"Miss pa-share ng payong ha!" sabi ko sa babaeng nakita kong may payong. Alam kong late na kong nag pa alam pero mababasa na kasi talaga ako. Nagka tinginan kami, mata-sa-mata pero di ko akalaing malulungkot na pares ng mga mata ang aking nakita. Agad akong umiwas ng tingin. Tumawid kami sa kalsada pero nung nasa gitna pa lang kami ay humangin ng malakas at nasira yung payong kaya nabasa tuloy kami.
"Hahahaha!!" hindi ko mapigilang matawa sa itsura namin pero napansin kong naka pokerface lamang siya kaya agad akong tumahimik at inayos yung necktie ko kahit nasa kalagitnaan kami nang ulan. Agad ko ring hinubad yung uniform na coat ko at pinayongan siya gamit nito.
"It won't work, I am already wet." walang emosyong sabi niya.
"Ah- eh! Kasalanan ko ba?" nahihiya kong tanong, teka ang gago ko talaga mag tanong.
"Tsk." may biglang humintong sasakyan sa harapan namin, lumabas dito ang isang babaeng nakasuot na kulay asul na damit na halatang katulong ito.
"Señorita!" agad nitong pinalipotan ng tualya ang babaeng katabi ko.
"Miss.. teka.. I'm Patrick." wala sa sariling sabi ko pero di man lang siya lumingon at diretsong pumasok ng kotse.
"Bye pogi!" pa alam ng katulong. Napakamot na lang ako sa ulo at dumiretso pauwi ng bahay.
Kinabukasan...
Vacant namin kaya naglalakad lamang ako sa hallway. Nagbabasakaling makita yung babaeng nakilala ko kahapon ay mali di ko pa pala siya kilala.
Sumisilip ako sa bawat classroom na madadaanan ko. Nasa class-D4 nako pero di ko parin siya nakita. Imposible naman kasing malast section siya pero teka posible rin, kasi ang rivalry ng section ko which is class-A1 ay ang last section at ito ay class-E5. Sisilip na sana ako ng biglang tumunog yung bell.
"Shit!" bulyaw ko pero hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Dahil nga break time na ay kanyang-kanyang lumabas ang mga estudyante. Nalilito na ang mga mata ko. Shit! Nasaan na ba siya?
"Oh My Gosh! Patrick is here. Look girl. Patrick in Class-A1 is here." rinig kong sabi nung babae.
"Omg Patrick!" tili nung babae. Tumalikod ako sakanila pero nagulat ako ng may mukhang nakaabang sa mukha ko at napaatras ako ng konti.
"Ginulat mo ko!" sabi ko at agad ko rin inayos yung sarili ko. Wala siyang imik.
"Nagkasakit ka ba? Sinisipon kaba o nilalagnat?" tanong ko .
"Nuh, I'm fine. What are you doing here? As far as I know Star Class doesn't step here in Last Section." ngumiti lamang ako sa kanya.
"Tara kain tayo. Libre ko." hinawakan ko yung kamay niya pero inalis niya agad ito.
"What are you doing?" takang tanong niya.
"Nothing. Gusto lang kitang ilibre if you're asking why? Just because you let me you know kahapon? Oo yun nga."
"Are you trying to befriend me?" ang straightforward niya talaga.
"Yes! Can we be?" honesto kong sabi.
"Don't you dare to fall in love with me. I'm warning you. " napa hinto ako sa sinabi niya. Ginugulat niya talaga ako sa mga salita niya.
"Hahahaha!" tumawa ako.
"Gusto lang kitang maging kaibigan. Yun lang." depensa ko rin.
"Love begins in friendship."
BINABASA MO ANG
Mako kasi Mahal Ko
NonfiksiMasaya ako dahil akin ka. Masaya ako kasi pinangiti mo 'ko muli. Masayang masaya ako kaya natatakot ako sa posibleng mangyari sa hinaharap. Please hold me tight Mako. Don't surrender! Wag mo kong pakinggan kung sasabihin ko mang di kita gusto. Pleas...