"Happiness is when you make unexpected new friends."
---------------
LAUREEN VIENESSE
Friday, ika limang araw ng pasukan. Ang bilis ng panahon parang kailan lang. So far so good. Hindi ko na rin nakikita si asungot at yung masungit. Siguro busy sa kani kanilang buhay. Mabuti naman 'kong ganoon dahil matiwasay ang pagpasok ko araw-araw.
Kasalukuyang nakaupo ako dito sa school habang tinitingnan ang website ng school. Maaga akong pumasok dahil ayaw 'kong maabutan ng rush hour, syempre ang hirap makisingit sa bus.
Napahinto ako sa pagscroll ng may naka agaw ng atensyon ko, 'Strict Hierarchy?' dahil sa kuryusidad ay clinick ko.
OAKWOOD UNIVERSITY STRICT HIERARCHY. Napakunot naman ang noo ko ng mabasa ko yun. Hindi ako updated neto kaya nagpatuloy akong magbasa ng nilalaman.
First Rank belongs to those who are to inherit businesses. They are the sons and daughters of conglomerates.
Second Rank belongs to those who will inherit stocks. Although they won't be successors, they already are majority shareholders.
Third Rank belongs to those who have honorable backgrounds. They are children of honorary officials such as congressmen, Chief of Justice and from law firms CEO's.
Fourth Rank belongs to those students who are in need. They are the students who are given a chance by the foundation to study in the University.
Isa lang ang masasabi ko 'Woooaaah!'. Alam ko na ang Oakwood ay isang top business perfroming school. Grabe, hindi ako nag-expect na meron ditong ganito. Akala ko kasi sa napapanood ko lang na mga K-drama ang ganyan, pati pala sa totoo buhay ay meron din.
Naks ibang klase! Pero teka? So ibig sabihin ay nasa Fourth Rank ako kung ganon? Nagkibit balikat nalang ako.
Ibinulsa ko ang aking cellphone saka bumuntong hininga bago naisipang maglakad. Habang naglalakad ay paulit-ulit pa rin sa aking isipan ang hierarchy na nabasa ko. Parang timang lang ako habang tumatango tango at kinakausap ang sarili ko.
"Hi." nagbalik diwa naman ako ng may sumabay sa akin habang naglalakad. Napatingin naman ako sa kaliwa ko dahil baka assuming naman ako na ako yung binati.
"O-ohh hi?." Nahihiyang bati ko pabalik sabay ngiti. Nakapagtataka nga lang dahil kinakausap niya ako.
"How's school?" tanong niya habang diretsong naka tingin sa daan.
"Eto, okay naman dahil hindi na sumusulpot yung asungot." diretsong sagot ko at sumulyap sa kanya. Ako lang ba o talagang medyo umiba ang reaksyon niya?
"You mean Keith? Maybe he's back on the track." napatango nalang ako kahit sa totoo niyan hindi ko alam ang ibig niyang sabihin.
"Yaan mo na. Teka maiba ako," napahinto naman kami sa paglalakad. "Bakit mo nga pala ako kinakausap? Syempre sino ba naman ako para kausapin ng isang Beatrix." nahihiyang tanong ko. Napatawa naman siya ng bahagya.
"Why wouldn't I?" nakatulala lang ako sa kanya. Ang ganda niya talaga kapag naka ngiti. "Hey, stop staring. Na conscious tuloy ako." dagdag niya saka tumawa.
"Hala sorry. Sa totoo kasi, parang kaharap ko lang ang isang artista. How to be you po?" pabiro 'kong saad at saka sabay kaming napatawa.
Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Ibang-iba siya sa mga naiisip ko na baka mataray, at saka parang mean girl dahil syempre anak mayaman. Malay ko pa naman ayaw niya makihalubilo sa mga mahirap.
BINABASA MO ANG
The FOUR KNIGHTS And I
Teen FictionA simple girl living a simple life, surrounded by four rich, famous and gorgeous men. How will she able to handle them?