DW-17: Friends

2.2K 78 26
                                    

Hi everyone! Before you read this chapter, check out the poem Ysha_kathniel has written for Wan. It's in the book entitled "TULA SA BAWAT PAHINA". Please follow her too mga anak.

Ysha_kathniel Thank you for this

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ysha_kathniel Thank you for this. I really love it. 💙

***
Diamond

Bago matapos ang duty ko, nakuha ko na ang interview schedule which will be in two days. Naka-set na ang Magazine namin ng appointment for interview with the asshole. Dahil sa balitang ibinigay sa'kin ni sir Zylon, wala sa sariling lumabas ako ng company building ng araw na 'yon. Lumilipad ang isip ko. Paano ko i-interview-hin ang pesteng Juan José na 'yon? Talagang tungkol pa sa kanilang kasal.

"Universe, really?" Inis na sambit ko sa hangin. Wala akong pakialam kung nagmumukha akong tanga sa pagkausap ko sa sarili ko pero talagang kailangan ko lang ilabas ang nararamdaman ko.

"Daya!" Napaurong ako sa paglalakad ng marinig ang boses ni Kristina na tinatawag ang pangalan ko. Pareho kaming intern dito sa Horizons. "Kanina pa kita tinatawag. Lutang na lutang ka na naman."

Hindi ako sumagot. Binigyan ko lang siya ng pilit na ngiti. Sa bahay ko nalang sasabihin sa kanya ang tungkol sa assignment ko.

"Shit." Biglang anas niya sabay hawak ng magkabilang pisngi ko. "Huwag kang lilingon  sa kanan."

And I did exactly what she said I shouldn't. She said it in a way that's so tempting! But immediately, I regret that action. I hate that I am so stubborn. From across the street, nakita ko si Wan. Nasa loob siya ng kanyang kotse. Nakababa ang bintana nito kaya nakita ko ang mukha niya. I certainly recognize all of his cars too.

"Tara na. Multo lang 'yon." Biro ni Kristina na nahihilaw. Hinila niya na ako papunta sa nakaparadang taxi while I challenge myself not to look back.

Proud of you, self. Sabi ko sa sarili ko sa loob ng aking utak. Nagtagumpay kasi ako. Hindi ako lumingong muli.

"I am doomed, Kristina." Hindi ko na napigilang ipagtapat. Nasa taxi pa lamang kami. Eh paano ba naman kasi, ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Multo ang nakita mo, Dayamon. Wag mo akong ma-doomed-doomed diyan!" Saway niya na para bang nanay ko. "Alam mo, kapag lalapitan tayo ng gago na 'yan, gagamitan ko talaga siya ng linyahang pang Sex and the City." Kinumpas niya ang kamay matapos itaas ang noo. "I cursed you from the day you were born."

Marahil ay napansin niya ang pananahimik ko, sumeryoso siya. Kinuha niya ang kamay ko't pinisil iyon ng marahan.

"Walang ibig sabihin ang ginawa niyang pagpunta sa publishing house kanina. Please Daya, 'wag kang mag-assume. Mas masasaktan ka lang."

I am seriously taken aback. I never thought of anything like that! Pero oo nga, anong ginagawa niya sa tapat ng building namin? Trip niya lang magpark don?

Diamond's Worth ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon