TWELVE : A FAVOR

4 1 0
                                    


LAUREEN VIENESSE

Tahimik kaming nakaupo dito sa engrandeng sala ng kanilang rest house. Nakayuko lang ako ng bahagya habang naghihintay sa susunod na mangyayari. Natakot kasi ako bigla dahil sobrang seryoso ng mukha ng Chairman.

Alam ko hindi ito ang unang beses na makita ko sila pero nahihiya pa rin ako.

"I didn't expect that I will see you here Miss Santos." nabasag ang katahimikan ng magsalita ang Chairman.

"Good e-evening po." nauutal kong bati. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Sa totoo lang ay kanina pa ako nilalamig dahil sa kaba at dahil na rin na hindi pa kami naka bihis.

Tumikhim naman ang Chairman at hindi na nagsalita. Seryoso niyang tiningnan ang apat niyang anak na ngayon ay prenteng naka upo at naka topless pa rin ang tatlo samantalang si Kaizher ay naka tshirt lang.

"What brings you here mom?" tanong ni Terrence.

"Gusto lang naman kayo makita ng daddy ninyo na magkakasama. Alam mo naman yan kung gaano kasabik sa tuwing malaman niyang kumpleto kayo." nakangiting sagot nito.

Napangiti naman ako sa isipan ko.

'Kung alam niyo lang kung gaano sila kasaya kanina'

Napaiwas naman ng tingin ang Chairman habang seryoso pa rin ang mukha.

"We're not kids anymore." simpleng saad naman ni Kaizher pero tiningnan lang siya ng kanyang ama.

"Magbihis na kayo. Butler Lee paki samahan nalang si Miss Santos sa guest room." utos ng Chairman.

Nasigtayuan naman ang magkakapatid at nag kanya-kanyang alis. Pero naiwan si Keith sa tabi ko.

"Magbihis kana." saad ko. Pero hindi pa rin siya umaalis.

"You have no clothes. I can lend you mine." casual na wika niya. Parang wala lang sa kanya ah.

Kaloka. Awkward tuloy.

"No need anak. Let me take care of her." presinta naman ng mama nila. Nahiya tuloy ako.

"Thanks mom." sagot ni Keith saka hinalikan ang mommy niya bago umalis.

Awww. May sweetness din pala 'to.

------------

Kakatapos ko lang magbihis at mag-ayos ng aking sarili nang maabutan kong naka upo sa dulo ng kama si tita. Mejo nakaramdam ako ng hiya sa presensya niya.

"You look good on that dress." nakangiting wika niya saka tumayo at lumapit sa akin.

"Salamat po." ika ko.

"Uhmmm Hija, diretsuhin na kita." seryosong wika niya dahilan na nakaramdam ako ng konting kaba. "I like you."

"P-po?" nauutal kong tanong. "Ano pong ibig niyong sabihin?"

Bago magsalita ay hinawakan niya ang dalawa kong kamay saka tipid na ngumiti.

"Simula nung dumating ka sa buhay ng mga anak ko lalong lalo na sa buhay ni Keith, madalas ko na silang nakikitang nakangiti at masaya. Thank you hija." hindi ko alam ang mararamdaman ko.

Dapat ba akong matuwa dahil may improvement sa magkakapatid o dapat ba akong ma guilty dahil paniwalang paniwala ang mama nila na magjowa kami ni Keith?

Puno ng sensiridad ang bawat salitang binitawan ni tita. Hindi ko alam pero boluntaryong gumalaw ang katawan ko at niyakap siya. Ang swerte ni Kaizher sa stepmom niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The FOUR KNIGHTS And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon