"Hoy mga hampaslupa, magbayad na kayo ng utang niyo. Halos pumuti na lahat ng buhok ko kakahintay! Kung hindi pa kayo mag babayad ng utang niyo lumayas na kayo ngayon din. Sabi niyo nung isang linggo mag babayad kayo ng utang niyo anong petsa na ngayon hindi pa ba kayo mag babayad?" talak ni Manang Badeth na halos umalingawngaw sa buong kabahayan. Karamihan sa mga katabing bahay ay nakadungaw at nakikiusyuso kung paanong pagpapahiya ang nararanasan namin umagang umaga. Nagkalubog-lubog kami sa utang sakaniya matapos ang trahedya na naranasan ng pamilya namin, siya rin ang may ari ng bahay na inuupahan namin na ilang buwan ng hindi nababayaran.
"Magbabayad naman po kami, kunting palugid pa po ang hinihingi namin dahil kakamatay lamang ng asawa ko" tugon ni mama. Nasaksihan ko ang tumakas na luha mula sakaniya na tila halong paghihinagpis para sa pagkawala ni ama at ang mga pagkakautang na naiwan saaming pamilya.
Karaniwan na saamin maging sa buong lugar ang ganitong pangyayari, marami kaming halos kay Manang Badeth kumakapit kahit na sobrang taas na interes ang pinapatong niya.
Halos araw arawin na kami ni Manang Badeth dito, ilang kutya narin narinig ko mula sa kaniya. Pero gaya ng sabi ni mama pasok sa kanang tenga labas sa kabila na lang daw ang gawin namin.
"Nako nako Edna kaya namatay yang asawa mo kasi lubog kayo sa utang! Ayan tuloy ang pinsan ko na mismo ang sumuko sa lahat ng pasakit na dala niyo." masakit para sakin na marinig yung katotohanan, pero wala naman akong magagawa dahil isang hamak lamang kami.
Malayong pinsan ni papa si Manang Badeth kaya kahit lubog kami sa utang noon pa man hindi kami pinapalayas rito.
"Manang Badeth, sa susunod na buwan po ibibigay ko na yung interes, bigyan mo pa po kami ng panahon para pag ipunan ito"masakit man sakin pero siguro ito na ang tamang panahon para malaman ni mama ang plano ko.
"Ayusin mong lang iha, ito na ang huling beses na magpapalugid ako sa inyo. Pati negosyo ko madadamay sa ginagawa niyo"tugon niya. Napayuko na lamang ako habang tinatatagan ang loob ko sa desisyong napili kong ituloy.
Kasabay ng pag-alis ni Manang Badeth ay paghupa ng bulong-bulongan. Tinignan ako ni mama ng may kahulugan, maaring nagtataka siya bakit ako nagpangako ako gayung alam niyang 'di pa ako natatanggap sa trabahong pinasukan ko.
Ako na ang nagsarado ng pintuan at inalalayan si mama paupo sa sala.
"Sa'n tayo kukuha ng pambayad, kulang pa nga yung nakukuha kong sahod para sa pangaraw-araw na gastusin"ika ni mama. Wala pa rito ang mga kapatid ko dahil nasa eskwelahan pa sila ngayong oras. Mabuti narin lamang upang 'di na nila marinig ang mga problema na kinakaharap namin.
"Ma, mayroon na akong Visa papunta sa Spain doon na ko magtatrabaho" kinakabahan kong sambit kay mama. Nagulat si mama, inaasahan ko na iyon. Kakagraduate ko lamang ng kolehiyo sa larangang kalakalan ilang buwan ang nakakaraan. Pero hindi pa ako nakakahanap ng trabaho dahil hindi ako natanggap sa huli kong inapplyan.
"Ano namang trabaho ang nakuha mo doon?"
Tanong niya. Matagal ko rin pinag isipan ito, wala na akong pagpipilian dahil hindi sasapat ang kakarampot na sweldo ko sa sideline bilang waitress sa isang fast-food chain na pinagsabay ko noon habang nag-aaral palang ako.Kabado man sa desisyong naisipan ko, wala na kong ibang paraan para makahanap ng madaliang trabaho na makakatulong kahit papano sa amin.
"DH po ma" mautal-utal kong bigkas.
"Paano kung anong mangyari sayo doon, hindi mo pa alam kung sino ang makakasalamuha mo. Akala ko ba magpapatuloy ka sa pinapangarap niyo na kumpanya ng papa mo! Hindi ako papayag sa ginugusto mo, magagawan natin ng paraan ito ng sama-sama!" Nagtaas na ng boses si mama na bihira lamang niyang gawin saaming magkakapatid. Nauunawaan ko ang punto niya pero hindi ito ang oras para isipin ko ang pangarap ko.
"Maaari naman maghinto ng isang taon sa pag-aaral ang kapatid mo para matulungan tayo, hindi ko kakayanin na maging ikaw ay mawawalay saamin anak" Nagulantang ako sa suhestiyon ni ina, alam ko kung paano niya bigyang importansiya ang pag-aaral namin. Silang dalawa ni ama ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral kaya ganun na lamang ang paalala nila saamin sa kahalagahan nito.
"Ma, kailangan na kailangan natin ng makakapitan ngayon. Para sa mga kapatid ko, hindi sila maaaring mahinto sa pag-aaral. Ma, mahirap ding mapalayo sa inyo pero kung ito makakatulong satin ngayon at ito ang makakapagpaayos ng buhay natin kahit papaano, gagawin ko" naluluha man ay pinipigilan ko dahil ayokong pati si mama ay maawa sa kalagayan ko. Ang pangarap na binuo namin ni ama ay tila abot kamay na namin ngunit mas lalo itong lumalayo sa aking paningin.
"Nak, pasensya kung masyado akong nababalisa, nag-aalala lang naman ako sayo" hinawakan ko ang kamay ni mama at muling nagsalita.
"Ma, alam kong mahirap pero kaya natin ito, makakaya natin ito,maliit na pagsubok lamang ito Ma." Ngumiti ako ng maliit para kahit papaano mapagaan ang loob ni mama.
"Sige nak, papayag na ako. Mabayaran lang natin ang ilang pagkakautang ay ipangako mo na uuwi ka agad dito saamin. Wag mong dalhin mag-isa ang problema mo, tandaan mo na karamay mo kami. Lagi kang tumawag saamin, may sasabihin ka man o wala." niyakap ako ni mama. Kakayanin ko ito para sa pamilya ko, kakayanin mo 'to Bea.
"Opo ma. Pagbubutihin ko po ang sarili ko, kakayanin natin 'to alang alang sa mga kapatid ko." Hinigpitan ko ang yakap kay mama, alam kong kailangang kailangan niya kami ngayong wala na si papa. Hindi ko hahayaan na mapabayaan ang pamilya ko, hindi ngayon ang panahon para unahin ang pangarap ko.
Kalagitnaan ng gabi pero buhay parin ang diwa ko habang nakatitig sa larawan ni papa na nasa loob ng kahon sa aking kwarto. Nasa gitna ng mga litrato ang punit na magazine na tinago ni papa noon, isa itong litrato ng simbahan na may nakalimbag na Españia.
Napansin ko na tila may isang maliit na talaarawan ring nakasilid na disenyong araw at bulaklak sa unahan. Binuklat ko ito at makikita ang kalumaan sa papel at amoy ng bawat sipi. Ito ang talaarawan na binigay ko kay ama noong ako'y elementarya, laman nito ang bawat araw ko sa silid aralan. Inihandog ko ito sakaniya sapagkat malayo ang kaniyang pinagtatrabahuan sa Pampanga, para narin maisip niya na kasama niya ako kahit malayo siya.
Isa isa ko muling binasa ang lahat ng laman nito simula sa pagpapasayaw nila Jason at Luni na mga kapatid ko tuwing wala si mama, gayun din ang mga katuwaan ko sa eskwelahan. Ang lahat ng alaala na ito ay tila humihila saakin at nagpapabigat sa talukap ng aking mata na tuluyang humihila saakin sa higaan.
Ang lahat ng problema ay tila humuhupa tuwing natatanaw ko ang aking pamilya at sapat na iyon para mapagaan ang loob ko.
BINABASA MO ANG
Hasta Que Lo Conocí (Until I Met Him)
Non-FictionAko si Beatriz Joy Ricafort, simpleng babae na ang pangarap sa buhay ay makontento. Pero kailan mo ba masasabi na kontento ka? Pag marami ka ng pera? malaki at maganda ang mala-mansyon mong bahay? o pag masaya ka na sa piling ng iba? Para saakin mak...