PAGDATING sa Hotel kung saan ginaganap ang kaarawan ng Daddy ni Glenn. Kung noong una, inakala ni Nicole na mabo-boring siya doon dahil wala siyang masyadong kakilala. Bukod pa sa pinakilala na rin siya nito sa wakas sa mga magulang nito. At masaya siya dahil malugod siyang tinanggap ng mga ito. Madali siyang naging komportable sa party na iyon. Salamat sa mga kaibigan ni Glenn at kay Marisse. Ayaw din naman kasi niyang buong gabing karay nito, may mga kinakausap din kasi itong tao tungkol sa negosyo nito.
"Bagay kayo, promise." Biglang sabi ni Kim.
"Salamat," usal niya.
"In fairness, ngayon lang namin nakitang ganyan kasaya at inspired 'yan si Glenn. Ewan ko ba, hindi namin nabalitaan na nagka-girlfriend ulit 'yan, after n'ya umuwi galing sa pag-aaral sa America." Saad ni Marisse.
"Bakit naman?" tanong niya.
"Ewan ko dyan, hindi naman kasi nila sinasabi sa akin eh. Silang mga lalaki lang ang nagkakaintindihan tungkol doon. Pero ang alam ko lang, may hindi naging magandang experience siya sa babae dati noong nag-aaral siya. Kaya parang matagal siyang hindi nakipagkaibigan sa mga babae." Sagot nito.
Kumunot ang noo niya, saka lumingon kay Glenn na abala ng mga sandaling iyon sa pakikipag-usap sa isang posibleng buyer sa Mondejar Cars.
"Wala pa naman siyang naiku-kuwento sa akin tungkol diyan." Sabi niya.
"Hintayin mo lang, baka humahanap ng tyempo 'yan sa'yo." Wika naman ni Sumi .
Ilang sandali pa, nagulat sila ng biglang may lumapit sa kanya na isang matangkad na lalaki. Halos kasing taas ito ni Glenn, mukha lang itong mestizo. Tinignan pa siya nito, simula ulo hanggang paa.
"Hey baby," sabi nito sa kanya.
Kunot ang noo na hinarap niya ito. "Excuse me, but I think I don't know you." Wika niya dito.
"I'm Jack, can we have a drink after this party? Your place or my place?" nakangising tanong pa nito.
Nagkatinginan sila nila Marisse, saka salubong ang kilay na hinarap ito.
"With all due respect, Jack. I'm not the type of girl that you think. So will you please, leave me alone." Pakiusap niya dito.
"Oh no, I will not take "no" for an answer. Come on! Don't play hard to get, you're so hot!" nakangising wika nito. Nag-init ang punong tenga niya sa sinabi nito, sasampalin na sana niya ang lalaki ng biglang dumating si Glenn.
Pormal ang mukha na hinarap nito ang bastos na Jack na iyon. "I want you to back off, Pare! You're harassing my girl. Or I'll throw you out of this hotel myself." Walang kangiti-ngiting banta ni Glenn dito.
Hindi sumagot ang lalaki na nagpakilalang Jack, masama pa rin ang tingin nito kay Glenn ng tumalikod ito at iwan sila. Agad siyang hinarap ng nobyo, hinaplos nito ang pisngi.
"Are you okay?" tanong nito.
Tumango siya. "Yeah, I'm alright." Sagot niya.
"Sino ba 'yon? Bakit nandito siya sa birthday ni Tito Ricky?" tanong ni Marisse.
"Hindi ko alam, ngayon ko lang din nakita 'yan." Sagot ni Glenn.
"Baka naman party crasher," sabad ni Sam.
"Let's go, ang mabuti pa. Doon muna tayo sa tabi," yaya sa kanya ni Glenn.
Hawak nito ang kamay niya habang naglalakad sila. Malapit na sila sa la mesa nila ng biglang may bumangga sa kanyang babae. Nagulat siya, hindi sadya na tumapon ang laman ng hawak nitong red wine sa damit nito. Nagalit ng husto sa kanya ang babae.
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 7: Glenn Pederico
RomanceIt's amazing how make my heart beat faster. And it's also amazing how I fall in love with a beautiful stranger at first sight. Teaser: Pagkatapos mawala sa katinuan ng kapatid ni Nicole ng dahil sa pag-ibig. Pinangako niya sa sarili na hinding hind...