S I X : THE PARTY (Part 2)

67 4 0
                                    


"Sometimes the eyes can say more than the mouth." - Anonymous

---------

BRIANNA

Excited kaming nagtitilian dito sa kwarto ni insan habang inaayusan siya. Mayroon na lamang kaming konting minuto para tapusin siyang mag-ayos. Eh kasi naman, natagalan kami sa paghahanap ng susuotin niya kanina. Wala kasing sense of fashion.

*roll eyes*

"Oh Bri? Natulala ka bigla?" kumurap kurap muna ako at saka napatingin kay Trixie.

"Sos! Edi ano pa? Kung saan saan na naman yan dinadala ng imagination niya. Tsk." usal ni insan habang nakatingin sa salamin.

"Ay syempre naman, iniisip ko palang na makikita mo mamaya ang apat na prinsipe... Waaaa!!!! Nakakainggit!" I whinned like a child. Napasapo naman sa kanyang noo si insan saka napailing.

Totoo naman ah. Nakakainggit kaya. Huhu.

"Wait I have an idea." napatingin naman kami kay insan.

"Makabubuti ba yan sa ekonomiya ang idea mong yan fren?" natatawang tanong ni Trix kaya napa tawa din ako ng kaunti.

"What if ikaw nalang ang pumunta Bri imbes na ako? Tapos sabihin mo lang sa asungot na yun na masama ang pakiramdam ko at..." hindi ko na siya pinatapos dahil pinutol ko ang sasabihin niya.

"Nako nakoooo insan! Ikaw yata 'to ang dinadala kung saan saan ng imagination mo eh. It's a big NO NO!" angal ko.

"It's your time to shine fren! Maghihintay nalang kami mamaya sa official page ng Kangs para sa updates. Yieeee!" sabay kaming napatili ni Trix kaya napatakip nalang si insan sa kanyang tenga.

FYI. Parehas kaming fan ng Kangs so for short member kami ng kanilang fans club. Siguro sobrang cute na naman ni Terrence babe ko mamaya. Huhu.

"Nauuhaw ako Bri.." reklamo ni insan.

Halatang tense siya masyado kapag maghihingi ng tubig sa gitna ng chismisan kaya nag-volunteer akong bumaba para kumuha.

Busy ako sa pag scroll ng aking cellphone habang pababa ng hagdan ng mapahinto ako dahil narinig kong may nag-uusap. Sumilip pa ako ng kaunti para makita kung sino.

'Si tita at si tito.' usal ko kaya naisipan ko munang mag evesdrop.

Sorry may lahi akong chismosa eh.  *evil laugh*

"Sumasakit na naman ba ulit ang ulo mo mahal?" dinig kong wika ni tito Lorenzo.

"Y-yeah. Parang may naaalala akong mga pangyayari na hindi ko naman alam kung ano." sagot naman ni tita habang naka hawak sa kanyang ulo.

Hindi ito ang unang beses na narinig kong magreklamo si tita Lareena na sumasakit ang ulo niya. Hindi ko rin alam kung alam ito ni Laureen dahil ayaw nilang nag-aalala si insan.

Hindi kaya masyado na siyang stress sa sobrang bored dahil wala siyang ginagawa dito sa bahay? I sighed.


LAUREEN

Nakaharap pa rin ako sa salamin habang nilalagyan ng make up ni Trixie. Actually kanina pa nila ako inaayusan na parang ako yung VIP sa party eh. Tssss. Napahinto ako sa pagmumuni-muni ng mapansin kong pumasok si Brianna at parang zombie na naglalakad. Wala naman siyang dalang tubig? Aish!

"Hoy insan. Ang lalim ng iniisip mo ah? Saan na yung tubig?"

"A-ah h-ha?" nauutal niyang sagot. Anyare sa kanya? Moodswings?

The FOUR KNIGHTS And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon