-----
"Is that coincidence or is that fate? Sometimes, this things happen" - Ernest Hunter
-----THIRD PERSON
Sa isang malawak at engrandeng silid, may isang lalaki na nakatayo sa harap ng napakalawak na bintana hawak hawak ang isang wine glass sa kanyang kamay habang nakatingin sa malayo na halatang malalim ang iniisip. Sa tindig palang ay halatang isang respitadong tao siya, naka black suite na napaka pormal tingnan mula taas hanggang ibaba.
"Chairman." wika ng isang lalaking naka suite din na itim sabay bow upang bigay galang sa pagbati. Naudlot ang kanyang pag-iisip ng biglang may pumasok sa kanyang silid.
Napalingon naman siya at sumenyas saka umupo sa kanyang swivel chair na naka dekwatro ang mga binti. Bago magsalita ay ipinatong niya muna ang hawak niyang wine glass sa kanyang mesa, "How's the preparations going? Did you already tell the boys for that upcoming event?" Nakangiting tanong niya na tila'y may magandang balita siyang matatanggap.
Bago sumagot ay nag bow ulit ang kanyang personal assistant/butler, "Yes Chairman. Tinawagan ko na po silang apat na bukas ay dapat kumpleto sila sa importanteng okasyon dito sa mansyon." Seryosong pahayag niya.
Napangiti naman ang Chairman sa kanyang narinig. 'Kahit bukas man lang ay makita ko silang kumpleto at sama-sama' wika niya sa kanyang isipan.
"Siguraduhin mong maging okay ang lahat bukas." simpleng wika niya at sumenyas na naman siya na tapos na ang usapan. Yumuko ulit ang kanyang sekretarya bago tuluyang umalis. '
Ang gusto ko man lang ay magkakasundo kayong apat.'
LAUREEN
Sabado ng umaga, gumising ako ng may ngiti sa labi. Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan ang oras, 8:00 na pala ng umaga. Umunat unat muna ako bago bumangon. Pagkabangon ko ay binuksan ko ang kurtina ng aking kwarto at mas lalo akong napangita ng tumapat sa aking mukha ang araw. 'Ang ganda ng weather ngayon ah.' masayang wika ko sa aking isipan.
Isang linggo na ang nakalipas simula nung nag-enroll ako sa Oakwood University at isang lingoo na rin simula noong nakasalamuha ko ang dalawa sa Kang brothers. Sa tuwing naiisip ko yan ay automatic sabunot agad ako sa aking sarili. 'Dalawa pa nga lang sa kanila ang nakakasalamuha ko ay nababaliw na ako, how much more kung apat pa?'
I immediately scratched that thought in my head. Bumuntong hininga ako saka inayos ang sarili ko at naisipang maligo.
Pagkatapos kong maligo at mag-ayos, dala dala ko ang aking cellphone at libro dahil naisipan kong tumambay sa sala upang magbasa pero pagdating ko sa ibaba ay sumalubong sa akin si insan na may hawak hawak na white envelope. "Insan, may nag deliver neto kanina para sayo." kinuha ko agad ang envelope sa kanyang kamay.
Nakatayo pa rin siya sa harap ko habang naghihintay na bubuksan ko ito. Tiningnan ko ang envelope, sa bandang gilid ay may logo ng 'OAKWOOD UNIVERSITY?' I read silently. So binuksan ko agad at binasa ang nilalaman.
'Miss Laureen Vienesse Santos, kindly report to the University 10:00am today and proceed to the admin office for special announcement. bla bla bla....' di ko na pinatapos basahin dahil sa sobrang excitement na may halong pagtataka.
'special announcement? Ano kaya yun?' nagtataka kong wika sa aking isipan.
"OMG tita!!!" malakas na sigaw ni Brianna dahilang napatakip ako ng aking tenga. "Ano ba yan Brianna ang ingay ingay mo." reklamo ni Mama habang papalapit sa amin.
Nga pala medyo okay na kaming dalawa, dahil nakapag-usap na kami tungkol sa pag-aaral ko sa Oakwood. Ang gusto niya lang ay mag-aral ako ng matiwasay doon at hindi ako magpapaapi sa mga studyante doon.
BINABASA MO ANG
The FOUR KNIGHTS And I
Teen FictionA simple girl living a simple life, surrounded by four rich, famous and gorgeous men. How will she able to handle them?