EPILOGUE

7.4K 220 25
                                    

MAGKAHAWAK-kamay na naglakad si Glenn at Nicole papasok ng Mental Institution. Napalingon siya sa nobyo niya. Pagkatapos ng mga pinagdaanan nilang dalawa, mas lalo niya itong minahal.

Ilang buwan na rin ang lumipas matapos nilang magka-ayos ni Glenn. At iyon din ang kauna-unahang pagkakataon na haharap sila sa Ate niya na kapwa payapa ang dibdib. Alam nilang dalawa na tanggap na ng kapatid niya ang lahat. Samaktuwid, ayon sa Doctor nito. Sa bawat araw na dumadaan, mas nag-iimprove na ang kalagayan ni Nessa. Kaya napabilis daw ang recovery nito. Kaya ng tawagan sila ng Doctor nito at sinabing may good news daw ito ay agad silang pumunat ni Glenn doon. At excited na siyang makita ulit ang Ate niya. Excited na rin siyang ibalita dito na ikakasal na sila, pero sa kabilang banda, may kaba pa rin na nananatili sa puso niya.

"Hey, are you okay?" untag sa kanya ni Glenn.

Napalingon siya dito, sabay ngiti. Tumango siya. "Yeah, I'm okay. Medyo kinakabahan lang ako. Hindi ko kasi alam kung anong magiging reaksiyon ni Ate kapag sinabi na natin sa kanya." sagot niya.

Ngumiti din ito pagkatapos ay humarap sa kanya. Ginagap nito ang magkabilang pisngi niya. "You have nothing to worry about. Everything will be fine. I'm sure, matutuwa si Nessa." Anito.

Huminga siya ng malalim, saka tumango. "Okay." Usal.

"You're good?"

"Yup."

"Let's go?"

Tumango ulit siya.

Pagdating nila sa may Garden na matatagpuan sa loob mismo ng Mental Institution, natagpuan nilang dalawa si Nessa na nakaupo sa isang wooden bench doon habang hawak ang isang bulaklak na mukhang pinitas nito sa isa sa mga tanim doon. Pinagmasdan niya ang mukha ng Ate niya. Kumpara dati, mas maaliwalas na iyon. Hindi kagaya dati na tila kay dilim ng mukha nito. Puno ng takot at lungkot. Ngayon, mas nakikita niya ang saya. Maayos at normal na rin nila itong nakakausap. Sabi rin ng mga nurses at doctor nito, hindi na ito nagta-tantrums. Malayo na sa Nessa ng una itong dumating doon. Alam ni Nicole, magaling na ang Ate niya.

"Ate Nessa," tawag niya dito.

Lumingon nito. Pagkakita nito sa kanya ay awtomatikong ngumiti ito sa kanya. Pagkatapos ay tumakbo ito palapit sa kanya, sinalubong niya ito ng yakap.

"Kumusta ka na, Ate?" tanong niya dito.

"Mabuti, ikaw?" sagot nito.

"Ayos naman." sagot din niya. "Nga pala Ate, may kasama ako," aniya. Mula sa may bandang likuran niya ay lumabas si Glenn.

"Uy Glenn!" masayang wika nito.

Nagkatinginan silang dalawa. Iyon ang unang pagkakataon na tinawag ni Nessa ito sa tunay nitong pangalan. "Hi Nessa," bati nito dito.

"Ate, bakit Glenn na ang tawag mo sa kanya? Akala ko ba siya si Gabriel?" nagtatakang tanong niya.

Ngumiti ito, saka ito bumalik sa inuupuan nito. "Wala na si Gabriel. Kinalimutan ko na 'yon. Pinatawad ko na rin siya. Saka parte na lang si Gabriel ng nakaraan ko. Iba si Glenn, para siya sa'yo." Sabi pa nito.

Nangilid ang luha ni Nicole, pagkatapos ay hindi na niya napigilan ang sarili na yakapin ito ng mahigpit.

"Salamat , Ate." Aniya.

"Hindi. Ako dapat ang nagpapasalamat sa'yo. Marami ka ng nagawa para sa akin. Panahon na para ako naman ang magparaya. Alam kong mahal na mahal ka niya." sabi pa nito.

"Nessa," si Glenn.

Hinarap ni Nessa ito. "Maraming Salamat. Pangako, hinding hindi ko na ulit paluluhain ang kapatid mo. Mamahalin ko siya ng higit sa buhay ko," sabi pa ni Glenn.

"Patawarin mo ako, Glenn. Sa mga nangyari noon," ani Nessa.

Umiling ito. "Huwag mo ng alalahanin pa 'yon. Ayos na ang lahat. Ang importante, magaling ka na. Para sa kasal namin ni Nicole, nandoon ka." Anito.

Gulat ngunit nakangiting napalingon ito sa kanya. "Talaga? Ikakasal na kayo?" tanong pa nito.

"Oo Ate," sagot niya, sabay pakita ng engagement ring na suot niya.

Niyakap siya ulit ng Ate niya. "Congratulations," bati nito sa kanila.

"Thanks,"

"Mukhang nagkakasiyahan kayo riyan."

Napalingon sila sa nagsalitang iyon. Ang doctor pala ni Nessa.

"Doc, kumusta po?" salubong ni Glenn dito.

"I'm good." Anito.

"Kumusta na po ang kondisyon ni Ate?" tanong niya sa Doctor.

Ngumiti ito. "Nessa did improved a lot. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Pero mabilis ang recovery niya sa paglipas ng mga buwan. Marahil ay dahil na rin mismo iyon sa walang sawang suporta n'yo sa kanya. Malaking bagay iyon para ma-overcome na niya ng tuluyan ang trauma niya. Masasabi ko rin na tinulungan ni Nessa ang sarili niya. At may ibabalita akong maganda sa inyo." Anang Doctor.

"Ano po iyon?" tanong niya.

"Maaari n'yo ng iuwi si Nessa." Nakangiting wika ng Doctor.

"Narinig mo 'yon, Ate? Makakalabas ka na!" tuwang tuwa na wika niya.

Napatili si Nessa at walang sabing niyakap ang Doctor niya. "Thank you, Doc!" sabi pa nito.

"You're Welcome,"

Naluluha na yumakap din sa kanya si Nessa. "Sa wakas, makakapiling ko na rin kayo ni Mama." Umiiyak na wika nito.

"Uuwi na tayo." May luha din na wika niya.

Masayang lumingon siya kay Glenn. Nang kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya si Nessa. Siya naman ang yumakap sa nobyo.

"Maraming Salamat sa suporta mo, Glenn." Bulong niya dito.

"Walang anuman. Alam mong kahit na anong makakapagpasaya sa mahal ko, gagawin ko." Wika niya.

"Masaya ako dahil ikaw ang minahal ko, at mamahalin ko habang buhay." Dagdag niya.

"Same here," anito. "I love you, Babe." Bulong nito.

"I love you more," sagot niya.

Walang pagsidlan ng kaligayahan si Nicole. Matapos nilang magka-ayos ni Glenn. Isang magandang balita na naman ang dumating sa kanya. Makakauwi na ang Ate niya. Sa wakas. Kumpleto na ang Pamilya niya. Alam niya mula sa kalangitan ay masayang nakatunghay ang Daddy niya. At may bonus pa ang Diyos sa kanya. Dahil binigay Niya si Glenn sa buhay niya. Nicole fell in love with the stranger, so what?



                                                                               WAKAS. 




******************************************************************



Maraming salamat po sa pagbabasa ng story ni Glenn at Nicole. Sana ay nagustuhan n'yo, napasaya at napatawa kayo ng mga Pengkum sa Tanangco. 

Sa mga magtatanong kung kelan ang upload ng Series 8 . HINDI KO PA ALAM KUNG KAILAN. Maybe after a week or two. Depende sa akin. Anyway, ayun, thank you so much again. God Bless. 

~JA💜

 


Car Wash Boys Series 7: Glenn PedericoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon