CHAPTER SIX

6.1K 150 9
                                    

"ILANG araw ka naman sa Batanes, anak? Hindi ba puwedeng huwag ka na lang sumama? Napakalayo niyon, nasa dulo ka na ng Pilipinas." Nag-aalalang tanong ng Mama niya.

Napangiti siya. "Mama, ngayon pa ba kayo mag-aalala. Noon ko pa naman po ito ginagawa ah? Excited nga po ako dahil ngayon lang ako makakarating sa Batanes eh!" sabi pa niya.

"Ay siya! Basta, ingatan mo ang sarili mo. Teka, sana sinama mo na lang si Glenn."

Natawa siya. "Mama talaga, abalang malaki ako sa tao. Alam n'yo ba na super busy 'yon? Kabi-kabila ang negosyo no'n."

"Huu! Busy? Kaya pala madalas kayong magkita." Tudyo pa ng Mama niya.

"Mama, break time n'ya 'yon sa ospital." Depensa niya sa sarili.

"Ay siya, kelan naman siya dadalaw dito sa bahay?" tanong pa nito.

"Hindi ko po alam, itatanong ko po sa kanya." sagot niya.

Simula noong College pa lang si Nicole. Miyembro na siya ng isang Non-Governmental Organization na ang layunin ay mag-reach out sa mga kapwa Filipino na naninirahan sa mga liblib na lugar. Mga barangay na hindi madalas naaabutan ng tulong galing sa gobyerno. Bukod sa mga pagkain na dala nila, kasama din nila ang mga grupo ng mga Doctor na magbibigay ng libreng serbisyo sa panggagamot. Mga health workers na nagbibigay naman ng payo sa mga tamang pagkain na may sapat na nutrisyon.

Nitong mga nakaraan taon, pansamantala muna siyang lumiban sa mga outreach programs nila dahil naging abala siya sa trabaho. Sunod-sunod ang scheduled flight nila, kaya ngayon naka-indefinite leave siya. Sasamantalahin na rin niya ang pagkakataon para makasama kahit paano sa mga lakad ng grupo. Nasa ganoon pag-iisip siya ng bigla niyang maalala si Glenn.

Ilang buwan mahigit na ang matulin na lumipas. At sa bawat araw na nagdaan, mas lalo silang napalapit sa isa't isa. Mas lumalim ang pagtitinginan nila, mas lalo itong nagiging espesyal sa puso niya. Sa bawat minutong kapiling niya ito, hindi siya nakaramdam ng kahit na katiting na pagkabagot. And every moment they shared was something priceless.

Kaya lang, medyo malungkot siya sa mga sandaling iyon. Gusto sana niyang isama ito, ngunit alam naman niya na abala ito sa trabaho. Hindi rin kasi niya sigurado kung may signal ng cellphone sa pupuntahan niya. Mayamaya lamang, darating na ang mga kasamahan niya para sunduin siya at sabay-sabay silang pumunta sa airport. Kinuha niya ang cellphone niya at tinext ito.

Hi Doc! Busy? Paalis na ako mayamaya. Ano gusto mong pasalubong?

Nagulat pa siya dahil tumawag na agad ito. Mabilis din niyang sinagot iyon.

"Ikaw. Makauwi ka lang ng safe, ayos na sa akin 'yon." Bungad nito pagsagot niya.

"Hay naku, ayan ka na naman." natatawang sabi niya.

"Ayaw mo talagang maniwala sa mga sinasabi ko? Hindi ako nambobola." Sabi pa nito.

"Joke lang 'to naman," bawi niya.

"Ligawan na kaya kita?" biglang tanong niya.

Daig pa niya ang sinipa sa dibdib matapos niyang marinig iyon. Ano daw?

"Ha?" usal niya.

Humagalpak ito ng tawa sa kabilang linya. "Wala!" sabi lang nito.

"Tigilan mo nga ako sa mga ganyan joke mo ah," sa halip ay sabi na lang niya. Wala kasi siyang maapuhap na isagot sa sinabi nito.

"Just kidding, anyway, I gotta go. I'll see you in few days. Aalis din ako eh, bigla akong napasama sa Medical Mission sa grupo kung saan ang family namin ang major sponsor. Dapat ang Kuya ko ang kasama, kaya lang, sumama ang pakiramdam ng asawa niya kaya ako na lang ang pinadala." Paliwanag nito.

Car Wash Boys Series 7: Glenn PedericoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon