EpiloguePatrick Blue POV
Parang kahapon ko lang nakilala si Mako at parang kahapon lang na masaya kami sa piling ng isa't-isa. I suddenly remembered the conversation that we had the day before her operation.
"Mako. Promise mo sa akin ha. Hindi ka magiging malungkot, na hindi ka iiyak palagi, hindi ka mag lalasing at hindi makipag basag ulo." magsasalita sana ako pero tinakpan niya ang bibig ko.
"Ako muna ok? Gusto ko gawin mo yung lahat ng gusto mo yung mag papasaya sayo. Kung gusto mong magkapamilya edi gawin mo, wag mong isipin o itatak mn sa isip mo na ako lang ang babae para sayo. Alam kong may inalaan si God para sayo kaya pag dadating yung Girl, embrace her with all your heart."
"Paano kung slut yun?" agad kong tanong. Tinaasan naman niya ko ng kilay.
"Grabe ka namn. Hindi naman siguro magbibigay ng ganun si God. Wag ka nga Mako." ani niya. Natawa na lang ako. Niyakap ko siya ng mahigpit. Dinala ko siya dito sa bundok para makita yung sunset, dumiretso kami dito galing sa Park.
"Pakiramdam ko Mako hindi ako magkakapamilya." sinuntok niya yung abs ko. Napa aray ako.
"Wag ka nga!"
"Pero seryoso feel ko tuloy parang tinatawag ata ako ni God upang pagsilbihan siya." ngumiti lamang siya.
"Mako." bulong niya.
"Hmm?"
"Please do look after Dad." I nodded.
"I will miss you." dagdag niya. Kusang tumulo yung luha ko pinunasan naman niya ito.
"Wag ka nga magsabi ng ganyan. Change topic nga tayo. Ano ba yung impression mo sakin nung una tayong nagkita?" pag iiba ko dahil masakit isipin iyon.
"Alin dun? Yung ikaw si Bluey or si Mako?"
"Si Mako."
"Ok. Si Mako baliw. Baliw siya." nag iba yung facial expression ko. Tumawa lamang siya.
"Kasi mauulanan tayo nun at anong ginawa mo? Tumawa ka at para kang baliw nun. Sa sumunod na araw ang kulit mo nun promise hindi ko nga inaasahang ganun na pala si Bluey. Naala ko binalaan pa kita nun. Hindi ka pa nakinig. Napapagod akong mag kwento Mako. Ikaw naman." ngumisi ako.
"Ang sungit mo noon Mako, minsan naisip ko may dalaw ka kaya nun?" binatukan naman niya ko. Pero nagpatuloy parin ako.
"Bigla akong kinabahan nun, nakakatakot kasi yung mga titig mo pero at the same time, I found pain in your eyes pero ngayon wala na, I found happiness and content. Mas lalo kang gumanda ngayon mako."
"Nang bobola ka ata." pinisil niya yung pisnge ko.
"Hindi no. Totoo talaga!"
"Bakit ikaw pumangit ?" Ngumisi pa siya. Tumawa na lang din ako.
"Mahal mo naman." bulong ko.
"Sobra." dugtong niya.
"Pagod ka na ba?" umiling siya.
"Mako." tawag niya ulit sakin.
"Hmm?"
"Ang swerte ko." sabi niya.
BINABASA MO ANG
Mako kasi Mahal Ko
No FicciónMasaya ako dahil akin ka. Masaya ako kasi pinangiti mo 'ko muli. Masayang masaya ako kaya natatakot ako sa posibleng mangyari sa hinaharap. Please hold me tight Mako. Don't surrender! Wag mo kong pakinggan kung sasabihin ko mang di kita gusto. Pleas...