Diamond
Nasa cafeteria kami ni Kristina, nag-uusap tungkol sa darating naming internship. Excited na excited na siya kasi confirmed ng sa Horizons kami mag-iintern. May crush daw kasi siya do'n. Sira-ulo, may boyfriend kaya siya!
"Ano 'yang binabasa mo?" Tanong ni Kristina sabay silip ng cover ng aklat na hawak ko. "How to Do Doggie Style—"
"Sira!" Natatawang sambit ko sabay pakita sa kanya ng maayos ang aklat.
"How to Be Your Dog's Bestfriend? What's that for?"
Excited na kinuha ko ang cellphone ko at inabot ito sa kanya upang ipakita ang pictures ni Pablo. Ngiting-ngiti pa akong pinapanood ang reactions ni Tina habang nagsa-swipe ng mga pictures.
"Ang cute! Binilhan ka ni Wan ng aso?"
"Kami 'yong bumili nong weekend."
"Ang cute nito!" Nakangiting sabi niya sabay pakita ng pictures namin ni Wan at Pablo. Napangiti din ako nang makita ito. It's my favorite. Lockscreen wallpaper ko nga 'yon eh. "Para kayong happy family."
(Here's little Pablo with tatay Juan and momma Daya.)
Nagpatuloy si Kristina sa pagtingin ng mga pictures habang kumakain naman ako ng fries. Tapos bigla nalang may nagsaboy sa'kin ng inumin. Hindi agad ako nakagalaw dahil sa ginaw at sa labis na gulat. I realized, tubig lang naman 'yong natapon sa'kin, baka aksidente lang. Nakita ko rin ang pagka-shocked ni Kristina.
"Sorry." Maarteng sabi ng isang babae.
"Sorry?" Singhal ni Kristina na tumayo kaagad at akmang lalapitan ito. Mabuti nga at napigilan ko pa siya.
"Akala ko kasi you're a trash can kaya natapunan kita tuloy." Sabi nitong nagpatayo na sa'kin sa upuan ko. Hinarap ko ito't tinaasan ng kilay. I even give this girl the benefit of the doubt. What's her deal? Sinadya niya akong sabuyan ng tubig!
"Alam mo kung ano ang basura dito?" Matapang na nginisian ako ng babae saka nagtaas ng kilay. She even crosses her arms kaya uminit pang lalo ang ulo ko. "Yang ugali mo. Ang langsa nga e."
Maarteng tinutop niya ang bibig, kunwari ay na-offend sa sinabi ko. Dahil talagang umiinit ang ulo ko sa kanya, kinuha ko ang chocolate shake ko sa mesa at isinaboy ito sa kanyang mukha.
"Pumili ka ng taong aapihin mo." Sabi ko rito't hinila na si Kristina.
Ang daming taong nakapalibot sa'min at halos lahat sila kinunan kami ng video. Sa inis nga ni Tina ay may hinablot siyang cellphone at itinapon.
"Die, bitch!" Sigaw niya pa bago kami tuluyang makalayo sa cafeteria.
Inis na inis akong umuwi ng bahay. Mabuti nalang at si Pablo agad ang sumalubong sa'kin. Nawala agad ang inis ko.
"Dirty pa si momma, Pablito." Sabi ko rito, nakasimangot.
"Kaya dito ka muna kay Tita Ganda mo." Sabat ni Kristina sabay yakap kay Pablo. "Napaka-cute mo naman talaga." Sabi pa niya habang karga-karga na ito.
BINABASA MO ANG
Diamond's Worth ✓COMPLETE
FanficHer name is Diamond but she is no gem. Juan Jose only treasures her body. Besides that, Diamond is worth nothing to him.