ISANG linggo na ang nakakalipas pagkatapos bumulalas sa harapan nila ang lihim ng nakaraan. At sa bawat araw na nagdaan, walang sandali na hindi umiyak si Nicole. Alam niya sa puso niyang wala siyang galit para kay Glenn. Naniniwala din siya dito nang sinabi nitong hindi nito alam na magkapatid sila. Pero naiipit siya sa pagmamahal niya para dito at ang awa sa Ate niya. Mas minabuti niyang huwag na munang magpakita dito. Ngunit, araw araw din ay palagi itong nagpupunta sa bahay nila o kaya naman ay tumatawag. Pero hindi niya ito hinaharap.
"Anak," Anang Mama niya. Naroon sila sa dining table at naggagabihan ng mga sandaling iyon.
"Po?"
"Bakit hindi mo kausapin si Glenn?" tanong nito.
Bumuntong-hininga siya, pagkatapos ay umiling. "Hindi ko po siya kayang harapin." Malungkot niyang pahayag.
"Hindi naman niya kasalanan ang nangyari, anak. Samakatuwid, siya pa nga ang tumulong sa Ate mo. Napag-alaman ko na siya pala ang gumawa noon ng paraan para malaman natin ang kalagayan ng Ate mo. Pinahanap niya tayo dito." Pagtatanggol nito kay Glenn.
"Pero sinaktan pa rin niya si Ate. Hindi na lang sana siya nakipaglapit kay Ate kung iiwan lang pala n'ya kung kailan nahulog na ang loob ng tao sa kanya."
himutok niya.Tinitigan siyang maigi ng Mama niya. "Iyan ba talaga ang dahilan? O nagseselos ka?"
Natigilan siya. Muling pumatak ang mga luha niya, na agad naman niyang pinahid. Saka inubos ang nalalabing pagkain sa pinggan niya, at saka siya tumayo.
"Doon na po muna ako sa kuwarto ko," paalam niya, sabay tayo.
Pagpasok niya sa loob ng kuwarto. Saka niya binuhos ang luha niya. Aaminin niya, tama ang Mama niya. Nagseselos siya. Nasasaktan siya. Hindi niya alam ang ganitong klaseng biro ito ng tadhana, hindi niya maintindihan. Napakaraming tao sa mundo, pero bakit sa kanila pa nangyari. Bakit kailangan na sa iisang lalaki sila magmamahal ng kapatid niya?.
Diyos ko, hindi ko po alam kung paano ko malalagpasan ang pagsubok na ito. Hindi ko maintindihan, kung bakit sa amin kailangan mangyari ito. Pero naniniwala ako sa mga plano mo sa buhay namin. Hilumin mo po ang puso kong nasasaktan. Tulungan n'yo po akong maintindihan lahat ng ito.
NGINITIAN ni Nicole ang kapatid na nakaupo sa tabi niya. Ngumiti din ito sa kanya. Matapos niyang aminin sa sarili niya ang tunay niyang nararamdaman hingil sa sitwasyon nilang tatlo. Nagdesisyon siyang puntahan ang Ate niya, at kausapin ito.
"Ate, puwede ba kita kausapin?" tanong niya.
Parang bata na tumango ito, habang hawak ang laruan na binigay ni Glenn dito.
"Pagkatapos, alis tayo dito. Kasi pinagtatawanan nila ko eh." Sabi pa nito, sabay kamot at tingin sa paligid.
"Sige," pakikisakay niya dito.
"Ate Nessa, si Gabriel. Gaano mo siya kamahal?" tanong niya.
Natigilan ito, pagkatapos ay tumingin sa kanya. Bumakas sa mga mata nito ang lungkot.
"Kilala mo rin si Gabriel? Ang bait n'ya no? Alam mo ba? Mahal na mahal ko 'yon! Kasi, siya palagi ang nagtatanggol sa akin. Saka alam mo ba? Hindi siya kagaya ni Albert. Sa totoo lang, mas minahal ko pa siya kumpara kay Albert. Kaya lang, ayaw n'ya sa akin eh." Sagot ni Nessa, sabay patak ng luha nito.
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 7: Glenn Pederico
RomanceIt's amazing how make my heart beat faster. And it's also amazing how I fall in love with a beautiful stranger at first sight. Teaser: Pagkatapos mawala sa katinuan ng kapatid ni Nicole ng dahil sa pag-ibig. Pinangako niya sa sarili na hinding hind...