CHAPTER FIVE

6K 167 10
                                    

"SERYOSO, pinsan. Malakas ang tama mo sa Nicole na 'yon, no?" usisa pa ni Karl sa kanya.

Napailing si Glenn. "Tigilan n'yo ko. Kalalaking tao, tsismoso!" sabi pa niya. Ngunit parang hindi naman ito apektado. Sa halip ay nagtawanan pa ito.

"Do you honestly like her?" seryosong tanong ni Jester sa kanya.

"She's beautiful, educated. Mabait siya. And she's emotional. Yeah, I like her." Sagot niya.

Kunot-noo na lumingon sa kanya ang pinsan niya. Ngumiti lang siya sa mga ito, saka tinira ang cue ball. Pumasok ang number nine sa pocket hole ng billiard table. "Yes!" aniya.

"Emotional?" ulit ni Kevin sa sinabi niya.

"Bakit emotional? What's so good about being emotional?" tanong naman ni Mark.

"Dahil gusto kong ako ang nasa tabi niya sa tuwing malungkot siya. Gusto ko na ako ang magpapasaya sa kanya kapag umiiyak siya." Taos sa pusong sagot niya.

Sabay-sabay na pumalatak ang mga ito, saka umiling.

"Are you in love?" kunot-noong tanong ni Wayne.

Ngumisi siya, saka nagkibit-balikat lang.

"I don't know. Basta ang alam ko, masaya ako." Simpleng sagot niya.

"That's good. Akala ko magpapakatandang binata ka na eh." Sabi pa ni Gogoy. "Hindi magandang ikulong mo sa nakaraan ang sarili mo. Wala kang kasalanan sa nangyari noon."

Napalingon siya dito. Agad na napalis ang mga ngiti niya sa labi, biglang bumalik sa alaala niya ang nakaraan. Isang bagay na pinagsumikapan niyang kalimutan. Isang pangyayaring naghatid sa kanya ng lungkot, mga bagay na hindi kagustuhan pero nangyari.. Tinignan niya si Gogoy.

"I'm done with it," serysong sagot niya.

Natahimik ang mga pinsan niya. Hindi kaila sa mga ito ang nangyari noon, at bilang respeto dahil sa kahilingan na rin niya. Walang kahit na sino ang nagbanggit niyon. Matapos ng ilang taon, si Gogoy lang ang nagkalakas ng loob para banggitin iyon.

"Huwag na natin pag-usapan 'yan, dude." Sabi pa ni Miguel.

Napabuntong-hininga siya. "I'll pass this game, I'll be back." Wika niya. Sabay talikod. Narinig pa niyang sinisisi ng mga ito si Gogoy.

"Ikaw kasi, binanggit mo pa eh." Ani Wesley.

Bumaba siya at lumabas ng Jefti's. Naupo siya sa may gater sa gilid ng kalsada. Napapikit siya, saka hinilamos ang palad sa mukha niya. Hindi na niya maalala kung kelan niya huling naisip ang pangyayaring iyon. Bakit kailangan pang may magpa-alala nito sa kanya?

Huminga siya ng malalim, saka kinuha ang cellphone niya sa bulsa ng suot niyang maong na pantalon. Napangiti siya agad ng bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Nicole, na ginawa niyang wallpaper. Kuha iyon noong nagpunta sila sa Amusement Park.

He doesn't understand what's got into him. Noong makita niyang umiiyak si Nicole sa parking lot ng MCI. Nilukob siya ng awa para dito, kahit hindi niya alam ang nangyari, kita niya sa mga mata nito ang bigat ng problema nito. Hindi na rin niya inabala ang sarili na alamin pa ang tunay na pinagdaraanan nito. Ayaw din naman niyang manghimasok sa personal na buhay nito. Ang maiparamdam niya dito na narito lang siya sa tabi nito ay sapat na para sa kanya. Ngunit sa kabila ng awa, malaking bahagi ng puso niya ay nagbubunyi dahil sa wakas, natagpuan na niya ito. Kaya hindi na niya pinalagpas ang pagkakataon na makasama ito.

Car Wash Boys Series 7: Glenn PedericoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon