Sinabi ko kay Jeremy na magbabayad lang ako ng bill. Pagkalabas ko ay saktong nakasabay ko si Lester.
"Lester salamat talaga ha, inalalayan mo ang pamilya ko. Wag kang mag-alala babayaran ko ang nahiram namin na pera sayo" Sabi ko. Malaki na rin ang natulong niya saamin mula noon. Kaya naman natutuwa ako dahil sa lahat ng nakaibigan ko siya ang handang tumulong saakin kahit na wala na akong mabigay.
"Ano ka ba, hindi na kailangan para naman tayong walang pinagsamahan. Itabi mo na lamang iyan para sa pamilya mo, basta nandito ako lagi sa tabi mo." Sagot niya. Hindi man ganun kadami ang kaibigan ko at least alam ko na sa kakaunting Ito lahat totoo.
Pagkabayad ko ng bill ay bumalik na kami sa kwarto ni mama. Sinabi na pwede na raw siyang umuwi basta't magpahinga lamang dahil sariwa pa ang tahi sa ulo niya. Hindi naman ganun kalala ang natamo ni mama mabuti na lang.
"Ma gising ka na pala, pwede na tayo umuwi." Nagulat siya ng makita ako.
"Anak ko, bakit nandito ka na? Dahil ba saakin, dapat hindi ka na muna umuwi baka naabala ko ang trabaho mo roon." Sagot ni mama, niyakap ko na lang siya. Kahit kailan talaga iniisip niya na abala siya saakin, syempre hindi. Kahit kailan hindi siya magiging abala.
"Ano ka ba ma? Hindi ka abala no. Mula ngayon sama sama na ulit tayo, hindi na ako babalik roon. Kailangan ko na kayo ulit bantayan lalo pa ngayon." Oo hindi na ako babalik sa Spain pero hindi ibig sabihin na kinakalimutan ko na siya. Dahil sadyang mas kailangan ako ng pamilya ko ngayon. Hindi ko sila pwedeng iwanan.
Pagkauwi namin ay nagpahinga si mama sa kwarto samantalang naglaro ang mga kapatid ko. Bukas na bukas ay hahanap ako ng trabaho.
Kinabukasan....
"You're hired Ms. Ricafort, tomorrow you can start you're job." Sabi ng nag-interview saakin.
"Thank you, thank you Sir." Umalis na ako. Hayss salamat naman at may trabaho na ako. Pangatlo na ito sa mga kompanyang inapplyan ko.
Yung una hindi na ako nakaabot sa bilang ng mga employee na pwedeng sumama. Yung pangalawa ay ekis agad dahil kailangan nila yung may experience na sa trabaho.
Masaya na ako sa company na Ito dahil multinational company rin naman siya kaya malaki ang sweldo ko. Kailangan ko na makaipon uli naubos na ang nauwi ko dati dahil sa bill ni mama.
May natira naman saakin pero kakaunti na lamang. Pero hindi pa rin talaga ako mapakali, nag-aalala ako kay Kenjie. Kagabi nga ay napanaginipan ko siya na gusto ng makapaghiwalay saakin dahil sa ginawa ko. Iyak ako ng iyak pagkagising ko.
Alam kong mali ang ginawa ko pero masisisi niya ba ko? Pamilya ko ang nakasalalay rito, sila ang rason bakit ako napunta roon kaya sila dapat ang unahin ko.
Hindi ko rin siya matawagan dahil wala akong number niya. Walang rin akong kahit na anong contact sa mansiyon.
Ngayon ko lang din napagtanto na hindi niya alam kung saang bansa ako nakatira. Hindi pa pala kami ganun magkakilala.
Hindi niya alam ang number ko, kung saan ako nakatira, miski edad or birthday ko hindi niya pa alam. Ang alam pa lang niya ay ang pangalan ko at tungkol sa pag snorkeling ng pamilya namin noon.
Pero siya kilala ko. Dahil nagpakilala siya saakin tiba, bago magstart yung event sa company niya. Ang unfair ko ba? Kasi hindi man lang ako nagkukuwento sa kaniya tungkol saakin.
Hindi sa kwinikwestyon ko ang pagmamahalan namin. Pero nagmadali ba kami sa pagpapasiya? Hindi pa kami lubos na magkakilala pero pumasok na kami sa isang relasyon.
Kung tama man ako gusto kong humingi ng tawad. Minadali ko kung anong meron kami. Siguro nga Tama ako.
Kung makakahanap man siya ng mas magpapasaya sa kaniya hindi na ako aangal tatanggapin ko. Kasi wala ako roon ngayon. Ni hindi ko nga napakilala sarili ko.
Hindi ko na alam kung saan ako dinadala ng paa ko. Pagkakita ko nasa park na ako, hapon na kaya kaunti na lamang ang tao.
Ni hindi ko rin napansin na umiiyak na pala ako. Bakit? Umupo ako sa swing at pinakalma ang sarili.
"Kenjie, hindi ko mapapangako na magkikita tayo muli. Hahayaan ko na lang si tadhana sa plano niya. Pero kung sakali man na hindi na tayo magkikita sana makahanap ka na lang ng iba na magpapasaya sayo. Yung hindi ka iiwan gaya ng ginawa ko. Pasensya na naging duwag ako, natatakot lang akong mawalan uli ng magulang alam mo yun natrauma na ako."
"Hindi ko naman hinihingi na mapatawad mo ako agad. Tanggapin ko kung magagalit ka sakin kasi kasalanan ko ito. Pero sa tingin ko kailangan na natin maghiwalay at itigil ang relasyon na ito."
Mukha akong tanga hindi niya naman ako naririnig pero salita ako ng salita. Nakatingin ako sa papalubog na araw. Iyak ng iyak, ako na lang naman ang tao rito.
Umaasa ako na kahit imposible ay marinig niya ang sinabi ko. Na kahit malayo maramdaman niya na nasasaktan rin ako.
"Ito naman iyak ng iyak, ohh-- punas mo lusaw na mascara mo" pagkatingala ko nakita ko si Lester. Inabot niya saakin yung panyo niya pero imbis na tanggapin niyakap ko siya.
Humagulgul ako sa likod niya, kailangang kailangan ko ito ngayon.
Ikiwnento ko sakanya lahat ng nangyari sa Spain simula sa pagkarating ko hanggang pag-alis. Sinabi niya maintindihan din ako nun kung totoo niya akong mahal.
Napakaswerte ko at naging kaibigan ko siya. Sana nga sakaniya na lang ako nagkagusto. Alam niyo yun lagi siyang nandiyan para saakin hindi niya ko pinapabayaan. Ideal guy siya ng lahat kaya nagtataka ako bakit wala parin siyang natitipuhan.
BINABASA MO ANG
Hasta Que Lo Conocí (Until I Met Him)
Non-FictionAko si Beatriz Joy Ricafort, simpleng babae na ang pangarap sa buhay ay makontento. Pero kailan mo ba masasabi na kontento ka? Pag marami ka ng pera? malaki at maganda ang mala-mansyon mong bahay? o pag masaya ka na sa piling ng iba? Para saakin mak...