-----
"If you want to live a happy life, tie it to a goal, not to people or things." – Albert Einstein
-----
"You see," she said, "your first love isn't the first person you give your heart to, it's the first one who breaks it." I closed the book after I finished reading that line. I sighed.
Tinangggal ko ang aking earphones saka napatayo sa aming veranda at napatingin sa librong hawak hawak ko, First Love by Langleav.
I'm fond of reading books, especially by that author because every line of its story has a meaning. Napatingala ako sa langit at napaisip, "kailan ko kaya makikita true love ko?" I said in my thoughts. I just sighed again.
Time check 6:45PM. Pinatong ko yung libro sa mesa at saka naisipang bumaba. Pagdating sa baba naabutan kong nakahiga sa sofa ang aking pinsan.
"Oh Lau, saan ka nanggaling? Kanina pa kita hinahanap." wika ni Brianna na bored nakatingin sakin.
Di pa ako nakasagot ay naunahan na ako ni Mama, "Nako Brian, ang pinsan mong yan buong maghapong nagbabasa sa kwarto niyan. Ewan ko nga ba't di nagsasawa." nakailing niyang wika na ang isang kamay nasa bewang niya.
Lumingon ako sa kanya at lumapit sabay ngiti at saka niyakap siya sa likod sabay sabing, "Ma naman, kanino pa ba mag mamana ang napakagandang anak niyo na mahilig magbasa? Syempre sa nanay kong maganda, masipag, mapagmahal..." sabay kaming napatawa ni Mama sa lambing ko.
"Asus, ang sweet sweet ng anak ko." nakangiting wika niya sabay yakap ng mahigpit sa akin.
"Eh ang Papa pwede bang sumama sa yakap?" sabay kaming napatingin ni mama sa pinto at nakitang nakangiti si papa na halatang kakarating lang galing trabaho.
"Tara group hug!!!!" Sigaw ni Brianna sabay hila kay papa palapit sa amin. Sabay kaming nagtawanan habang ginugulo ng papa ang buhok ng pinsan ko.
Masayahing pamilya ang meron kami, para sakin ay perfect family na ang meron ako. Baka magtaka kayo, pinsan ko si Brianna sa side ni Papa at bata palang ay nakatira na siya dito kasama namin.
Noong bata kasi siya ay naaksidente ang mga magulang niya kaya naisipan siyang kupkupin ni Papa at masaya naman ako dun dahil parang may kapatid na ako. Magka edad lang kaming dalawa kaya nagkakasundo naman kami sa mga bagay bagay.
Kasalukuyang nakaupo na kami ngayon sa hapagkainan, eto ang paborito kong part sa araw araw dito sa bahay, ang salo salo kaming kakain kasama ang masasarap na luto ni Mama.
"Laureen anak, nakapag desisyon kana ba kung saan ka mag-aaral sa pasukan?" wika ni Mama. Napahinto naman ako sa pagkain ng marinig ko yon.
Sa totoo lang kasi nahihiya akong sabihin sa kanila na sa Oakwood University kong gustong mag-aral. Yan kasi ang pangarap kong pasukan sa kolehiyo. Kaso nga lang tuwing binabanggit ko yan noon kila Mama ay nag iiba ang kanyang modo.
"Haaaay nako tita, saan pa ba ang bagay kay insan? Go for Oakwood University!" hyper na singit ni Brianna at napatigil si Mama sa pagkuha ng kanin sabay nagkatinginan sila ni Papa.
"Aa-ahh Ma, wag kayong makinig kay Brianna" nauutal kong wika. "Ang mahal ng unibersidad na yun. at saka puro mayayaman ang nag-aaral doon." dagdag ko.
"Pwede namang sa Beverly College ka mag-aral para magkasama kayo ni Brianna." suhestyon ni Papa.
"Ano ba yan tito, ang talino kaya super ng anak niyo. Mula nung elementary eh top 1 yan." pagyayabang ng pinsan ko. Napapikit nalang ako sa sinabi niya. Napaka supportive talaga at alam na alam niya na gustong gusto ko sa Oakwood.
BINABASA MO ANG
The FOUR KNIGHTS And I
Teen FictionA simple girl living a simple life, surrounded by four rich, famous and gorgeous men. How will she able to handle them?