"WHOA! Grabe! I don't believe what I'm seeing right now." Sabi ni Marisse, habang pinagmamasdan sila nito isa-isa.
"What?" tanong ni Glenn.
Tumingin ito sa kanya, pagkatapos ay nilapitan siya nito at inayos ang bowtie niya.
"You all look amazingly gorgeous," puri nito sa kanila.
Ngumiti siya, saka niya kinurot ito sa magkabilang pisngi. Mabilis nitong hinampas ang kamay niya. Saka lumayo sa kanya.
"Hey! Ang make-up ko naman!" reklamo nito.
Ngumiti lang siya dito. "Thank you, 'cous." Sagot niya dito.
Ngumiti din ito sa kanya, saka nilapitan nito ang nobyo nitong si Kevin.
"Nakahanda na ba ang lahat?" tanong ni Lolo Badong paglabas nito ng silid, na nakasuot ng tuxedo, kasunod nito ang si Lola Dadang na nakasuot naman ng Evening Gown.
"Yes, Lolo. We're all set." Sagot ni Gogoy.
"Halika na at baka mahuli tayo sa event." Yaya nito.
Isa-isa silang lumabas ng bahay ni Lolo Badong. At sa pagbukas ng malaking gate ay napalingon sa kanila ang mga taong dumadaan. Sumakay siya sa kanyang itim na Mercedez Benz Sports Car. Napapailing siya habang binabaybay ang kahabaan ng Tanangco, hanggang sa highway. Lahat ng nadadaanan nila ay napapalingon sa kanila. Bakit nga ba hindi? Kung ang dadaan sa harapan mo ay sunod-sunod na naggagandahang sports car. Siya mismo ay mapapalingon din.
Nakaramdam ng excitement si Glenn. Iyon na ang gabing pinakahihintay nilang lahat. Ang grand opening night ng Mondejar Cars Incorporated. Ilang araw bago ang gabing iyon, isang malaking usapan na ang negosyo nilang iyon sa Business World. Lahat ay interesado. Lahat ay curious sa mga klase ng kotse na ibebenta nila. Siyempre, higit silang interesado ay sa presyo ng mga ito.
Halos ilang taon nilang plinano ang negosyo nilang iyon. Nang marepaso na nila ng maayos ang lahat. Sinimulan na nila ang pagtayo nito. Tulong-tulong silang lahat. Simula sa kaliit-liitang detalye ay sila mismo ang nag-ayos. Seventy percent ng investment ay galing sa kanilang magpi-pinsan. Ang natirang thirty percent ay galing kay Lolo Badong, na noon pa man kabataan nito ay mahilig na talaga sa kotse. May mga ilang investor na gustong magpasok ng pera nila sa kompanya, ngunit tinanggihan nila iyon. Hangga't maaari, gusto nilang maging pure family business ito. Hindi niya alam kung anong magiging resulta ng gabing niyon, ngunit dalangin niya na nawa'y maging matagumpay ang lahat.
Mayamaya, nag-ring ang cellphone niya. Sinagot niya iyon agad ng makita niyang ang Kuya niya ang tumatawag. Sinuot niya ang Bluetooth headset niya at doon kinausap ang kapatid.
"Kuya, nasaan na kayo?" tanong niya.
"We're on our way, pero hindi kami magtatagal ng Ate Myca mo. Yaya lang ang kasama ng mga bata sa bahay." Sagot ni Ken.
"Okay, no problem." Aniya.
"Kumusta ang ospital?" tanong nito sa kanya.
"The Hospital is doing great." sagot niya.
"Baka naman mapabayaan mo ang ospital dahil diyan sa negosyo n'yo. Pati na ang drugstore." Paalala nito sa kanya.
"Don't worry, Kuya. I have everything under control. Para naman hindi mo ako kilala." Pagmamalaking wika niya dito.
"I know, I'm just reminding you. Anyway, we'll see you in a bit."
"Yeah, bye."
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 7: Glenn Pederico
RomanceIt's amazing how make my heart beat faster. And it's also amazing how I fall in love with a beautiful stranger at first sight. Teaser: Pagkatapos mawala sa katinuan ng kapatid ni Nicole ng dahil sa pag-ibig. Pinangako niya sa sarili na hinding hind...