayber. Nasundan pa ito ng ilan pang mga bala, kaya't yumuko si Peter at sinalo ang manibela ng sasakyan, tsaka nagmaneho ng diretso sa direksyon ni Jeffrey, na patuloy na binabaril ang sasakyan.
Tumama ang sasakyan sa poste. Mabilis na bumaba si Peter dito at pagkababang-pagkababa niya ay marami pang putok na pinakawalan si Jeffrey.
Animo'y walang katao-tao sa lugar o kaya't alam ng mga nakatira roon ang nangyayari pero pinili lang nila na huwag makisali. Tanging mga madidilim na ilaw ang buong saksi sa pangyayari.
Agad na tumakbo si Peter sa isang nakaparadang kotse. Maya-maya pa't naaninag niya sa malayo ang isang sapatos na itim sa nakapuwesto sa isa ring kotse. Sapatos 'yon ni Jeffrey. Dumapa si Peter sa lapag at inasinta ang sapatos nito. Tumama ang dalawang bala. Napatalon sa sakit si Jeffrey ng makita niyang duguan na ng kaniyang kanang paa. Agad siyang nagtago, at sumunod naman si Peter sa puwesto nito, sabay pinagbabaril ang gilid, hanggang maubos ang bala ng kaniyang baril.
Wala na doon si Jeffrey, mga bakas na lang ng dugo ang kaniyang natagpuan. Ilang saglit lang ay narinig niya na lang ang tunog ng humahagibis na motorsiklo, na minamaneho ni Jeffrey galing sa police station.
Nakita naman ni Peter ang isang kotseng napadaan sa lugar. Sumigaw siya at pinara ang sasakyan. Ang drayber ng kotse ay isang babaeng nurse na papasok sa trabaho. Pinagbuksan siya nito ng bintana sabay sabing, "Ano pong kailangan niyo, Sir?"
Naglabas si Peter ng ilang piraso ng tig-lilimandaang pera, at pilit itong iniaabot sa nurse. Napatingin ang nurse sa kaniya. "B--bakit--t?!?" tanong ni Peter. Hanggang madiskubre niya na umaagos na ang dugo sa kaniyang tiyan. Pagkakita niya rito, bigla siyang nawalan ng malay.

BINABASA MO ANG
Duplex
Bí ẩn / Giật gânDalawang lalaking kumuwestiyon sa kung ano talaga ang masama at mabuti.