Break time. Inaya ko si Pink na sumabay sa akin na kumain. Balak ko siyang ilibre.
"Do you really want to see me smiling?" napahinto ako sa paglalakad sa tanong niya.
"Oo naman." sagot ko.
Tinignan niya ko sa mata at muli kong nakita ang mga mata niyang nasasaktan, nahihirapan at may gusto itong sabihin. Gusto kong mawala ang nga emosyong iyon. Gusto ko siyang makitang masaya at nakangiti.
"Pres, ako na lang yung magpapasa sa school papers. Mukha ka kasing busy." nakasalubong namin ang vice ko. Napatingin siya kay Pink at sa akin.
"Sige, pakipasa na lang sa faculty room. Salamat ha. "
"Ok Pres!" umalis na rin siya sa harapan namin at muli kong nasolo si Pink.
Nang makarating namin ang canteen ay nag order na rin ako at pinahanap ko si Pink ng bakanteng upuan.
"Pink. Samahan mo ako bukas." napatingin sa akin si Pink at tinulungan akong ilatag ang mga pagkain sa mesa namin. Hindi ko na siya pinasagot pa. Sa ayaw at sa gusto niya, sasamahan niya ako bukas. Total naman wala nang pasok.
Kinabukasan..
" Pink dali malapit na." hinihingal kong sabi.
Umaakyat kasi kami ngayon ng bundok. Mountain climbing ang trip ko ngayon at ipapakita ko lang sa kanya ang sunset at kung gaano ito kaganda. Nakita ko siyang hinahabol ang kanyang hininga, namumutla siya na parang di maka hinga agad ko siyang inalayan at pina inom ng tubig.
"Thanks. Hindi lang ako sanay, umakyat ng bundok. " agad niyang sinabi.
"Alam mo Pink namumutla ka kanina, kinabahan ako dun. "
"Don't be. I'll be fine. Bakit mo nga pala ako dinala dito?" tumingin siya sa malayo. Ginaya ko rin siya.
"I want you to see the sunset. Have you seen it before?"
"No. I haven't seen it yet but since you brought me here I think I can see the sunset now. "
Pagkatapos nun ay naging tahimik kami. Kanyang kanyang tingin sa kawalan. Masaya ako ngayon kasi unti-unti na akong mapapalapit sakanya. Komportableng-komportable pa akong kasama siya na para bang nasanay na ko sa presinsya niya noon pa. Nagkita lang kami sa park, alas kwatro nga akong gumising eh kasi excited na excited akong dalhin siya dito.
"Pink what's your greatest fear ? " pambasag ko sa katahimikang bumalot samin. Huminga siya ng malalim.
"Honestly I'm afraid to smile. " nakatingin parin siya sa malayo.
"Why?" tumingin ako sakanya.
"I'm afraid to smile. Natatakot akong maging masaya at ngumiti sa mundo kong ginagalawan dahil ang mundo kong ginalawan ay hindi patas. " tumulo ang kanyang luha. Agad ko itong pinunasan.
"Hindi naman talaga patas Pink eh! Nasa iyo lamang ang desisyon kung pano mo ito pa iikotin dahil naka depende ito sa iyo." sa sinabi kong iyon ay di siya umimik.
"Pink.. I wish I can see you wearing your sweet, innocent and angelic smile. " umiwas siya nang tingin. Pinikit niya ang kanyang mga mata. Huminga siya ng malalim at ako, ito pinapanuod lamang siya.
"But not until I met you Blue. You may not notice that I smile but deep inside I do, I do smile Blue and you're the reason why I smiled because you make me smile even of your little things you do for me, I smile. " nakapikit pa rin niyang sabi. Naguguluhan ako sa sinabi niya. Minulat niya ang kanyang mata at tumingin sa mata ko. Then a smile curved in her lips.

BINABASA MO ANG
Mako kasi Mahal Ko
Non-FictionMasaya ako dahil akin ka. Masaya ako kasi pinangiti mo 'ko muli. Masayang masaya ako kaya natatakot ako sa posibleng mangyari sa hinaharap. Please hold me tight Mako. Don't surrender! Wag mo kong pakinggan kung sasabihin ko mang di kita gusto. Pleas...