PASADO alas-dose na ng hatinggabi. Sa kasagsagan ng gabi, biglang umulan ng malakas na may kasamang hangin. Mula sa loob ng bahay, rinig nila ang malakas na sipol ng hangin. Dahil doon, nawalan ng kuryente sa buong bayan. Papatulog na silang lahat ng biglang dumating na humahangos ang caretaker ng bahay na iyon na si Mang Ambo. Basang basa ito at may hawak na gasera.
"O, Mang Ambo! Bakit po? Anong problema?" tanong niya.
"Ma'am, tulungan n'yo naman po ako! Inaapoy ng lagnat ang aking apo." Sagot nito. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala.
Agad na nilapitan ito ni Glenn. "Saan po ba ang bahay n'yo?" tanong nito.
"Doon po sa kabilang kanto." Sagot nito.
"Tara na ho," yaya agad ni Glenn dito.
"Teka, sasama ko." Sabi niya dito.
Hinarap siya nito. Hinaplos ang mukha niya. "Stay here, delikado sa labas. Masyadong malakas ang hangin."
Napilitan siyang tumango. Kahit na ang totoo ay nag-aalala siya para dito. Hindi kasi biro ang lakas ng hangin na sasagupain nito.
"Okay, mag-iingat ka." Sagot niya.
Tumango ito. Pagkatapos ay agad itong umalis kasama ni Mang Ambo.
"Huwag kang mag-alala, Nicole. Alam naman ni Doc ang pasikot-sikot dito, makakauwi din 'yon ng safe." Pag-aalo sa kanya ng mga kasama nila.
Tumango siya. "Salamat," aniya.
Isa-isa ng pumasok ang mga ito sa kuwarto. Siya, naiwan doon sa sala at hindi mapakali. Gusto niyang sundan si Glenn, pero hindi niya alam kung saan ito pupuntahan.
Makaraan ang humigit kumulang dalawang oras. Bumalik si Glenn, basang basa ito ng ulan at nanginginig sa sobrang lamig. Mabilis niyang nilapitan ito, binaba nito ang mga gamit nito. Pagkatapos hinubad nito ang t-shirt nito.
"Magpalit ka na agad ng damit mo, ipagtitimpla kita ng kape." sabi niya.
Sumunod naman ito. Nang makapagpalit na ito ng tuyong damit, hindi pa rin nawawala ang panginginig ng katawan nito. Mabilis siyang kumuha ng kumot, at ibinalot sa katawan nito.
"Hey, are you okay?" tanong niya dito.
"Yeah, I'm fine." Sagot nito.
Hinipo niya ang leeg at noo nito. Nakahinga siya ng maluwag dahil hindi naman ito nilalagnat. Marahil kaya ito nanginginig sa lamig dahil sa pagkakabasa nito sa ulan at sa malakas na hangin. Bukod pa sa malamig talaga ang klima doon. Hinila niya ang isang bakanteng silya at naupo siya sa harap nito.
"Sabihin mo sa akin kung sumasama ang pakiramdam mo." Aniya.
Ngumiti ito. "Don't worry too much of me, I'll be fine. Talaga lang nilalamig ako." Sabi pa nito.
"Gusto ko kaninang sumunod, nag-aalala kasi ako sa'yo eh."
"Hindi mo ako kailangan alalahanin. Kaya ko ang sarili ko, hindi naman ito ang unang beses kong pagpunta dito." sagot nito.
Bumuntong-hininga siya. "Kahit na," usal niya.
Ngumiti ito, pagkatapos ay hinila pa nito ang inuupuan niya ng mas malapit pa dito. Saka humawak ito sa backrest ng inuupuan niya, kaya nabalot na rin siya ng kumot na binalot niya sa katawan nito.
"Natatakot ka bang may mangyaring masama sa akin?" diretso sa matang tanong nito.
Patay-malisya niyang ginala ang paningin sa paligid, upang makaiwas sa mata nito na walang ibang hatid sa kanya kung hindi kaba at saya.
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 7: Glenn Pederico
RomanceIt's amazing how make my heart beat faster. And it's also amazing how I fall in love with a beautiful stranger at first sight. Teaser: Pagkatapos mawala sa katinuan ng kapatid ni Nicole ng dahil sa pag-ibig. Pinangako niya sa sarili na hinding hind...