CHAPTER NINE

5.5K 135 14
                                    

PAANO nga ba niya makakalimutan ang pangyayaring iyon? Naging malapit na kaibigan niya si Nessa noong mga panahon na wala itong ginawa kung hindi ang magmukmok sa sulok ng library at doon ito umiiyak ng umiiyak. Dahil kapwa Filipino, nilapitan niya ito. Noong una, mailap ito. Tila ito bata kung tumingin na parang aagawan niya ng candy. Ngunit ng sa kalaunan, hindi na ito umiwas pa sa kanya. Hanggang sa naging magkaibigan sila nito. Hanggang sa tinawag siya nitong Gabriel, sa kabila ng kaalaman nito sa tunay niyang pangalan. Ayon dito, nagmistula daw siyang si Angel Gabriel na sumagip dito mula sa kalungkutan nito. Hindi kaila sa kanya ang pinagdaanan nito, ito mismo ang nagkuwento sa kanya ng lahat ng nangyari tungkol kay Albert. At bilang isang kaibigan, inalo niya ito. Ginawa niya lahat para sumaya ito at bumalik ang ngiti sa mga labi nito.

May mga pagkakataon na pinupuntahan pa niya ito sa dorm nito, sa paglabas-labas nila ng madalas. Hindi niya alam na nahuhulog na pala ang loob nito sa kanya. Ngunit para kay Glenn, ginagawa lang niya iyon bilang isang kaibigan nito. Para tulungan itong maka-move on sa nangyari dito. Hanggang isang gabi, nagulat na lang siya ng biglang pumunta si Nessa sa tinutuluyan niyang dorm. Parang wala ito sa sarili. Pagbukas pa lang niya ng pinto, niyakap na siya nito. Pagkatapos ay sinubukan siya nitong halikan, ngunit umiwas siya. Hanggang sa nagtapat na ito ng pag-ibig sa kanya. Hayagan niyang tinanggihan ito, dahil tanging pagmamahal lang ng kaibigan ang kaya niyang ibigay nito. Alam niyang nasaktan niya ito. Ngunit, mas higit itong mahihirapan kung tatanggapin niya ito at magku-kunwari na mahal din niya ito ng higit pa sa inaakala nito.

Nagulat siya ng bigla itong magwala. Hinagis nito ang mga gamit niya, ng pigilan niya ito at tumingin ito sa mga mata niya. Saka niya napatunayan na wala na ito sa matinong pag-iisip. Tinulak siya nito ng malakas, saka ito tumakbo palabas ng dorm niya. Hinabol niya ito, ngunit hindi niya ito naabutan. Sa pag-asang makikita niya ito doon sa dorm nito. Tumuloy siya doon, ngunit wala pa ito. 

Nang mapadaan siya sa isang classroom sa school nila, napahinto siya. Saka niya narinig ang mga tinig na walang humpay sa pagtatawanan. Hanggang sa narinig niya ang boses ni Nessa na tila nagmamakaawa. Iyon ang nag-udyok sa kanya para sumilip sa bahagyang naka-bukas na pintuan. Sa loob, nakita niya ang mga kalalakihan na hindi bababa sa walo ang bilang. Bukod pa ang apat na babae. Nakilala niya ang iba sa mga ito, mga classmates nila ni Nessa. Ngunit ang higit na ipinagtataka niya ay bakit parang may film showing sa loob. Napakunot noo siya ng makitang nakatayo sa bandang unahan si Nessa at nakatingin sa white screen.

Ganoon na lang ang gulat ng lahat ng biglang may pinlay na video. Mabilis niyang binaling sa iba ang paningin niya ng makita niya ang laman ng video, isang recorded sex video nito at ni Albert. Ang bawat ungol nito ay dinig na dinig sa buong classroom, pagkatapos, umalingawngaw ang tawanan ng manonood. Mabilis siyang tumakbo palayo sa lugar na iyon, hindi niya kayang panoorin ang ganoong kalaswang video, lalo pa't kaibigan niya ang nandoon. Hanggang sa maalala niya ito. Mabilis niyang binalikan ito. Nang tumingin na ulit siya sa loob ng classroom, wala na doon si Nessa. Hinanap ulit niya ito sa buong campus sa pag-alala niya na ang maaaring gawin nito sa sarili nito. Pero hindi na niya makita ito. Naisipan ulit niyang balikan ito sa dorm nito. Kumatok siya ng ilang beses at sinubukan buksan ang doorknob ngunit nakalock iyon. Papaalis na siya ng may marinig siyang tila bumagsak sa sahig. Agad niyang sapilitang binuksan ang pinto.

Sa gimbal niya, naabutan niya itong duguan sa ibabaw ng kama nito, at malalim ang hiwa sa pulso. May mga maliliit rin na hiwa ito sa magkabilang braso nito at hita nito. Agad niyang binuhat ito palabas at humingi ng tulong sa mga kapwa estudyante niya. Naisugod ito sa ospital at naagapan ang buhay nito. Ngunit sa paggising nito. Wala na ito sa sarili. Wala itong ginawa kung hindi ang sumigaw sa galit. Nang magpakita siya dito, binato siya nito lahat ng mahawakan nito sa pag-aakalang siya si Albert. Pagkatapos, isisigaw nito ang pangalan na Gabriel. Napapikit siya. Nakaramdam siya ng guilt sa puso niya. Alam niyang isa siya sa mga naging dahilan kung bakit nagkaganito ito. Sa tuwing dinadalaw niya ito sa ospital, nagiging bayolente ito. Inaakala nito na siya si Albert, kaya naghi-histerical ito. Kaya nagdesisyon siya na hindi na muling magpakita pa dito. At sa huling araw na binisita niya ito, dinalan niya ito ng maliit at bilog na kulay dilaw na stuff toy na naka-ngiti.

Car Wash Boys Series 7: Glenn PedericoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon