"In love, ignoring is more painful than refusal." - Vikash
----
LAUREEN
Naalimpungatan ako ng maramdaman 'kong may umaalog sa akin. Pagkamulat ng mga mata ko ay tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni mama. "Ma? Kanina pa po ba kayo?" tanong ko habang kinukusot ang mga mata ko.
"Tulog mantika ka na naman Laureen. Bumangon ka na diyan. Unang araw ng klase mo baka ma late ka." wika niya habang pinaplantsa ang uniporme ko.
Tiningnan ko ang orasan. Maaga pa naman. Nakahiga pa rin ako sa aking kama hanggang sa makalabas si mama sa kwarto. 'Arrrrggghhh!' napahilamos nalang ako sa aking mukha ng maalala ko ang nangyari kagabi.
Flashback
Lutang na lutang akong naglalakad papasok ng bahay hanggang sa makarating sa aking kwarto. Mabuti at hindi kami nagkita ni insan dahil siguradong guguluhin na naman ako niyan. Pagkarating sa kwarto ay nilock ko agad ang pinto saka nahiga sa kama.
Tulala lang akong nakatitig sa kisame habang pilit na pinagsink-in sa utak ko ang mga pangyayari ng biglang tumunog ang cellphoone ko hudyat na may tumatawag.
"Ano" bored kong tanong ng hindi na nag abalang tingnan kung sino ang caller.
(I'm in front of your house) pagkarinig ko ng boses ay agad nanlaki ang mata ko. Tiningnan ko agad ang screen ng cellphone ko. Paaaaktaaay. Ang asungot.
(Hey, naririnig mo ba ako babae??) agad naman akong tumayo at saka dumungaw sa veranda.
"Naligaw ka ata?" pabalang na sagot pero binaba niya naman agad ang tawag ng matanaw niya ako.
"What?" I mouthed. Sumenyas naman siyang bumaba ako.
Dali-dali kong kinuha ang sweater sa cabinet at saka nagmamadaling lumabas. Yari na naman ako neto kay mama pag nakita niya ang asungot sa labas. Baka isipin pa niyang jowa ko yun. As if naman na magkagusto ako sa kanya.
"Saan ka pupunta anak? Gabi na." napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni mama sa aking likuran.
"Ah ma, pupunta lang sa convinient store. May bibilhin lang babalik din po ako kaagad." palusot ko. Sana tumalab.
"Isama mo na si Brianna. Tatawagin ko." nanlaki naman ang mga mata ko.
"T-te-tekaa ma, nako wag na. Busy si insan inaya ko na."
"Ha? Anong busy. Busy sa chismis? Teka tawagin ko." ng humakbang siya paakyat ay agad naman akong kumaripas ng takbo.
"Sige ma, una na ako.!" narinig ko pang tinawag niya ako pero dire-diretso na akong lumabas.
Pagdating sa labas ay naabutan ko siyang nakasandal sa kotse niya habang nakapamulsa na halatang naiinip na.
"What took you so long? Tss." reklamo niya.
"Abnormal ka ba? Anong ginagawa mo dito?" bungad ko. Napa smirk lang siya saka umayos ng tayo.
"I told you na susunduin kita kanina after your shift. Pero wala kana pagdating ko sa coffee shop." seryoso pala talaga siya sa sinabi niya kanina.
"Bakit ba?"
"Get inside the car."
"Saan mo na naman ako dadalhin?"
"Just get in the car. Kung gusto mo doon tayo sa loob ng bahay niyo mag-uusap?" walang pag-alinlangan ay sumakay na agad ako.
"Sabi ko nga sasakay na. Bilisan mo ang bagal." napailing nalang siya.
BINABASA MO ANG
The FOUR KNIGHTS And I
Teen FictionA simple girl living a simple life, surrounded by four rich, famous and gorgeous men. How will she able to handle them?
