Chapter 5

207 40 8
                                    

"Pres may meeting tayo." hindi ko siya pinansin at lumabas lang ako ng classroom at nagtungo sa last section.

"Pumasok na ba si Jane Vannier Miss?" tanong ko sa kaklase ni Mako.

"Hindi pa eh."

Isang daang beses nakong nag text kay Mako pero di siya nag rereply. Tinawagan ko siya ng ilang beses pero busy o kaya minsan out of reached siya.

Namimiss ko na ang Mako ko at hindi ko maintindihan kung anong nangyayari na samin. Talagang bang nakipaghiwalay na siya sakin? Napagpasiyahan kung pumunta sa bahay ni Mako dahil apat na araw ko na siyang hindi nakikita. Nag doorbell ako ng ilang beses at buti naman ay binuksan na ang gate nito.

"Good Morn.. oh Sir Pogi. Ikaw pala yan. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong nang katulong nila Mako.

"Andyan ba si Pink?"

"Si Señorita po? Teka tawagin ko lang po." nakahinga ako ng maluwag ng sinabi niya yun. Naghintay lang ako sa labas ng gate hanggang sa bumalik ito.

"Sir Pogi. Umalis pala kanina si Señorita. Pasensya na po ha. Balik na lang po kayo bukas." hindi ako naniwala sa kanyang sinabi.

"I know you're lying. Please help me. I need to talk with Pink."

"Sir Pogi. Pasensya na po talaga." isasarado niya sana yung gate ng pigilin ko ito.

"PINK! MAKO! MAKO! ALAM KONG ANDIYAN KA. PLEASE NAMAN OH. MAG USAP TAYO. MAKO. MAG USAP TAYO. MISS NA KITA." sigaw ko rito.

"Sir. Tumigil po kayo baka magalit si Señorito." hindi ko siya pinansin.

"MAKO. LUMABAS KA DIYAN. HARAPIN MOKO. MAG USAP TAYO. MAKO! ALAM KONG NARIRINIG MO AKO!"

Pero ang pagsigaw ko palay nahuli sa kabiguan. Hindi ko siya nakita at hindi man lang siya nagpakita sa akin pero hindi ako susuko. Aabangan ko siya sa paaralan at ngayon papunta na ako sa last section.

"Pumasok na ba si Jane?" tanong ko sa isa sa mga kaklase ni Mako.

"Oo. At kakaalis lang niya. Nagmamadali nga siya u--- " di ko na siya pina kinggan at diretso akong tumakbo papunta sa waiting shed. Wala akong naabutan pero mali nakatingin ako ngayon sa sasakyan ni Mako na nakaalis na. Pumura ako ng taxi.

"Manong sundan po natin iyong itim na sasakyan." at tinuro ko pa ito. Sinundan lang namin ang kotse ni Mako at papauwi na siya. Nakita kong papasok na si Mako sa Mansyon kaya tinawag ko siya.

"Mako!" napahinto siya pero di lumingon.

"Mako!" pagtawag ko muli pero para wala siyang narinig at diretsong pumasok sa loob ng Mansyon.

"MAKO!! MAKO!!" agad sinara ng katulong yung gate kaya agad ko rin iyon hinawakan.

"Please. Papasukin niyo ko. Kailangan ko siyang maka usap." nagmamakaawa kong sabi.

"Patawad Sir Pogi pero bawal eh!" napa buntong hininga ako dun. Napapagod na rin ako sa kakasigaw dahil halos wala nakong boses. Umupo ako sa may garden nila. Dinukot ko yung cellphone ko. I dial her number and I silently wished that she will answer it.

Napangiti ako nung sinagot niya kahit di siya nagsalita.

"Mako.. " I gently uttered. Wala pa rin siyang imik.

"I want to talk with you personally." kalmado kong sabi .

"I already set you free." napa iling ako. She's using her cold voice.

Mako kasi Mahal Ko Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon