Chapter6: Lance and Dianne

86 6 1
                                        

...

Dianne's POV

Ako na ang nag volunteer na kumaha ng foods nila. I'm so happy na kasama ko na ulit yung pinsan kong si Sofie. Matagal na rin kaming hindi nagkasama eee...

Habang nakapila ako nakatabi ko yung lalaking pinaka ayaw kong makita bale nasa kabila syang linya. Nagtama yung mata namin at agad naman akong nag iwas ng tingin at buti na lang umusad na yung pila namin kaya di ko na sya katabi awkward kaya.

Siya lang naman ang dating nanligaw sa akin at sumira ng buhay ko na si... Lance Del Reyes.

Nagtataka ba kayo kung bakit ko sya kinaiinisan ganito kasi yon...

Flashback...

Second year high school pa lang kami noon, nasa special section na ko nyan. Actually wala namang natatnggal sa special section eee... may nadadagdag lang.

Habang nakikinig ako sa teacher namin sa english may isang lalaki ang nagbigay sakin ng papel.

"Pinapabigay ni Lance" pabulong nyang sabi sa kin.

Tumingin naman ako sa direksyon ni Lance pero nakatitig lang sya sa teacher at nakikinig.

Ako bay pinagloloko nito, ang ayos ayos kong nakikinig tas guguluhin nya lang ako tas sabi galing pa kay Lance.

Tumungin ulit ako dun sa kaklase kong nag bigay ng sulat na si Mark, "Ako bay pinagloloko mo haa?" tanong ko, nakakainis na sya haaa.

Di siya sumagot at nakinig na lang ulit sa teacher namin. Di ko naman binuksan yung papel at hinayaan ko na lang to sa table ko at itatapon ko na lang mamaya pag nagdismiss na.

Maya-maya may binigay naman sakin yung classmate namin na si Darsha.

"Pinapabigay ni Lance" pabulong na sabi nya.

Naiinis na ko haa... pag ito talaga may kasunod pa di nako makapagpigil. Nang gugulo, kita ng nakikinig ako dito ng maayos haa..

Di ko ulit tinignan kung ano yung laman nung papel.

Maya maya may nagbigay nanaman sakin ng papel.

"Pinapabi..." di ko na sya pinatapos at sinigawan siya.

"ANO BA?! DI BA KAYO TITIGIL NAKIKINIG YUNG TAO DITO NG MAAYOS TAS GUGULUHIN NYO!. ABA ANO TO BASTUSUNAN?!"sabi ko dahil di na ko nakapag pigil.

Lahat ng classmate ko nakatingin sakin pati ni rin yung teacher namin.

" What's going in here haa... Ms. Lacsano? Is there something wrong?" tanong sakin ng teacher namin. Baliw ba yung teacher namin mag eseskandalo ako dito tas tatanungin nya kung may nangyayari ba dito!.

"Sila po kasi nanggugulo, kita ng nakikinig yung tao dito!" sabi ko.

"Kasi po Sir may pinapabigay po si Lance kay Dianne na sulat ayaw nya po basahin kaya paulit- ulit po sya nag bibigay" sabi ni Mark.

"Yun lang ang dahilan kaya ka sumigaw Ms. Lacsano?" what? nila-'lang' nya lang yon. ARGH!

Tumango ako bilang pagsagot.

"Dahil dyan pumunta ka sa guidance office mamaya" sabi ni sir.

"Po?! Bakit?!" tanong ko.

"Dahil sa biglaang pagsigaw dahil sa maliit na bagay, nakaabala ka tuloy sa klase" sagot naman ni sir.

Nanlumo ako dahil sa sinabi ni sir. First time na magkakaroon ng studyante na galing sa special section ang pupunta sa guidance office hayyy...

Tumingin naman ako kay Lance ng masama at pagkakita ko sa kanya ABA! nakangisi pa ARGH!

Umupo na lang ako at nawalan na ng gana makinig sa teacher namin.

.

.

.

Pagtapos ng English time ay uwian na. Nag ring na rin yung bell. Pupunta pa pala ako sa guidance office.

Nasa tapat nako ng office. Eto na papasok nako, kinakabahan ako.

Pagtapos ako kausapin nung nasa guidance ay pinauwi na rin ako. Paglabas ko nakita ko ang lalaking may kagagawan ng lahat ng ito na halata mong may hinihintay at nakasandal pa talaga sa gilid ng pinto.

"Anong ginagawa mo dito?" masungit na tanong ko sa kanya.

"Hinihintay ka" cool na sabi nya. Mabait naman si Lance, matalino din at medyo serious minsan pero may tinatago yang kalokohan na pag nakita mo ay ayaw mo nang palabasin pa.

" At bakit naman? ikaw na ba ang body guard ko ngayon? haa?" may pag ka sarcastic na tanong ko.

" Look, gusto ko mag sorry about kanina. Ang totoo naman nyan talaga ay may gusto ako sayo" cool pa rin na sabi nya.

Nagulat ako kasi kala ko gusto nya lang talaga ako asarin kaya sya nagbibigay ng sulat.

"And so?" mataray na sabi ko.

" Gusto ko sanang manligaw" sabi nya.

Eh? agad agad, kakasabi pa nga lang nya na may gusto sya sakin ee... Pero dahil sa ginawa nya may naisip akong magandang ideya.

"Sige" pa cool na sbi ko.

"Talaga?!" bilang nagliwanag ang mukha nya dahil sa sinabi ko.

Ngumiti na lang ako at tumalikod na...

Maya- maya humarap ulit ako sa kanya.

"OHH! BY THE WAY I WANT TO TELL YOU SOMETHING.... BUSTED KA NA" sabi ko. Ano sa tingin nya papayag na lang ako basta basta pagkatapos ng ginawa nya.

Umalis na ko pag tapos kong sabihin yon sa kanya.

End of Flashback...

Pag tapos ko maalala lahat ng yon ay umalis nako kasama ang pagkain namin at nakita ko naman si Karen at Sofie na nag uusap.

Lance POV

Umalis nako sa table namin para kuhanin na yung kakainin namin dahil 100% sure ako na aasarin nanaman ako nung dalawa.

Sa pila, hindi ko inaasahan ang makatabi ko... si Dianne. Niligawan ko sya dati pero wala pang isang oras ay binusted na nya agad ako.

Nung nagtama yung mata namin agad naman syang nag iwas ng tingin. Umusad na yung pila nila kaya di ko na sya katabi.

Pagkakuha nya ng pagkain ay agad na syang umalis.

Pagkatapos ko na ring makuha yung inorder ko pumunta nako sa table at baka mamatay na sa gutom yung mga kasama ko.

To be continued...

-----------------------------------

Ang saya nung Halloween Party namin kagabi.

BEST NIGHT EVER!

Share ko lang HAHAHHAHA!

Bipolarrr♚



Unforgettable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon