Hello!! Pasensiya na sa medyo late na update! And please don't forget to VOTE for this story/chapter. Thank you so much. Happy Reading! :)
***************************************************************
"ANO?!" gulat na tanong ni Cris kay Nicole.
Napapikit siya, saka nahaplos ang isang tenga niyang sinigawan nito. "Grabe! Nasa tabi mo lang ako ah?" reklamo niya.
"Nakakaloka ka kasi eh," sabi naman nito.
"Ano naman ang nakakaloka sa sinabi ko?" nagtatakang tanong niya.
Napailing si Cris. "Kung hindi ka ba naman kasi engot, 'te! Sinabihan ka lang naman pala ng 'I hope this night will not be the last'. Natakot ka na agad. Mabuti sana kung sinabakan ka agad ng 'Will you marry me, now na'!" tungayaw pa nito.
Napalingon si Nicole sa paligid. Naroon kasi sila sa isang coffee shop ng umagang iyon.
"Hinaan mo kaya boses mo," saway niya dito.
Bahagya itong lumapit sa kanya. "Iyong totoo, Nicole? Ayaw mo ba talaga kay Glenn? My God! He's perfectly handsome, hindi lang iyon. Mukha pang mabait, galing sa disenteng pamilya. Ano ang ayaw mo sa kanya?"
"Dahil lalaki siya. Iyon ang ayaw ko sa kanya." seryosong sagot niya.
Sumeryoso ang mukha ni Cris. "Girl, is this about your sister again?" tanong nito.
"Bakit ba ayaw mong hayaan lumigaya ang sarili mo? Hindi pare-pareho ang kapalaran ng mga tao. Huwag mong pangunahan ang tadhana. Hindi mo kailangan i-isolate ang sarili mo sa mga lalaki. Marami pang lalaki diyan na matino." Payo pa nito sa kanya.
"Hindi ko siya pinapangunahan. Nag-iingat lang ako, naninigurado. Ayokong magaya sa Ate ko." Katwiran niya.
"Nicole, why are you worrying too much about Glenn? Umamin ka nga sa akin? Are you attracted to him?" diretsong tanong nito.
"I, uh, I... No!" kandautal niyang sagot.
Nangingiti na umiling si Cris. "Look, we're best of friends. Madalas man tayong magkalayo dahil sa kakalayas mo ng Pilipinas. Still, kilala pa rin kita." Anito.
"Ang mabuti pa, tigilan na lang natin ang usapan na 'to." Pag-iwas niya, pagkatapos ay uminom siya ng kapeng inorder niya.
"Look girl, remember this day that I tell you this. Darating ang araw, kahit na anong pigil mo para huwag mong magustuhan ang isang lalaki. Hindi ka magtatagumpay, dahil ang pag-ibig, mahirap kalaban. Kahit na anong iwas mo, pigil mo at talikod mo dito. Kapag ang Diyos na mismo ang kumilos para sa inyong dalawa, wala kang magagawa. Mangyayari ang dapat mangyari. You're only twenty seven eight, don't close your door." Seryosong paliwanag nito.
Binalik niya sa ibabaw ng mesa ang tasa ng kape. "I don't know, Cris. Ayoko lang umiyak ng dahil dito gaya ng Ate ko." Sabi pa niya.
"Mabuti pa, umalis na tayo. Mag-shopping na lang tayo!" yaya pa nito sa kanya.
"Ang gastos mong kasama!" natatawang sabi niya.
Wala na siyang nagawa ng hilahin siya nito palabas ng coffee shop. Ayaw man niyang aminin, pero alam ni Nicole na tama ang mga sinabi ng kaibigan niya. Hindi niya alam kung kelan kakatok ang tawag ng pag-ibig sa kanya. Sana hindi pa ngayon.
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 7: Glenn Pederico
RomanceIt's amazing how make my heart beat faster. And it's also amazing how I fall in love with a beautiful stranger at first sight. Teaser: Pagkatapos mawala sa katinuan ng kapatid ni Nicole ng dahil sa pag-ibig. Pinangako niya sa sarili na hinding hind...