Nico POV
"Ganun po ba, natutuwa ako dahil nakita niyo na po ang anak niyo. Malungkot mang isiping hindi ko kadugo si Nico pero tunay na pamangkin na ang turing namin sa kanya. Natutuwa ako dahil magiging buo at masaya siya sa totoo niyang pamilya." Maluha luhang sabi ni tita kay Papa. Umaga pa lang ay nandito na si papa para nga ipaalam ako kay tita na uuwi kami sa probinsiya.
"Nagpapasalamat ako sa pagkukupkop niyo sa anak ko." Masayang tugon ni papa.
"Ikamusta mo na lang ako kay Selma, Nico. Ingat kayo sa byahe." At hinalikan ako ni Tita sa ay sintido ko.
"Opo tita. Salamat po ng marami." Buong puso kong pasasalamat.
Bago pa man kami umalis, sinilip ko muna ang kwarto nila Leroy at Ahri para magpaalam kaso tulog pa sila. Past 4am pa lang kasi. Kaya dumeretso na ako sa kwarto namin ni Teban para kunin ang iba kong gamit. Papasok pa lang ako sa pinto nang may biglang yumakap sakin.
"Te-Teban..." Kinakabahan ko sabi. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan.
"Namiss kita Nico. Please wag kang umalis lalo na ngayong nalaman kong hindi pala tayo magpinsan." Madamdaming niyang pahayag.
"Namiss din kita Teban. Sobra kung alam mo lang. Akala ko di na kita mayayakap pa." Naluluha kong tugon.
"Pero kailangan ko munang umalis dahil kailangan naming ayusin ang tungkol sa pagkatao ko. Ang tunay kong pamilya." Dagdag ko.
"Gusto ko sumama Nico. Please hayaan mo akong sumama."
"Hindi maari, hindi ko alam kung anong sasabihin natin sa kanila ni tita kung bakit ka sasama."
" Akong bahala kay Mama. Mauna ka na sa labas." Sagot niya at hinalikan ako sa noo bago pumunta sa sala.
Bumaba na din ako at nagpaalam sa kanila tita.
"Tita aalis na po kami, wag po kayong mag alala dahil dadalawin ko po kayo."
"Magingat sa byahe ahh"
"Opo" at lumabas na ako. Hinintay ko si Teban dito sa loob ng kotse.
"Pa, saglit lang po."
"Bakit anak?"
Hindi na natuloy ni papa dahil
"Nico!" Sigaw ni Teban na may dalang bag.
"Gusto ko pong sumama tito."
"At bakit naman?"
" Gusto ko lang po makita sila tita Selma at bantayan na din si Nico." Magalang na sagot ni Teban.
Tumingin sakin si papa na parang sinasabing "anong ibig sabihin nito" ngumiti na lang ako at..
"Please pa isama na po naten si Teban." Pacute ko kay papa.
"Sige na nga. Yung bag mo Teban, sa compartment na lang."
"Opo" sagot ni teban at dumaretso sa likod ng kotse.
Matapos niyang ilagay ang gamit niya, agad siyang sumakay sa loob. Si papa sa driver's seat at kami naman sa likod. Dahil hindi naman kita masyado ni papa ang ayos namin eh hindi ko na napigilang hawakan ang kamay ni Teban. Lumingon naman sa akin si Teban at ngumiti. Ngiti pa lang niya grabeng saya na ang nararamdaman ko. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya't natulog dahil medyo kinulang ako sa tulog hahahahhaa .
*Flashback*
"Bakit gusto mo namang sumama sa kanila. Pamilya sila ni Nico, Teban." Reaksyon ni Mama ng magpaalam akong sasamahan ko si Nico.
"Ma, gusto ko lang po makita sila Tita Selma." Pangangatwiran ko.
"Maaari naman nating gawin yun sa bakasyon." "Baka naman ehh--"
"Please ma, gusto ko pong samahan si Nico."
"Sige na nga." Nakangising pagpayag ni mama.
"Alam ko ang tungkol sa inyo. Sa tuwing ginagabi kami ng papa niyong umuwi, sinisilip namin kayo sa mga kwarto niyo. Hindi na ako magugulat sa reaksyon mo ngayon dahil nung nakita naming magkayakap kayo ni Nico habang natutulog eh napagtanto namin na may namamagitan sa inyo. Biruin mo parang gabi gabi ata kayong magkayakap ehh hahahhaah" mahabang linya ni mama.
"At wag kang mag alala, tanggap kita. Tanggap namin kayo Ni Nico lalo pa't hindi naman talaga kayo mag pinsan." Dagdag ni Mama na ikinaluha ko.
"Salamat ma" agad ko namang niyakap si mama.
"Syempre naman, doon ako kung saan sasaya ang anak ko. Dalian mo na. Baka umalis na sila." Natatawang sabi ni Mama.
"Opo ma." Bago pa man ako umalis eh may inabot sa akin si mama. Pera, 10k .
"Ma ang laki naman po nito." Gulat kong sabi.
"Wag kang swapang Teban. Sayo yung kalahati at 5k eh ibigay sa kanila tita selma mo. Batang toh, di marunong mag ipon. Puro hingi." Natawa naman ako sa sinabi ni mama.
"Opo opo. Thank you ulit ma. Love you." Paalam ko kay mama.
"Love you more. Ingatan mo si Nico ahh"
"Opo" sigaw ko bago makalapit sa kotse nila Tito Anthony."
*End of Flashback*
" Ano namang ningingiti mo dyan?" Pakuha ng pansin sa akin ni Tito Anthony.
"Wala po. May naalala lang po." Magalang kong sagot.
"Ano ba talaga ang tunay na dahilan bakit sumama ka samin?" Kinabahan ako sa tanong ni tito.
"Mahal po namin ni Nico ang isa't isa. Gusto ko po siyang samahan sa pag alam niya sa pagkatao niya." Sagot ko dito.
"Hindi kita kikwestiyonin dyan. Kita ko namang mahal ka ni Nico pero once na saktan mo ang anak ko. Asahan mong wala ka nang babalikan."
"Hindi ko po mapapangako pero si Nico lang po ang mamahalin ko. Nakikita ko na nga po ang future namin ehh." Nahihiya kong sagot.
"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo."
Maya maya pa't nakarating na kami sa airport. Agad ko namang ginising si Nico.
"Nico, Nico, Nico gising na." Sabi ko habang hinihimas himas ang mukha niya. Hindi naman ako nabigo at nagising naman siya."
"Nandito na tayo." Nakangiti kong bungad sa kanya.
"Ah ganun ba, sorry nakatulog ako."
"Wala yun, tara na't bumaba."
Sa likod ko ang bag ko. Sa kaliwang kamay ko naman ang bag niya. At ang kanang kamay ko naman eh nakahawak sa kaliwang kamay niya.
Nginitian niya lang ako. Habang papalapit kami sa helicopter eh may napansin akong pamilyar na pigura. At habang papalapit kami, hindi nga ako nag kamali."Good morning Nico." At niyakap naman siya ni Nico. Matapos ay bumaling sa akin.
"Morning din Teban." Sabi niya.
"Good morning din, Josh"
YOU ARE READING
Dont know what to do?! (BxB)
Romance"Don't worry, i'm still your prince charming but not as lover"