LAUREEN VIENESSE
Kasalukuyang nasa byahe ako ngayon kasama ang magkakapatid. Dali-dali akong nagpaalam kay mama nung dumating ang dalawa pang KANG sa bahay at sinabihan ko rin si mama na huwag ng isama si insan dahil baka mag hysterical yun pag nalaman na kasama si Terrence na crush na crush niya.
Naka sweater lang ako saka pantalon at flats. Umuulan pa kasi pero hindi na gaanong kalakas katulad kanina. Sa sobrang pagmamadali ay cellphone ko lang ang dala ko kaya no choice ako na dapat hindi ako humiwalay sa apat na 'to dahil wala akong pamasahe pauwi kung sakaling mawala ako.
Wala pa naman akong load.
"Woah! I think this day will gonna be fun!" masayang saad ni Terrence galing sa likuran ko habang naka taas ang dalawang kamay. Natawa naman ako ng bahagya dahil parang bata talaga ang itsura niya.
Nasa iisang van kaming lima plus yung kanilang driver. Bago kami umalis kanina ay nagkaroon pa ng kaunting gulo sa pagitan nilang apat sa kadahilanang kung saan ako sasabay. May kanya-kanya kasi silang dalang sasakyan, pero sa huli ay nagkasundo rin sila na sa iisang van nalang kami dahil gusto nilang mag road trip, kaya tinawagan nila agad ang kanilang driver.
Hanep din. Roadtrip sa ganitong panahon.
"Blessing in disguise ka talaga future sis!" ani ni Terrence habang naka dungaw sa akin kaya medyo nabigla rin ako.
"Huh? Bakit naman?" nagtataka kong tanong.
Yung seating arrangement namin ay, sa first row yung driver katabi ni Kaizher then sa second row kami ni Keith at sa likuran ay si Angelo at Terrence. Every row kasi ay tig dalawang upuan lang, alam niyo yung parang pang celebrity na van.
"This is kinda rare na magsama-sama kaming apat na gagala." simpleng sagot ni Angelo na prenteng naka upo sa likuran.
"Yun nga, kung hindi pa ako mag prank call sa kanila ay hindi kami magkakasama." dugtong naman ni Terrence.
"Tss. Epal lang kayong dalawa. Today was supposed to be our date." reklamo naman ni Keith. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
Ang feeling. Anong date ang pinagsasabi neto?
Tiningnan ko naman si Kaizher sa unahan na tahimik lang habang nakapikit ang mata at saka may naka saksak na earpods sa kanyang tenga.
Bakit ang cool niya sa lahat ng bagay?
"Hoy! Tulala ka." I get back to my senses when Keith snapped his fingers in my face.
"Ano ba." reklamo ko naman. "Saan niyo ba talaga ako balak dalhin ha?" I asked.
"Well, let's say to a place where we can relax and enjoy." Terrence answered then winked at me. Napailing nalang ako.
"Nga pala bakit hindi niyo sinama si Beatrix?" nagkatinginan pa sila bago sumagot. Si Kaizher dapat ang sasagot nito dahil parang sila naman ang mas close nun.
"You know, pretty Bea is a busy person. She temporarily took over their business here in the Philippines while her parents is away." si Terrence na ang sumagot.
Woah. Ang bata pa niya pero tutok na siya sa business.
"Ah, ganon ba sayang naman." I just took a deep breath at inenjoy ang view sa labas.
**********
TERRENCE BRIX
After an hour we arrived at our destination. We decided, I mean, I decided na dito nalang kami sa private resort namin pimunta. It's been a while nung huli kaming pumunta dito.
BINABASA MO ANG
The FOUR KNIGHTS And I
Teen FictionA simple girl living a simple life, surrounded by four rich, famous and gorgeous men. How will she able to handle them?