"I don't know what I am more afraid of : to see you again or to never see you again." -Anonymous---------------
LAUREEN
*riiinnnngggggg!* *rinnnggggg!*
"Aish!" tinakpan ko ang aking mukha ng unan dahil kanina pa ako naririndi sa tunog ng aking alarm clock. Ika limang beses ko ng pilit patayin dahil wala pa akong gana bumangon.
"Insssssaaan! Yohoooo! wakey wakey!!!" masigla at masayang sigaw ng aking pinsan na kakapasok lang sa kwarto ko.
"Hindi uso kumatok Brianna??" sarcastic kong tanong na naka takip pa rin ang mukha. Naramdaman ko naman na umupo siya sa dualo ng aking kama.
"Ano ba yan! Gising na oy! Hindi mo ba alam kung anong araw ngayon??" tanong niya habang pilit na inaalis ang naka takip na unan sa aking mukha. "Today is the daaaay insaaan! Nakooo!" dugtong pa niya.
That's the reason why na ayaw kong gumising at gusto ko nalang matulog buong araw para pagka gising ko ay panibagong araw na naman.
"Nakooo! Tita oh! Si Lau ayaw pang bumangon!" sigaw niya naman kaya napilitan na akong bumangon.
"Ano ba ang aga aga ang ingay mo! Aish!" reklamo ko. Nakita ko ring naka tayo sa pintuan si Mama habang nakangiti.
"Mga bata talaga oh. Bumangon kana diyan Lau, diba mamayang gabi na yung party na sinasabi ni Brianna?" dire-diretsong wika ni Mama kaya napakunot ang noo ko at napatingin sa pinsan ko na kasalukuyang naka ngisi sa gilid.
'Care-to-explain' look ang ibinigay ko sa kanya.
"What? Ipinagpaalam na kita kay tita so free kanang mag gora mamayang gabi cous." maarte niyang paliwanag. Tumingin naman ako kay Mama at saka naghihintay ng sasabihin niya.
As in? 'sigh'
"Ang sabi ni Brianna ay may gaganaping party mamaya na konektado sa school niyo, ano nga bang tawag dun?" napaisip siya. "Ah, Welcome party sa mga bagong students ng University na papasukan mo, tama ba Brianna?" pagkukumperma ni Mama.
At saan na naman niya napulot yan?
"Yes po tita. At insan alam na rin ni tito so payag na sila dahil you know, 'SCHOOL' matters naman iyon." pagpapaliwanag niya at talagang may diin ang pagkabanggit niya ng school.
Psh.
Napahilamos nalang ako sa aking mukha at saka nahiga ulit.
Alam kong grabe yung brainstorming nila ni Trixie sa pagpaplano para lang makapunta ako mamaya sa sinasabi ng Keith na iyon.
'Lord ano po ba ang kasalanan ko?' --
Kasalukuyang nakatayo kami ni Brianna sa labas ng bahay habang hinihintay si Trixie. Maya maya lang ay may bumusena.
"Let's go na insan! Trixie is here na." napatingin naman ako sa harapan at nakita ko na ang sasakyan ni Trixie.
Mayaman sina Trixie kaso sadyang hindi muna daw siya papasok ngayong first semester kasi tinatamad pa siya at dahil matigas ang ulo niya walang magagawa ang kanyang parents. Only child si frenny at saka spoiled sa parents niya. Actually pinilit ko lang yan magtrabaho sa cafe which is pagmamay-ari ng pinsan niya na kaibigan naman ni Brianna, para naman may magawa siya sa buhay.
"So where to go?" tanong ko sa kanila. Dito ako sa backseat naka upo habang sila ay magkasama sa uanahan.
"Saan pa edi sa botique ng frenny mo. Lezzzgoooo!" excited na wika ni Brianna. Seriously?? Aish! Nakakahiya naman sa mommy ni frenny.
BINABASA MO ANG
The FOUR KNIGHTS And I
Teen FictionA simple girl living a simple life, surrounded by four rich, famous and gorgeous men. How will she able to handle them?