"I didn't choose you.I just took one look at you, and then- there was no turning back" - Anonymous-----
THIRD PERSON
Tulala na nakatayo sa counter si Laureen. Hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang nangyari kanina. Pagkatapos ng incidenteng iyon ay basang basa siyang umuwi sa kanilang bahay. Laking gulat ng kanyang ina pagkauwi niya dahil sa itsura ito. Hindi naman siya nakapag kwento sa nangyari dahil nagkulong siya sa kanyang kwarto nang tulala pa rin at naka labas lang ito nang umalis dahil mayroon pa siyang duty sa Cafe.
*Bell chimes* tumunog ito senyales na mayroong pumasok sa Cafe. "Fr-Frenyyy...." siniko siya ni Trixie na tila nakakita ng multo habang nakatingin sa customer na bagong dating.
Mas napaawang ang kanyang bibig ng may sumunod pa na pumasok sa loob. Dumiretso ang dalawang customer na dumating sa bakanteng upuan.
"Lau!" nagbalik diwa si Laureen ng hampasin na siya ng kanyang kaibigan. "Ano ba? Nanghahampas kana!" reklamo niya ng di niya namalayan na napalakas ang kanyang pagkasabi dahilan na sabay napatingin ang dalawang binata na prenteng nakaupo sa sulok na pwesto.
Patuloy na nagbabangayan ang dalawa ng may nagsalita sa harap nila, "Hey stupid." sabay silang napahinto at napalingon. Nanlaki ang mga mata ni Laureen ng makilala niya kung sino. Biglang nagkanda leche leche ang kanyang systema na tila hindi alam ang isasagot o ikikilos sa harapan ng binata.
"A..aa..anong ginagawa mo dito?" nauutal niyang wika. Sa halip na sumagot ay binigyan lamang siya ng pilyong ngiti na talagang lumitaw ang kanyang napakagandang dimples sa gilid. May inabot sa kanya ang binata bago magsalita.
"Wear that tomorrow. By the way where will I fetch you?" inosenteng tanong niya samantalang naguguluhan pa ang dalaga sa sinasabi niya.
"Anong pinagsasabi mo asungot?" naiirita niyang wika. Sumandal sa counter ang binata at saka ngumiti sa kanya. Si Trixie naman ay nagpipigil sa kilig sa gilid.
"Frenny di mo naman sinasabi na magkakilala na pala kayo ni Keith.. Kyaaaaa." kinikilig niyang wika. siniko naman siya ni Laureen sa gilid, 'Aray'.
"Hindi ko matatanggap yan dahil hindi naman ako pumayag sa date na sinasabi mo." seryosong wika niya. Nagpabalik balik lang ang tingin ni Trixie sa kanila.
Ngumiti ng makahulugan naman ang binata at may kung anong kinuha sa kanyang bulsa. "Okay so, akin nalang 'to? Bilang pa thank you sa pagsagip sayo." wika niya sabay pakita ng bracelet ni Laureen na naiwan sa pool area kanina.
Mabilis na hinablot ni Laureen pero mabilis namang naiwas ni Keith. "Not too fast." pahayag niya at napatawa ng bahagya. Ibinalik niya ito sa kanyang bulsa habang diretsong nakatingin kay Laureen na nagpipigil sa inis.
"Akin na nga yan! Ibalik mo sa akin!." reklamo ng dalaga.
"Yes, I'll surely give it back to you. Just be my date tomorrow night. Simple as that." walang magawa ang dalaga sa kanyang deal kaya napa oo siya sa di oras.
"Okay fine! Anong oras ba?" bagot niyang tanong. Mas lalong napangiti ang binata sa kanya.
"6pm. Just text me your address and here's calling card." kinuha nito ang kanyang pitaka at ibinigay ang isang maliit na card.
"Siguraduhin mong ibabalik mo yan bukas. Kung hindi bibingo ka talaga sakin! Natawa nalanag ang binata. Naputol ang kanilang pag-uusap ng may sumingit sa tabi ni Keith na nakapamulsa habang nakatingin sa menu.
"Pinapapunta mo kami rito tapos mambababae ka lang? Akala ko si Terrence ang babaero sa ating apat?" nanunuyang pahayag ng binata sa tabi niya.
"Oh bakit dining ko ang pangalan ko diyan? Alam 'kong gwapo ako pero parang sinisiraan mo na ako diyan kuya ah?" sigaw ni Terrence dahil naiwan ito sa kanilang table.
BINABASA MO ANG
The FOUR KNIGHTS And I
Teen FictionA simple girl living a simple life, surrounded by four rich, famous and gorgeous men. How will she able to handle them?