III: Doc MacStuffins

16 1 0
                                    

Pinuno ni Peter ang kaniyang pulang Sedan ng unleaded na gasolina sa kalagitnaan ng gabi. Tulog na tulog ang nagbabantay ng establisimento, kung kaya'y siya na ang mismong naglagay nito sa kaniyang sasakyan. Mahimbing rin ang tulog ng kahera, kaya't inilapag niya na lang ang buong isanlibo sa counter nito.

     Pagkatapos no'n, humarurot siya pa-norte sa pamamagitan ng pagdaan sa expressway. Balisa si Peter, at preskong-presko pa sa kaniyang pagiisip ang ginawa niyang pagbaril kay Jeffrey. Nasaksihan niya kung paanong pumulandit ng malakas ang dugo ng kaniyang kaibigan, na tumalsik sa iba't ibang direksiyon, habang nagpaparaos. Hindi niya ito pinagbigyan na makapasok sa langit, at bago pa si Jeffrey ay makahakbang sa kalangitan, ay ibinala ni Peter ang walong mainit-init na demonyo, na diretsong bumutas sa dibdib nito.

     Pero hindi 'yon ang bumabagabag sa kaniya, kundi paanong natiis niya ng ganoong katagal ang kaibigang niyang may ugaling mas abnormal at baliw pa sa mga pinagsama-samang pasyente sa mga mental institution at mental asylum? Baliw na rin kaya siya? Hindi niya alam. Siguro'y sumobra lang ang pagiging mabait niya, dahil sa dugong Russo niya rin, dahil ang pamilya ni Peter sa Russia ay sadya nga namang pinapahalagahan ang konsepto ng kaibigan.

     Ani nga ng kaniyang ama na si Valery, "Kaibigan hanggang kamatayan, walang iwanan," buong pagmamalaki nito kay Peter noong bumisita ulit siya sa Moscow dalawang taon na ang nakalilipas.

     Tangan-tangan niya ang kaniyang dokumento, at pasaporte, dahil balak niyang umuwi ng Russia at mag-apply ng citizenship, dahil sa mga nangyaring kakilakilabot sa kaniya sa Pilipinas. Pero bago 'yon ay, magpapalamig muna siya sa kung ano mang lugar dalhin siya ng kaniyang sasakyan. Baguio, Cagayan, Ilocos, Isabela, o Sierra Madre man 'yan, wala siyang pakialam, basta't ang mahalaga, ay makapagtago siya sa mga awtoridad, na tiyak hinahanap na siya ngayon, pakiwari niya sa kaniyang sarili.

     Nanginginig niyang tinungga ang bote ng vodka habang bumabiyahe, binuksan niya rin ang radyo upang makinig ng kahit anong makakapagpalimot sa kaniya sa nangyari.

     "Hariya, walwalan na sa madaling araw, mga kumpare! Ito nga pala ang kumpare niyo sa madaling araw...si DJ Nays Wan, na nagsasabing, mabuting harapin ang problema kaysa taguan, pero mas mabuting magtago kung ang problema ay ikaw!" Isang malakas na balahurang hagalpak ang pinakawalan ng DJ sa kaniyang show. Natamaan naman si Peter sa sinabi nito. "Harapin ang problema, kaysa taguan." Napailing na lang siya sa sarili.

    "Kagaguhan," sambit niya sa kaniyang sarili, at nagpatuloy na lang siya sa paglagok ng nakalalasing na inumin.

     "...at ito na nga, para hindi kayo mabato kung bumabiyahe man kayo, ay papatugtugin natin ang ultimate travel song ng mundo, bumalik sa 60's habang pinakikinggan ang kanta ng Beach Boys, ang 'I Get Around'!" dagdag nito.

     Hindi napansin ni Peter sa istasyong AM pala ang nagalaw niya, imbis na sa FM, kaya ganoon na lamang ang pagtataka niya kung bakit lumang tugtugin ang ipinapakinig sa kaniya. Pero, ganunpaman, ay nasiyahan rin siya sa suwabeng surf rock na unti-unting bumubura sa kaniyang pagkabalisa ng pansamantala, at sa halip ay, idinala siya nito sa isang makulay na 1960's na tadtad ng retrong kultura.

     Bigla namang may pumasok na kung anong lakas sa katawan ni Jeffrey at gayon na lamang at napatalon siya sa kaniyang kinauupuan. Nakalabas pa ang ngayong malambot niyang ari at duguan ang kaniyang katawan. Inayos niya ang kaniyang pantalon, at bigla na naman siyang napahandusay dulot ng biglang panghihina. Kinapa niya ang kaniyang katawan para tanggalin ang metal plating na isinusuot ng mga nagmamaneho ng motorsiklo, at nainis dahil, sa kabila ng proteksiyon niya sa katawan ay, nakalagpas ang tatlong bala sa dibdib niya, na para bang himala na hindi niya gaanong napuruhan.

     Kalmado lang siyang tumayo sa lapag na puno na ng kaniyang dugo. Si Peter. Agad niyang hinanap si Peter, ngunit wala na ito. Para siyang paralisadong kuba kung maglakad, hindi rin pantay ang paningin niya, may para bang kung anong nakahambalang sa paghinga niya.

     Tinungo niya ang kuwarto ni Peter, at doon humiga. Hinabol niya ang kaniyang hininga, at gumala naman ang kaniyang mata para tumingin kung saan nakalagay ang mga gamot at kung mayroon man, ang first aid kit nito. Dali-dali siyang tumayo, balik sa kaniyang desperadong postura, nagdidilim na ang kaniyang paningin, dulot ng pagkawala ng dugo, ngunit patuloy siyang binubuhay ng kaniyang adrenalin.

     Binuksan niya ang kabinet ni Peter at pagkatapos ng ilang minutong paghahalungkat, ay natagpuan niya ang isang transparent na lalagyan na may lamang alcohol, gasa, benda at iba pang paggamot sa sugat.

     Sumalampak siya sa lapag at sumandal sa higaan. Binuksan niya ang benda at gaza. Huminga siya ng malalim, nangingilid ang luha sa matinding hapdi, ngunit hindi niya hinayaan na makagawa siya ng sigaw o iba pang pagtawag ng sakit sa kaniyang nararamdaman.

     Ibinuhos niya ang alcohol sa sugat niya. Hapdi-hapdi siya sa kaniyang naramdaman. Kinuha niya naman isa-isa ang mga bala sa sugat niya. Parang hindi siya nasasaktan sa kaniyang ginawa. Nailabas niya na ang isa. Huminga ulit siya ng malalim, at kinalikot niya ulit ang pangalawang sugat. Nagdidiliryo siya sa pagtitiis ng kirot sa ginagawa niya. Ramdam niya ang kaniyang baga na nagagalaw ng ginagawa niyang pagdukot, pero sa wakas, nakuha niya rin. At ang panghuli naman ay hindi na siya nakaramdam pa ng sakit, at mabilis niya itong nakuha.

     Pagkatapos ay itinapal ang naglalakihang gasa sa kaniyang dibdib, kasunod ng benda. Napansin niyang nilabasan na pala ang kaniyang ari kanina, kasabay ng pagbaril sa kaniya ni Peter. Napangiti lang siya, dahil intensiyon niya naman talagang patayin si Peter ng mga sandaling 'yon, ngunit hindi niya inaasahang naunahan siya nito. Pero ang dahilan kung bakit niya gustong patayin ang kaniyang kaibigan? Wala lang. Gusto niya lang. Libangan na niyang patayin ang mga malalapit sa kaniyang buhay, maliban sa kaniyang ina.

     Nagbihis siya suot ang damit ni Peter. Isinukbit niya ang kaniyang bag, at kinuha niya ulit ang ulo ng lalaki at ibinalot ulit ito sa plastik, at pagkatapos ay ibinalik ito sa kaniyang bag. Dahan-dahan siyang lumabas ng pintuan. Maliliit lamang na hakbang ang ginawa niya.

     Lumabas siya ng compound at naglakad lang ng naglakad. Sa hindi kalayuan ay, nakita niya ang isang himpilan ng pulis. Agad siyang tumalon sa hagdanan ng pintuan nito, at nakita naman siya ng pulis na naka-duty ng mga oras na 'yon. Nakita niya ang kahindik-hindik na nangyari kay Jeffrey, kaya tinawag niya ang kaniyang kasama, "Cortes! May tao rito, duguan!"

      Dalawa lang ang naka-duty na pulis ng hatinggabing 'yon. Agad namang tumakbo si Cortes sa labas upang puntahan ito ng, imbis na duguan na lalaki ay nakahandusay na ang tumawag sa kaniyang pulis, at hawak-hawak na nito ang kaniyang leeg na nagdurugo. Sinubukan pa nitong magsalita, ngunit bumulwak lang ng malakas ang dugo sa kaniyang leeg. "Tangina, Martinez, sandali lang!"

     Tumakbo si Cortes papunta sa loob ng opisina para kuhanin ang kaniyang baril.

     Tumarak sa kaniyang leeg ang silinyador ni Jeffrey, na nagtago sa likuran ng pinto, at sinundan siya ng pumasok ulit ito para kuhanin ang kaniyang baril. Inulit pa ni Jeffrey ang pagtusok nito sa leeg ni Cortes, at  namatay siyang dahan-dahan habang nalulunod siya sa sarili niyang dugo.

     Kalmado lang na kinuha ni Jeffrey ang baril at isang shotgun sa lalagyan nito ng mga armas, nakita niya rin ang isang susi para sa isang motorsiklo. Nakita ni Jeffrey ang mga natutulog na preso sa kulungan nito sa dulo ng presinto. Hinatak niya si Cortes sa harap ng kulungan at ginising ang mga preso. "Gising, mga hangal."

     Napakusot ng mata ang isang preso, at pagdilat niya, tinusok ni Jeffrey ang ulo ni Cortes ng silinyador ng dahan-dahan, hanggang bumaon ito. "Huwag mo 'kong patayin!" sambit ng preso. Agad nagising ang ibang kakosa ng lalaki, at laking gulat nila ang nangyari kay Cortes. Tumawa lang ng mahina si Jeffrey at umalis. Hinugot niya ulit ang silinyador.

     "Kumusta na? Pahiram ng motor mo," sabi niya kay Martinez, na buhay pa, umagos ang dugo nito paibaba ng hagdanan.

     Dahan-dahan siyang sumakay sa motor dahil mahapdi pa ang kaniyang sugat sa dibdib. Iniwan niyang duguan ang mga pulis at takot na takot ang mga preso.

     Tumigil si Peter sa isang tindahan ng baril, na bukas bente kuwatro oras sa bandang La Union. Agad niyang inilapag ang kaniyang pera sa istante at itinuro ang isang malaking shotgun at dalawang pistol.

     Sumagot ang matandang nagbabantay sa kaniya, "May lisensiya ka ba para gumamit ng baril?"

     Sumagot si Peter, "Wala, pero may pera ako."

DuplexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon