Chapter 18: Brotherly Talk

12 0 0
                                    


Nico POV

Napansin ko agad Yung pulang kotse sa harap Ng gate nila tita. Sa gilid nito ay nasandal si Josh na agad na napaayos Ng Tayo nang Makita ako.

"Ang aga mo naman Josh." Bungad ko sa kanya Ng makalapit kami Ni Teban. Si Teban naman eh tuloy tuloy Lang ang lakad hanggang sa makapasok siya sa loob Ng Bahay.

"Mas okay na itong maaga hehehe. Ayaw ko naman na maghintay ka."

"Ah sige, pero magbibihis muna ako ahh. Tara pasok ka muna" pag Yaya ko sa kanya.

"Kuya Nico." Bungad saken Ni Ahri na nasa Sala.

"Sino siya kuya Nico?" Tanong pa niti. Ang cute lang.

"Ahh si Kuya Josh mo iyan." Pagpapakilala ko.

" Josh si Ahri. Bunso nila Teban."

" Hi Ahri." Nakangiting pagbati nito.

"Nililigawan mo ba kuya Nico ko?" Wow! Very pranka itong pinsan ko hahahaha.

"Ah eh Oo. Pwede ko ba siyang ligawan." Tanong Ni Josh dito.

"Pogi ka naman at mukhang mabait kaso Yung ganyang klase Ng mukha eh habulin. Baka naman saktan mo Lang kuya ko" natouch naman ako sa pinsan Kong Ito. Kahit na Wala pa akong isang taon sa kanila eh grabe na Yung pagwoworry niya bilang pinsan ko. Namiss ko tuloy Yung kambal.

"Hindi Hindi Ahri, actually Kaya ako nandito Kasi niyaya ko siyang magdinner sa Bahay kasama si Mama." Nakangiti at Taas noong sagot nito Kay Ahri .

"Okay okay. Ingatan mo yang kuya ko ahh. Malilintikan ka saken kapag nalaman Kong sinaktan mo siya." Parang nanay na Sabi nito Kay Josh. Ang cute Lang talaga hahaha.

"Syempre naman po little princess."

"Bihis Lang ako Josh." Paalam ko sa kanila.

"Take your time Nics." Rinig kong pahabol Ni Josh bago ako makapasok Ng kwarto.

Naabutan Kong nakahiga si Teban. Patalikod Kaya di ko Makita Ang mukha nito. Alam Kong Mahal na Mahal namin Ang isat Isa kaso. Bawal Ang pag ibig naming ito. Nagbihis na Lang ako at bumaba na. Hindi ko man Lang nakita na lumingon siya saken.

"Tara na Josh. Ahri paki Sabi Kay tita na nakila Josh ako ahh."

"Makakarating kuya"

"At ihahatid ko naman siya pauwi Ahri. Kaya wag kayong magworry sa kanya " pahabol ni Josh Kay ahri. At sumakay na kami sa kotse niya't umalis.

Teban POV

"Nico." Yan Ang gustong lumabas sa aking bibig pero tinikum ko Ito dahil kailangan Kong panindigan Ang sinabi ko sa kanya.

Nang masigurado Kong naka Alis na Ito ay saka na ako bumaba. Naabutan ko sina Leroy at Ahri na naghahanda Ng pagkain.

"Buti naman kuya eh bumaba ka na. Tatawagin Sana Kita. Kain na." Yaya saken Ni Leroy.

"Sila Mama?" Tanong ko dito.

"Gagabihin daw sila Kaya Mauna na Tayo. May tinabi na den naman ako para sa kanila."

"Ahh okay." Ang nasabi ko na lang.

Habang kumakain ehh naiisip ko pa din ang pinag usapan namin Ni Nico.

"Oh kuya, di mo nagagalaw pagkain mo." Puna Ni Ahri.

"Ah.. naisip ko Lang Yung quiz namin kanina... Baka kase di ko napasa." Palusot ko.

"Quiz ba talaga kuya?" Makahulugang sambit Ni Leroy.

Tumayo na si Leroy at dinala Ang pinagkainan Niya sa kusina pero bago Yun ay may binulong siya saken.

"Tara sa tindahan kuya. Pag usapan naten yan." Close kami nitong kapatid ko Kaya kilala namin Ang isat Isa Lalo na itong sitwasyon ko ngayon.

After Kong kumain eh dumeretso na ako sa tindahan. Si Ahri naman bahala sa hugasin eh hehehehe.

"Si Nico ba yan?" Bungad ni Leroy Ng makapasok ako sa tindahan.

"Paano mo nalaman?" Takang tanong ko.

"Pasensya na kuya pero nakita ko Yung nangyari sa inyo nung isang Gabi." Nanlaki Ang Mata ko sa narinig ko Mula sa kanya.

"At Alam Kong gusto mo si Kuya Nico." Habol pa niya.

"Sana wag mong sabihin kila mama Ito."

" Wag Kang mag alala kuya, makaka asa ka."

"Pero bakit malungkot ka? Dahil ba dun sa Josh?" Pahabol niyang tanong.

"Oo, pero bukod dun eh Hindi ko pwedeng ituloy itong pagmamahal ko sa kanya dahil nga mag pinsan kami." Sagot ko.

"Sabagay. Kuya Hindi naman mahirap magustuhan si Kuya Nico eh. Maski ako crush ko siya hihihihih." Nagulat ako sa sinabi nito.

" Grabe, mukhang karibal pa Kita. Hahahahah" Ang nasabi ko na Lang.

"Pero kuya. Hanggang crush na lang. Kase Alam Kong Mahal mo na siya at isa pa Alam Kong gusto ka din nun. Di ko nga Alam bakit inentertain Yung Josh na Yun eh."

"Kasi nga MAGPINSAN kami" Ang mabilis Kong sagot sa kanya.

"Hehehehehe oo nga pala." Parang baliw na tugon nito. Binatukan ko nga hahahaha.

"Edi itutuloy mo yang pag iwas Gaya Ng napapansin ko nitong mga nagdaang araw?"

"Oo pero hindi masyadong iwas. Napag usapan na din naman namin ito." Pilit ngiti Kong sagot.

"Okay kuya, Basta sabihin mo Lang Kung may problema. Lagi naman akong nandito."

"Oo na. Magbantay ka na diyan. At sasalubungin ko si Mama sa labas."

"K. Hahahaha" qaqutong to.

Dont know what to do?! (BxB)Where stories live. Discover now