MABILIS at pasimple na inayos ni Nicole ang sarili niya ng makita niyang humakbang papalapit sa gawi nila si Glenn. Bumaling siya kay Cris.
"Okay ba mukha ko?" tanong pa niya.
Nagtakang tinignan siya nito, saka tumango. "Oo naman, maganda ka dear. Kahit hindi ka mag-ayos." Sagot nito. "Bakit bigla ka yatang naging conscious?" usisa pa nito.
Tumikhim siya. "Wala, ano lang. Nakakahiya kasi kung maging pangit ako sa paningin ng ibang tao. Formal event kaya ito." pagdadahilan pa niya.
"Nicole?"
Bahagya pa siyang nagulat ng sa paglingon niya ay nasa harap na pala niya si Glenn. Isang magaan na ngiti ang sinalubong niya dito. Biglang nablangko ang isip niya. Sa isang iglap ay hindi niya alam ang gagawin niya, babatiin ba niya ito o makikipagkamay siya? Kasunod niyon ay bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya maintindihan kung bakit. Pero kahit na anong pagpapakalma niya dito, ayaw nitong paawat. Patuloy sa pagkabog ang dibdib niya. Hanggang sa tuluyan na lang siyang mapatulala at nanatiling nakatitig na lang sa guwapong mukha nito. Bahagya lang siyang natauhan ng bahagya siyang sikuhin ni Cris.
"Uh, hi!" kapagkuwan ay bati niya dito.
"Hi," ganting bati din nito sa kanya. "I knew it was you." Sabi pa nito.
"Mabuti nakilala mo pa ako?" tanong niya dito.
"How can I forget?" diretso sa mata na sagot nito.
Tila nahihipnotismo na muling napatitig siya sa mga mata nito. Matapos nilang magkakilala nito sa loob mismo ng eroplano habang nasa himpapawid sila. Pagdating ng airport dito sa Manila, hindi na sila nakapag-usap. Ngunit bago ito bumaba ng eroplano, muli itong nagpasalamat sa kanya para sa pag-aasikaso niya dito.
"I didn't know this is yours." Sabi niya dito.
"Ours," pagtatama nito sa kanya. "Ayokong angkinin ang Mondejar Cars, baka ilibing ako ng buhay ng mga pinsan ko." Pagbibiro pa nito.
"Right," sang-ayon niya.
"It's good to see you hear, and to see you again." Sabi pa ni Glenn.
"Yeah, same here. Actually, sinama lang ako ng friend ko. She's interested in buying one of your cars." Paliwanag niya. Pinakilala niya si Cris at Glenn sa isa't isa.
"Nice to finally meet you, one of the famous Mondejar Siblings." Sabi pa ni Cris.
"Famous? Nah! But thank you for considering Mondejar Cars." saad nito.
"I can't wait to see your model car." Wika niya.
"Me either. Hindi ako nagkaroon ng chance na bisitahin itong showroom bago ang opening na ito. Naging abala ako sa trabaho." Sagot naman nito.
Nahinto sila sa pag-uusap ng may babaeng tumayo sa ibabaw ng stage, at nagsalita sa tapat ng mikropono. Tinutukan ito ng spotlight.
"Good Evening ladies and gentlemen," bati nito. "We would like to welcome you, to the opening night of the Mondejar Cars Incorporated! This morning we just held our ribbon cutting for this showroom. And tonight, we will present to you the officers of this company and the stock holders." Pagsisimula nito.
"Sino siya?" tanong niya kay Glenn.
"Her name is Marisse, my cousin." Sagot nito.
"May I call on the entire Mondejar Boys," sabi pa nito.
Binaba ni Glenn ang hawak nitong wine glass sa mesa nila. "Excuse me," wika nito. Saka umakyat sa stage.
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 7: Glenn Pederico
RomanceIt's amazing how make my heart beat faster. And it's also amazing how I fall in love with a beautiful stranger at first sight. Teaser: Pagkatapos mawala sa katinuan ng kapatid ni Nicole ng dahil sa pag-ibig. Pinangako niya sa sarili na hinding hind...