Diamond
Halos magsasalubong na ang dalawang kilay ko nang pumasok si Kristina sa kitchen nitong fastfood restaurant na pinagtatrabaho-an namin. Hindi niya pa kasi oras ng break. Mamaya palang pagkatapos ng break ko.
"Nasa labas na naman ang kuya mong magaling." Wika niyang nagpahinga sa'kin ng malalim.
Ba't nga ba nagtaka pa ako? Malamang. Hihingi na naman ito ng pera. Kinse nga pala ngayon ng buwan. Napailing na lamang ako bago sinalubong ang mga mata ni Kristina.
"Sabihin mo nga umalis na ako o kaya ay sabihin mong hindi ako pumasok." I say lazily.
"Hala siya. Gagawin pa akong sinungaling." Pabirong reklamo ni Kristina. Sa halip na umalis na't bumalik sa trabaho, umupo pa ito sa upuang kaharap ko. "Grabe 'yang kuya mong 'yan, ang kapal ng mukha. Ang laki-laki ng katawan pero batugan. Napakawalang-kwenta. Napakatamad! Nasa dugo niyo ba talaga 'yan?"
"Gago." Anas ko saka nilamon ang natirang burger na hawak ko.
Tumawa si Kristina. Alam niya kasing hindi naman kami totoong magkapatid ni kuya Banjo. Ang totoo niyan, nakita lang ako ng tatay niya noong bata pa ako, palaboy sa kanto. Wala rin akong maalala tungkol sa mga magulang ko. Pero naaalala kong natutulog ako kahit saan, nangangalkal ng basura para may makain. That was when I was five.
Napailing ako sa pagbabalik-tanaw sa'king nakaraan. Ngunit dahil din dito, nagising ako sa katotohanan at napatayo upang harapin si kuya Banjo. Hindi ako kailanman nagdamot sa pamilyang nagpalaki sa'kin kahit pa ang sama ng mga ugali nila. I treat them as my family. I never had the chance to have one except the one they gave me. It's my only choice and I have to be grateful.
"Hindi ka ba talaga uuwi ng bahay?" Ang tanong ni kuya Banjo na nagpagulat sa'kin. Usually naman kasi, paghingi agad ng pera ang ibubungad niya kapag napupunta siya rito. "Naku naman Daya, halos tatlong taon ka ng hindi umuuwi ng bahay."
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Pagkatapos kong huminto sa pag-aaral, pagkatapos kong pabayaan ang buhay ko, hindi ko na alam kung paano harapin si tatay. Kaya upang huwag ng mapag-usapan ang tungkol sa pamilya at maging emosyonal, upang mapaalis na si kuya Banjo, kumuha ako ng pera sa wallet ko. Ang ikinagulat ko, hinawakan ni kuya ang aking kamay upang pigilan akong higitin ang pera.
"May trabaho na ako Daya. Okay narin si tatay. Hindi na niya kailangan ng gamot na ime-maintain. Nandito lang ako para subukang kumbinsihin kang umuwi."
Lalo pang kumunot ang noo ko sa pahayag niya. Hindi mabait sa'kin si kuya Banjo. Tsk. Halos ibenta na niya ako sa mga kaibigan niyang katulad niyang gago rin at walang kwenta. Ganon rin ang nanay niyang kaugali niya. Si tatay Benjie lang ang totoong nagmamalasakit sa'kin sa bahay na 'yon.
"Kailangan ko ng bumalik sa trabaho." Pagdadahilan ko nalang upang ipagtabuyan siya. Tumango naman siya't tinalikuran na ako.
Hindi ako makapaniwala sa tinuran ni kuya Banjo. Sumisikip ang dibdib ko, hindi ko maisip kung ano ang eksaktong dahilan. Nakatulala nga lang ako e, pinanood si kuya Banjo na lumayo hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Kung hindi pa ako tinawag ni Riza ay baka nakatulala parin ako.
"Overbreak ka na. Ikaw na muna dito sa post ko sis."
Tumango ako't pumunta na sa counter upang magtake-over sa kanya. Katabi ko ngayon si Kristina na nagtatanong ang mga matang nakatingin sa'kin. Kaya inilingan ko nalang siya bilang sagot.
Six ang out namin sa fast food at by eight naman ay duty ko naman sa isang bar bilang waitress pero hindi full-time. Kapag lang gusto ko, pwede akong sumipot doon sa bar. Luckily, hindi lahat ng tao sa mundo, nakatakdabg maging gago. There are people who are on my side.
BINABASA MO ANG
Diamond's Worth ✓COMPLETE
FanfictionHer name is Diamond but she is no gem. Juan Jose only treasures her body. Besides that, Diamond is worth nothing to him.