Chapter 23: Sorry, Josh

16 0 0
                                    

Nico POV

Lumipas Ang 3 buwan at sa loob nito ay naging maganda Ang takbo Ng buhay ko dito sa maynila. Mula sa aking pag aaral na name-maintain ko Ang mataas na grado. At sa aking trabaho na may magandang pakikitungo Ng aking nga katrabaho. Wala pa din naman akong nae-encounter na bastos at supladong customer. Ganun din Ang pangliligaw Ni Josh. Walang palya Ito Kung maghatid sundo sa akin. Madalas din Ang pag Aya niya sakin lumabas kapag walang pasok sa school at cafe. Pero Yung nararamdaman ko sa kanya at Hindi nagbago. Nanitili pa din itong infatuation. Naa- appreciate ko lahat Ng effort niya pero Hindi lumago o lumevel up Yung nararamdaman ko sa kanya. Gusto ko nga siyang patigilin sa panliligaw niya kaso naghahanap pa ako Ng tamang panahon para dito Kasi nakikita ko sa tuwing kasama niya ako Ang Saya sa mga Mata at ngiti niya.  At sa tuwing magkasama kami Ni Josh eh may tao na akong nasasaktan Ng sobra. Si Teban.

2 weeks ago

"Nico"  si tita Rose.

"Po?"

"Napansin ko Lang na laging nasa loob ng kwarto niya si Teban. Tapos Hindi na din masyadong makwento dito sa loob Ng Bahay. At laging mukhang malungkot. Alam mo ba Ang nangyayari sa kanya."

"Napansin ko din po pero Hindi ko po Alam Ang rason. Pero kakausapin ko po siya." Kahit naman na ako talaga Ang rason nun.

"Sige Nico. Salamat."

Flashback Ends

Narito ako ngayon sa garden sa likod Ng aming campus. Balak ko kasing kausapin si Josh tungkol sa panliligaw niya. Hindi ko na kase kayang makitang nahihirapan Ang Mahal ko. Oo, Mahal ko pa din si Teban hanggang ngayon.

Habang iniisip ko Ang sasabihin ko Kay Josh eh may nagtakip Ng aking mga Mata.

"Ano ba Josh, tanggalin mo na hahahaha" natatawang Kong sabi.

"Paano mo nalamang ako Yun?" Natatawa Niya ding tanong.

"Eh paano kamay mo pa Lang Alam ko nang ikaw Yan. Atsaka Wala namang ibang gagawa niya. Ikaw Lang."

"Kilala mo na mga talaga ako. Hehehehe" 

Natahimik kami nun hanggang sa...

"May sasabih---" Hindi ko na natapos.

"Nico, ititigil ko na panliligaw ko sayo.". Nabigla ako sa sinabi niya.

"Huh,. Bakit?" Tanong ko. Oo, iyon den Ang sasabihin ko pero bakit inunahan niya ako.

"Alam ko namang Hindi mo ako Mahal na higit pa sa isang kaibigan. "

"Sorry"

"Wag Kang magsorry. Ako Ang dapat magsorry Kasi dahil sa akin nawawalan ka na Ng oras para sa totoong Mahal mo."

Nagulat ako sa sinabi niya.  At makikita niya sa mukha ko.

"Alam ko Nico na si Teban Ang Mahal mo. Atsaka tanggap ko naman. Pero may mas mahalaga akong sasabihin sayo Kaya sumama ka sakin."

"Saan ba Tayo pupunta?" Tanong ko

"Basta Tara." Aya niya pero bago kami pumunta sa parking lot Kung nasaan Ang kotse niya eh bigla niya akong niyakap Ng mahigpit. At hinalikan sa noo.

"Kahit anong mangyari, magiging parte pa din ako Ng buhay mo." Makahulugang Sabi ni Josh.

Dont know what to do?! (BxB)Where stories live. Discover now