Chapter 12: Kenjie

0 0 0
                                    

Hayyss andaming nangyari kahapon. Kakapagod ang hirap pala magkaroon ng company. Pero worth it naman ang hirap.

Pagtapos ng event umuwi na agad kami. Hindi ko na siya nakausap uli kasi nakatulog na ako sa byahe.

"Ohh gising ka na pala Bea, pinapatawag ka ni Señor. Hihintayin ka daw niya sa library sa itaas" kakagising ko lang. Maaga talaga nagigising si Dizy kasi sumasama siya sa pagbili ng lulutuin.

"Ha? Pero 5:00 palang ng umaga. Ngayon na ba talaga?" Nakakapagtaka lang bakit sobrang aga naman niya ko kakausapin at bakit di niya na lamang sinabi kahapon.

"Ewan ko, ang sabi niya lang kung gising ka na sabihin ko." Napatango na lamang ako.

"Sige, mag aayos lang ako ng sarili" hayss bakit naman kaya?

Nang nakatapos na ako mag-ayos dumiretso na ko sa library sa itaas. Nakaawang ang pinto kaya hindi na ako kumatok.

Nakita ko siya na naghahanap ng libro.

"Señor?" Bungad ko, napalingon siya saakin at nagsenyas na umupo muna ako.

Ang fresh niya naman umagang umaga palang. Grabe sana ol.

"I just want you to give me a favor. I will straight it to the point. I will be needed you as my object in my launching of designs about my company. Maybe you're confused why I chose you. It is simply because I needed an other foreign person as an object in places here in Spain."

"Don't worry you'll be paid every hour you spent.  But as far as you agreed you'll be my object slash personal assistant for 2 months of working with me."

"You can earn as much as 10,000 US dollars for a month, it is just a minimum paid. You can have an additional if we're going to overtime every shoot." Grabe naman pala yung kikitain ko pwede na akong makabayad ng lahat ng utang namin. Makakabili na rin ako ng bahay na kahit maliit para saamin.

Pero ano bang gagawin ko bilang object niya? Mga model ganun, Kaya ko na yun kasi sumasama na ko sa mga pageant sa Pilipinas.

Pero paano naman kung PA na? Tagapunas ng pawis? Taga-abot ng mga kailangan niya? Hayss kailangan ko na tanggapin ito. Para kung sakali man may maipon ako pag-uwi sa Pilipinas.

"Sounds good. I will accept your offer. When will it starts?" Tanong ko.

"Now" huh? Ambilis naman. "Prepare now 'cause where going to Madrid church for the first shoot" Sabi niya. Nagmadali akong bumalik sa kwarto at nagpalit na muli ng damit.

Madrid church. Wao sa pangalawang pagkakataon makakapunta uli ako dun. Naeexcite na ko.


Madrid church....

"Madrid’s Cathedral is, of course, one of the most beautiful churches in the city. It is located right next to the Royal Palace, and was built during the 19th and 20th centuries." Kwento ni Senor, oo nga katabi lang siya ng Royal palace.

"It is the only Spanish cathedral that has been consecrated by a Pope, it was blessed by John Paul II during his visit to Madrid in 1993." Tuloy niya. Nagtanong kasi ako sakaniya tungkol sa simbahan na ito.

Kinekwento niya naman ito saakin habang wala pa ang mag-aayos saakin. Nasa loob lamang kami ng sasakyan dahil maraming tao sa labas ng simbahan.

"Since it was conceived as an integral part of the Royal Palace complex, the church’s cross is oriented towards the North and South and not the West and East, which is uncommon for a Christian church. It has a beautiful interior to match its stunning exterior, with plenty to admire in every corner." Napakaganda talaga ng Madrid. Siguro marami pa akong malalaman na lugar dito dahil maitoitour niya ako at the same time bilang object niya.

Nabanggit niya saakin na ang gagawin ko ay aacting na nagbibigay ng pagkain sa isang bata. Kukuhanan nila ako na silhouette style.

Nalaman ko rin na ilalagay pala ito sa isang magazine para mapataas ang bilang ng turismo sakanila. Ibat ibang tourists spot ang pupuntahan namin sa Madrid.

"The make up artist is now on the car behind us" Sabi ni Kenjie. Lumabas na ako ng sasakyan niya at pumunta sa nasa likod na  sasakyan.

Inayusan na ko ng buhok at minake up-an na. Nakadamit na ko na white dress na hanggang tuhod at heels na nasa 3 inches.

Light make up lang ang inapply sakin bilang babagay sa background na simbahan
Lalabas palamang ako ng iniabot ni Kenjie ang kamay niya para tulungan ako.

Tinanggap ko ito at nagpasalamat. Kinikilig naman ako. Sobrang bait at gentleman talaga niya. Kung sakali man na totoo ang pag-amin niya saakin, walang duda na Lalo akong mahuhulog sakaniya.

Teka ano ba itong pinag-iisip ko? Inabutan lang ng kamay bibigay na ko? Nooo no nooo Bea.

"Bea come here. We will start" tinawag na ako ng photographer at sinabi ang gagawin ko.

Nakailang shot siya saakin sa ibat ibang angle. Medyo nauuhaw na ako dahil di parin kami nagbebreak hanggang ngayon. Siguro mga 2 oras na kami dito.

"Cut" sigaw ni Kenjie. Nagtake siya ng one hour break. Hayss salamat.

"Bea come join me" tawag niya saakin. Pagkapunta ko ay sa sasakyan niya kami kumain. May binili na siyang pagkain.

"Thank Kenj--- I mean Señor" ano ba yan nasasanay na ko na Kenjie.

"It's all right. From now on you can call me Kenjie." Sabi niya sabay ngiti. Grabe napakatamis ng ngiti niya. Totoong totoo.

Nagsimula na kaming kumain at nagshoot pa ng mga 2 oras bago kami tuluyang umuwi.

Hasta Que Lo Conocí (Until I Met Him)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon