Chapter 20: Tita's Concern

13 0 0
                                    

Nico POV

"Bakit pala Tito Ang tawag mo Kay sir Anthony?" Tanong ko Kay Josh. Nandito kami ngayon sa kotse niya at ihahatid na ako pauwi.

"Stepdad ko Lang siya. Hindi kase ako sanay na tawaging dad siya Kaya ayun Tito na lang." Paliwanag niya.

"Eh bakit dala mo apelyedo niya?" Tanong ko pa.

"Nung nagpakasal Kasi sila Ni mommy. Gusto Ni mommy na dalhin ko Yung apelyedo niya na sinang ayunan din naman Ni Tito."

"Oh andito na Tayo, nabusog ka ba?" Tanong niya.

"Oo naman. Para ngang fiesta eh aapat Lang naman tayong kakain kanina."

"Hindi Kasi Alam Ni mommy mga gusto mong ulam Kaya nagluto siya Ng marami. Hehehehe"

"Masarap lahat. Mas nagustuhan ko Lang talaga Yung adobo Kasi paborito ko yun hahahaha." Natatawang Kong sabi.

" Dami mo ngang nakain eh hahahaha "

"Eh masarap eh"

Habang nag uusap eh, napansin ko na may lumabas Mula sa pinto namin. Si Tita Rose Yun. At siya nanaman Ang nagbukas Ng pinto ko. Nagpapaka gentleman nanaman hahahaha.

"Magandang Gabi po." Bati Ni Josh.

"Magandang Gabi din." Sagot Ni Tita.

"Josh po, manliligaw Ni Nico." Pakilala Ni Josh.

"Nabanggit nga sa akin Ni Ahri kanina."

"Eto po pala. Mga luto po Ni mama." Sabay abot Ng paper bag Kay tita.

"Salamat, paki Sabi din sa mama mo."

"Makakarating po." Magalang na sagot Ni Josh.

"Uhmm Nico, sige Mauna na ako."

"Ah sige. Salamat ulet. Ingat ka sa daan." Paalam ko.

"Ah ehh--" napapatingin siya Kay tita habang di ko pa Alam Ang sasabihin niya.

"Sige. Good night na." Sabi niya. Pero Alam Kong may gusto pa siyang sabihin bukod dito. Naglakad na siya papuntang kotse Ng may naisip akong gawin.

Sumunod ako sa kanya at kinalabit siya sa balikat at pag harap niya ay hinalikan ko siya sa pisnge.

"Salamat. Ingat ulit." Namumula Kong sabi.

Si Josh naman eh nakatulala pa den. Hindi niya at inexpect na gagawin ko Yun sa kanya. Naglakad na ako papunta sa harap Ng pinto. Nandun pa den si Tita Rose na may nakakalokang ngiti.

"Ikaw Nico ahh." Natatawang Sabi ni Tita. Ako naman eh namumulang napayuko na Lang.

"Ingat Josh." Medyo malakas na Sabi ni Tita. Napa ayos naman Ito nang tindig. Marahil ay nagising na siya hahahahaha.

"Sige po, una na po ako. Good night po sa inyo." Huling paalam nito at sumakay na sa kotse niya't umalis.

"Mabait siya Nico ahh, magalang at gwapo din." Puri Ni Tita Kay Josh.

"Tara na tita. Tikman niyo po Yung luto Ng mama niya." Yun na lamang Ang nasabi ko dahil nahihiya pa ako.

Dont know what to do?! (BxB)Where stories live. Discover now