"AYOKO diyan!" tanggi ni Nicole, pagkakita niya ng Space Shuttle. Sa Enchanted Kingdom siya dinala ni Glenn. Habang papunta doon, nagtaka siya dahil parang malayo na ang pupuntahan nila. Nagduda pa nga siya, at sinabihan niya itong baka "kidnapper" ito. Pero tinawanan lang siya nito.
"Gusto mong isigaw ang lahat ng nararamdaman mo, di ba?"
"Oo nga, pero ayoko diyan! Natatakot ako diyan eh!" mariin niyang tanggi.
Hinawakan siya ni Glenn sa magkabilang balikat saka siya tinitigan. "Nicole, listen to me. Kahit sa ganitong paraan, gusto kong makatulong sa'yo. Hindi ko alam kung anong pinagdaraanan mo, pero handa akong manatili sa tabi para may masandalan ka." Seryosong wika nito.
Tumagos sa puso niya ang mga sinabi nito. Sa kabila ng paulit-ulit na paalaala ng isip niya na hindi siya dapat makinig dito. Mas malakas naman ang sigaw ng puso niya. Gusto niyang sundin ang sigaw ng isip niya, ngunit, mas malakas yata ang control ng puso niya sa kanya.
"Okay," anas niya.
"Huwag kang mag-alala, nandito lang ako sa tabi mo. Sasamahan kita." Sabi pa nito.
Alam niyang ang pagsakay sa roller coaster ang ibig nitong sabihin. Pero bakit pakiramdam niya ay may mas malalim na kahulugan iyon.
"Sir, kayo na po." Sabad naman ng nag-o-operate ng Space Shuttle.
Pagkaupo niya sa mismong shuttle, nabalot siya ng kaba. Hindi. Takot. Mahina kasi ang loob niya sa mga ganitong "buwis buhay" na rides. Kung mga kaibigan siguro niya ang kasama niya, hindi siya mapipilit ng mga ito na sumakay doon. Kaya nga, labis ang pagtataka niya sa sarili kung paano siya napapayag ni Glenn. May pakiramdam siya na mabuting tao ito. Hindi siguro masama kung magiging magkaibigan sila.
Nang umandar na ang Space Shuttle. Napahawak siya ng mahigpit sa bakal na handrails. Nang naging matulin na ang takbo nito, ay saka siya sumigaw ng malakas. Ang lahat ng galit sa puso niya, ang lahat ng awa niya para sa kapatid lahat iyon ay sinigaw niya. Hanggang sa naramdaman niya ng hawakan ni Glenn ang kamay niya at sabay silang sumigaw. Sa isang iglap, nawala ang takot niya sa sinasakyan niya. Sa isang kisap ng mata, gumaan ang loob niya. Ang lahat ng iniisip niya ay nawalang parang bula, ang pumalit doon ay ang guwapong mukha ni Glenn. Hindi alam ni Nicole kung ano ang magiging papel nito sa buhay niya. Natatakot man siya sa kakahinatnan ng lahat ng ito. Saka na muna siya mag-iisip. Sa ngayon, gusto muna niyang kalimutan ang lahat at samantalahin ang magandang pakiramdam na hatid ni Glenn sa kanya.
Makalipas ang ilang minuto ng ride sa Space Shuttle, bumaba na sila. Tinignan siya nito.
"Okay ka lang?" nakangiting tanong nito.
Nakangiti na siyang tumingin dito. "Yes, thank you. I owe you that one." Sagot niya.
The moment that he smiled back at her, her heart pounded ten times than its normal beat. "Sa wakas, nakita ko rin!" biglang sabi nito.
"Ha? Ang alin?" nagtatakang tanong niya.
"Yan! Ang mga ngiti mo. Na-miss kong tignan ang mga ngiti mo." Sagot nito.
Bigla siyang na-concious, agad na napalis ang mga ngiti niya. Nakaramdam siya ng hiya, kaya tumungo siya. "Huwag mo nga akong sinasabihan ng ganyan. Akala mo naman matagal na tayong magkakilala. Tigilan mo ako sa pang-aasar mo." Saway niya dito.
Tumawa lang ito. "Hindi kita inaasar. Totoo lang ang sinabi ko, you're smile was one of the most beautiful smiles I ever saw." Puri pa nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 7: Glenn Pederico
RomanceIt's amazing how make my heart beat faster. And it's also amazing how I fall in love with a beautiful stranger at first sight. Teaser: Pagkatapos mawala sa katinuan ng kapatid ni Nicole ng dahil sa pag-ibig. Pinangako niya sa sarili na hinding hind...