DW-23: Mail

2.5K 72 11
                                    

Diamond

Ipinaliwanag sa'kin ni Wan ang dahilan ng pagpunta ni Dianna. Kinukumbinsi daw siya nitong umuwi sa kanilang bahay dahil nag-aalala ang mga magulang niya. Hindi ko ma-gets 'yong logic don pero hindi ko na pinalaki. Bakit si Dianna ang pupunta? Magkapatid ba sila ni Wan? Ah, baka kasi parte na siya ng kanilang pamilya. Tsk.

"We'll go out tonight. May mga gagawin ka ba?" Tanong ni Wan habang naghuhugas ako ng pinagkainan namin. Nakayakap siya sa'kin mula sa likuran.

"Sa'n tayo pupunta?" Tanong ko, hindi siya tinitingnan. Nagpatuloy lang ako sa paghuhugas habang siya naman ay nakapulupot ang mga kamay sa'king bewang.

"Out with friends. But if you don't want us to go, no hay problema, mi amor." Sagot niya saka hinalikan ang likod ko.

"Juan José! Naghuhugas ako ng pinggan!" Reklamo ko pero at the same time, natatawa sa kapilyuhan niya.

"You can do it baby. You're a multi-tasker." Aniyang nagpatawa na sa'kin ng malakas. Tumawa narin siya.

"Ang ganda ng imagination mo talaga." Sarkastikong komento ko sabay iling.

"Ikaw lang ang maganda, Diamond."

Napairap na naman ako. Sira-ulo. Muling dinampian ni Wan ng halik ang likod ko habang pinadaanan ng malikot niyang daliri ang parte ng dibdib kong tambad sa suot kong plunge na spaghetti dress. Kahit anong pigil ko ay umiinit ang katawan ko dahil sa ginagawa niya. Bawat parteng nahahawakan niya ay tila napapaso.

Napatigil ako sa paghuhugas ng pinggan at hinarap siya. Agad na sinunggaban ni Wan ang pagkakataon upang siilin ako ng halik. Halos hindi ko na maigalaw ang katawan ko dahil dito. Bumaba ang halik niya sa leeg ko hanggang sa braso ko. Gamit ang kanyang labi, binaba niya ang maliit at manipis na strap ng suot ko. Napayakap ako sa kanya. Ni hindi ko na mabuksan ang mga mata ko, ninanamnam ko ang kakaibang pakiramdam habang patuloy siya sa paghalik sa'kin.

"You're driving me crazy about you, Diamond." Bulong niya bago ako halikang muli.

BANDANG ALAS NUWEBE na ng gabi nang makaalis kami ni Wan ng bahay para makipagkita sa mga kaibigan niya. Ang totoo ay ayoko sanang sumama pero gusto ni Wan na nandon ako kaya sinamahan ko nalang siya para wala ng gulo. Ang mas nakakainis, nandon rin pala si Sammantha. I am starting to think that he's here to see her.

Tsk. Napaparanoid na ako.

"The beautiful couple is here." Maarteng sabi niya sabay ikot ng kanyang mata matapos salubungin ang tingin ko. Hindi ko nalang ito pinansin. Samantalang nginitian naman ako ni Yael at Alejandro.

Tiniyak ni Wan na hindi ako maso-solo ng kahit na sino ng gabing 'yon. Siguro ay ayaw niya lang na makausap ko si Sammantha o baka naman si Lehan. Whatever his reason is, it's very convenient for me. Wala akong gustong kausapin sa kanila.

"Stan is here." Sammantha cheerfully exclaims, clapping her hands in excitement. Kahit iikang-ikang na siyang maglakad dahil sa kalasingan ay tumakbo siya para salubungin ang isang lalaki na hindi ko masyadong maaninag ang mukha dala ng nagsasayawang lights na paiba-iba ang kulay at galaw.

Bigla akong kinabahan kaya napahawak ako ng mahigpit kay Wan na nasa tabi ko. Lumakas pa ang pagtambol ng puso ko nang bumalik na si Sammantha kasama ang lalaking sinasabi nilang si Stan.

"Stan, this is Diamond." Pagpapakilala ni Sammantha na ngayon ay nakalingkis ang mga kamay sa lalaki. "Diamond, you should know Stan—Constantino Ferrer."

Sa halip na tingnan ang lalaki, kay Wan ako tumingin. Nakatitig rin siya sa'kin, 'yong tipong para bang pinapanood ako at ang bawat galaw ko.

"Nice to finally meet you, Diamond." Sabi nito upang kunin ang atensiyon ko. Naglahad siya ng palad upang makipag-kamay. Napalunok ako at muling tiningnan si Wan.

Diamond's Worth ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon