DW-11: Happy

3K 82 101
                                    

Diamond

Hindi ko akalaing sa mga susunod na araw mula ng hayaan ko na namang maging parte ulit ng buhay ko si Wan ay matututunan kong ngumiti ng totoo. Katulad niya, hindi ako naniniwala sa pag-ibig. Alam kong isa iyan sa mga bagay na kailanman ay hindi darating sa'kin lalo na ngayong hinayaan ko si Wan sa buhay ko. Pero kung ano man 'tong nararamdaman ko para kay Wan, kahit hindi man 'to pagmamahal, I am simply contented because for a while, nagagawa kong kalimutan ang nakaraang ayaw na ayaw kong balikan.

"Diamond, matatalsikan ka nga diyan!" Nanlalaki ang mata ni Wan na pinapanood ako. Naka-stretch sidewards ang kamay ko habang nakatayo sa kawaling may kumukulong mantika.

"Do you want to save me, JJ?" Panunukso ko sa kanya. Seryoso parin ang kanyang mukha kaya lalo akong natatawa at ginanahang tuksuhin siya.

"Come on. Please stay away from there, Diamond." Sabi niya pero hindi naman ako malapitan.

Nagluluto kasi kami ngayon sa kusina. Takot siya sa mantika kaya naisipan ko siyang asarin.

"Aw!" Pag-iinarte kong natalsikan ng mantika kahit hindi naman talaga. Sinubukan niya akong hilahin pero umiiwas ako. Tawa ako ng tawa sa reaksiyon ng mukha niya. "Aw!" Tili ko ulit, nagkukunwaring natalsikan na naman.

"Daya. I told you to stay away!" Panenermon niya matapos akong yakapin.

"Yep. That's it. Now get the ladle." Utos kong nagpabitaw sa kanya sa pagyakap sa'kin. Tiningnan niya ako ng masama. But when I smile at him, his face slowly softens. Eventually, he smiles back. "I will be just right here. Kaya huwag kang matakot sa mantika na 'yan."

He stops for a moment and just stares into my eyes again. "You cannot be my shield." Aniyang nagpatawa sa'kin. May pailing-iling pa siya at ang seryoso ng mukha. That face of his tickles me, I cannot stop smiling.

"Why not? I can be whatever you need, JJ."

"Yeah. But not that. I cannot bear to see you hurting especially because of me."

"Aw." Kinurot ko ang dalawang pisngi niya. "Ang korni mo!" Sabi ko't inagaw muli ang sandok sa kanya.

Hinarap ko nalang ang kawali at binuhos roon ang karne. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko e— tinitigan lang naman ako ni Wan.

"Akala ko ba ako ang magluluto?" Tanong ni Wan na ngayon ay nakayakap sa'kin mula sa likuran.

"Eh, takot ka nga sa mantika diba?" Sagot ko, nilingon siya. Tinake-advantage niya 'yon at mabilis akong hinalikan.

"Sige na. Ako na. Akin na 'yang sandok." Aniya, inagaw sa'kin ng walang kahirap-hirap ang hawak kong stainless na frying ladle. "Ano ang gagawin ko, gandang-masungit?"

"Halu-haluin mo lang."

Sumunod naman siya pero halata parin ang takot niyang matalsikan ng mantika dahil ang layo-layo niya sa gas range. Nakakatawa siyang panoorin pero hindi ko magawang tumawa kasi naalala ko kung paano niya niluto 'yong adobo noon na ginawa niyang peace offering sa'kin. Alam niya talaga kasing mahal ko ang adobo.

I may have said that I don't believe in love. But adobo is the exception. Hahaha.

"Juan José, hindi ganyan." Nilingon niya ako, inosente ang mukha. "Lumapit ka." Panunudyo ko sabay tulak sa kanya ng dahan-dahan. "Tapos halu-haluin mo lang lagi para 'wag dumikit 'yong karne sa kawali. Kapag didikit 'yan, matakot ka na, maghahasik ng lagim 'yang kalaban mong mantika."

Tumawa pa ang mokong sa paraan ng pagpapaliwanag ko. Dahil takot talaga siyang lumapit, niyakap ko siya mula sa likuran at unti-unting umusod papalapit sa kawali. Hindi naman siya umangal.

Diamond's Worth ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon