T E N : SATURDAY

76 3 0
                                        


LAUREEN VIENESSE

Nagising ako na dahil sa malakas na ulan. Tiningnan ko ang oras at 8:00 na ng umaga. Sabado ngayon kaya walang pasok. Kasalukuyang nakahiga pa rin ako sa aking kama habang dinadama ang malamig na klima. 

How I like rainy days.

"Insan!" napabalikwas ako sa biglaang pagpasok ni Brianna.

"Ano na naman?! Nanggugulat ka eh!" reklamo ko habang naka hawak sa aking dibdib. Hingal na hingal siyang pumasok sa kwarto.

"Kasi... Ano. Yung.." panimula niya at napakunot naman ang noo ko.

"Anong problema?" nagtatakang tanong ko.

"Kasi nga yung ano.. Sa baba ano..-" napakunot ang noo ko kaya tumayo na ako at lumapit sa kanya. Nakatayo kasi siya sa pintuan.

"Insan, woi! Kumalma ka nga, di kita maintindihan eh." umiling-iling siya sa sinabi ko. Nabigla naman ako ng mabilis niya akong hinigit palabas sa kwarto.

"Hoy teka! Ano ba saan mo 'ko dadalhin!" reklamo ko pero dire-diretso lang kami.Di nagtagal ay nandito na kami sa baba, specifically sa sala.

"Ano na naman ba ang trip mo?" tanong ko dahil bigla siyang napatigil at tumuturo sa likuran ko kaya lumingon naman ako.

"At anong meron sa lik-.." I was stunned at hindi ko na natapos ang sasabihin ko.

"Did I wake you up?" he casually said.

Kaizher in the house everyone.

"Paano? Bakit? Huh?" hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Napatingin ako kay insan at nagkibit balikat lang siya na parang wala ding alam sa nangyayari.

"Yeah, I know you're wondering why I'm here." wika niya habang nakapamulsa at nakatingin sa akin.

"OMG!" saad ko ng ma realize ko na nakapantulog pa ako at wala pa akong bra! Anak ng!

"Cute." wika niya sabay smirk kaya bigla ko naman tinakpan ang sarili ko.

"Bastos!" sigaw ko at dali daling tumakbo pabalik sa taas.

May sinabi pa siya pero hindi ko na pinansin. Nakakahiya! Pagdating sa kwarto ay dinampot ko agad ang cellphone ko ng tumunog. Isang text galing kay Trixie.

Frenny, alam ko oo nagtataka ka at baka na badtrip ka. Lol Maaga pa yang pumunta dito sa cafe at tinanong kung saan yung address mo. Ibang klase! Akala ko number hihingin eh. Haha labyou!

"Aaarrrrgghhhh!" Napasigaw nalang ako at sabunot sa sarili ko ng mabasa ko ang mensahe.


KEITH ANDREI

Naging busy ako sa unang week ng pasukan. Ilang araw na rin akong iniiwasan ni Laureen na ipinagtataka ko. I'm getting fond of her as days pass by and seriously I don't know why.

"Keith ten laps more, and we're good for today." wika ni coach. Napatango nalang ako saka tumayo. Kasalukuyang naka upo kasi ako sa bench at nag 10 minutes break.

Maaga akong nag training ngayon upang maaga ring matapos. Every weekends half day ang practice ko sa swimming kaya free ako maghapon. Naisipan ko ring puntahan si Laureen sa bahay nila just to make things up.

Pagkatapos ng sampung laps ay umahon na ako. Nagpaalam na rin si coach, kaya dumiretso na ako sa mens room para bumihis.

*ring ring*

The FOUR KNIGHTS And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon