Diamond
Lima o sampung minuto lang ang haba ng biyahe mula sa convention center papunta sa Sky Ranch. Sa pangatlong araw ng convention ay nag-awarding ceremony lang at pagkatapos ay ipapasyal muna nila ang mga bata sa Sky Ranch bago magsiuwian.
"Sino namang nagsabi sa'yong pwede mong hawakan ang kamay ko?" Pabulong na sita ko kay Wan nang hawakan niya nalang ang kamay ko bigla habang naglalakad kami. Kasama ni Chaunny ngayon ang mga kaklase niya kaya naso-solo namin ang isa't isa. Nakabuntot lang kami ni Wan sa kanila though.
"Pwede nga kitang halikan kapag ginusto ko e." Nakangising sagot niya. Para asarin pa ako ay itinaas niya ang kamay ko't hinalikan 'yon.
Napakagat ako ng labi upang huwag mapangiti. Umiinit ang pisngi ko, animo'y teenager na kinikilig. I hate how Wan still has that same effect on me. Hindi sinasadyang mahuli ko ang teacher ni Johnny na nakatingin sa'min, ang mismong teacher na hinaharot ni Wan. Tiningnan ko ang loko baka kasi nakatingin rin siya sa babae.
Tsk.
"What's with that face, love?" Tanong niya, nakatitig sa'kin.
"Yong babae mo, pasulyap-sulyap e." Mahinang sabi ko. Huminto si Wan sa paglalakad at hinarap ako.
"Kapag hindi ka matigil diyan sa pagseselos mo, hahalikan talaga kita. Wala akong pakialam kung sino ang nakatingin." Pananakot niya.
Sinamaan ko siya ng tingin."Selos? Ako talaga?"
"Bal, listen. It's a given na marami talagang nagkakagusto sa'kin." Napa-tsk ako sa kayabangan niyang walang pinipiling lugar at oras. "Pero alam mo namang isa lang ang gusto ko. At ikaw lang 'yon."
"Wag ka ngang corny." Sabi ko nalang upang iiwas sa kanya ang mukha kong pakiramdam ko'y pulang-pula na. "Tara na."
"Tsk. You are so cute, bal." Komento niya, tinatawanan ako.
"What?"
"Geez. I've seen it. You're blushing, Diamond."
"Shh."
Wan and I give our attention to Johnny who's enjoying the kiddie rides with his classmates. We just watch over him, let him play every booth he stops at, and buy everything he wants around the place. I even remember him asking me and his daddy to buy a set of pink balloons. At first, I was hesitant but Wan backed him up and encouraged me to just buy the stuff for him. My eyeballs almost swell out seeing my five-year old son give it to a girl.
"What was that?" Napahawak ako sa braso ni Wan dahil pakiramdam ko nawawalan ng lakas ang tuhod ko. My knees suddenly turn into jelly because I wasn't prepared for anything like that! Geez. My son cannot be someone else from the past life, right?
Oh ayan na. Nababaliw na ako dahil sa nakakagulat na pangyayari. Kung hindi pa tumawa si Wan ay baka kung saan na napadpad ang isip ko.
"Your son is smitten just like his dad."
"What?" I exclaim loudly. "I mean, isn't he too young for that?"
"You're one to discriminate love huh? Who says love requires age?"
"Wan! Alam nating pareho ang sagot diyan. He is just five!"
Tumawa siya ulit. "Ba't ka nagagalit? May nagugustuhan na nga ang anak natin. He always tells me about her."
"Eh?" I even stomp my foot like a kid. I just cannot believe it. Look at him, he is my baby! He can't possibly being having crushes or anything!
"Hayaan mo na. Crush lang 'yan. Ikaw ba nong bata ka, hindi ka nagkaroon ng crush?" Aniyang inirapan ko lang.
BINABASA MO ANG
Diamond's Worth ✓COMPLETE
FanficHer name is Diamond but she is no gem. Juan Jose only treasures her body. Besides that, Diamond is worth nothing to him.