...
Sofie's POV
Woah! GoodMorning! kakagising ko lang, malamang hahaha. Since it's monday of course may pasok ngayon. Pag bangon ko ginawa ko na ulit ang same routines na lagi kong ginagawa, ligo, bihis, mag aayos, kakain, at papasok na sa school. Yan na lang lagi ginagawa ko paggising sa umaga.
Merong times na tinatamad na kong pumasok sa school. Kasi kung hindi kayang turuan ng teacher ang mga istudyante ng lahat ng subject ehhh, why do you expect na kaya naming mapagaaralan lahat ng subjects.. diba? Ugh, bakit ko ba pinoproblema yon.
Bumalik nako sa aking wisyo ng sigawan ako ni mommy na umalis na daw ako at baka malate pa ko tsk, ang sweet nya talaga.
"Bye sweetie!" Sabi ni mommy.
"Bye mom! " at umalis na ko.
Wala ngayon si daddy kasi nasa ibang bansa sya inaasikaso yung business namin don.
Sumakay nako sa sasakyan ko at pinaandar na ito.
Pagdating ko andaming nakapalibot sa tatlong kotse na I think kakapark lang kasi parang nakaopen pa yung back light ehhh.
Di ko na iyon pinansin at nagderetso na sa paparkingan ko. Pagbaba ko nakita ko si Karen na kakapark lang din, tatlong sasakyan bago yung kanya.
"Oy! Karen Good morning!" Bati ko sa kanya.
"Good morning din!" Bati nya rin sakin.
Napadaan kami doon sa may nagkukumpulan at nagtitilian na mga babae. Tinanong ko si Karen kung alam nya kung ano yung pinagkakaguluhan nila doon.
"Shonga! Yung tatlo yan. Di ka pa nasanay, lagi silang pinagkakaguluhan pag papasok sila dito kaya madalas sila malate" sagot ni Karen.
Ahhh... baka siguro kaya sila nalate nung first day.
Napatingin kami sa banda likod ng mapansin namin na humupa na ang sigawan. Pagtingin namin papunta na yung tatlo sa way namin pero di naman ako assuming dahil alam kong papasok na sila, kasi andito na kami malapit sa pinto papasok sa school. Dahil feeling ko medyo close na kami kaya binati ko sila.
"Good morning!" Sabi ko. Tinanguan at nginitian ako ni Nash, pero yung dalawa wala deretso lang yung tingin.
Hinayaan na lang namin sila baka badmood lang, pero kala ko ok na kami, last week lang ok kami haa... pero sabi nga nila maraming namamatay sa maling akala -_-.
Dahil doon narinig ko nanaman ang mga mala bubuyog na bibig ng aking mga school mate.
"Kala ko ba ok na sila?!" -bubuyog 1.
"Oo nga ang sweet nga ni papa Zack last week sa kanya eee..." -bubuyog 2.
"Baka naman trip lang siya ni papa Zack, baka kagaya lang siya ng iba na pinaglalaruan nilang tatlo" -bubuyog 3.
"Gaga, kung gagawin yon ni papa Zack naku kahit crush na crush ko sya ayyy nope kahit mahal na mahal ko sya ay mawawalan ako ng gana sa kanya. Ano kaba ang ganda ganda na nga at angbait tapos paglalaruan nya pa tsk" -bubuyog 2.
"Anong mabait masyado nga syang assuming ehh. Nagsorry lang sa kanya ibig sabihin close na sila tsk "-bubuyog 3.
Di na namin pinansin pa ang sasabihin nila kasi ako I'm just being myself, freindly, yun lang naman ako period. Mahirap sa tao jinajudge mo na agad kahit hindi pa nila ikaw nakikilala ng maiigi.
Pagpasok namin ni Karen ay binati kami ng iba pa naming kaklase at syempre si Dianne na akala mo nakalunok ng microphone kung makasigaw.
"GOODMORNINGSAINYO!" sabi ni Dianne ng derederetso.
Nag goodmorning din kami sa kanya at umupo na sa upuan namin dahil andyan na yung teacher namin.
Nagtama yung tingin namin. Nakita ko yung mukha nya nakapoker face lang kaya dumeretso nako sa upuan.
Nagsimula nang magturo yung english teacher namin tungkol ata kami ngayon sa adjective phrase (hahaha pang high school, sorry naman ^_^).
"Ok miss Sofie, can you give me what is the meaning of adjective phrase?" Tanong sakin ni sir.
Ganto kami sa klase kahit hindi ka nagtataas ng kamay ay tatawagin ka nila kaya nga tinawag na special section diba pag nasa section ka na ito undrestood na, na matalino ka.
"Adjective phrase is a kind of prepositional phrase that modifies noun and pronoun" sagot ko at umupo na.
"OK MR. CRUZ CAN YOU TELL TO YOUR CLASSMATE THE MEANING OF ADJECTIVE PHRASE?!" Tanong ng teacher namin kay Nash na halata mong kakagising lang, natutulog po kasi sya sa klase.
"Adj. Phrase is like a prep. Phrase" sagot nya ng nakabusangot at umupo na ng padabog.
"And?!" Tanong ulit ni sir.
"And modifies noun and pronoun!" Sagot ulit ni Nash ng di na tumayo.
Maya maya lang nag ring na yung bell dahil break time na.
"Tara lunch na tayo" pag aaya ni Dianne.
"Ahh.. mauna na kayo may kukuhanin pa ko sa locker" sabi ko sa kanila.
"Ahh sige sunod ka na lang haa.." sabi naman ni Karen.
Paglabas nila inayos ko na yung mga gamit ko at lumabas na para magpunta sa locker.
Sa di kalayuan nikikita ko yung tatlo na papunta sa way ko pupunta na ata sila sa canteen.
Tumabi ako sa dinadaan nila. Tinitigan ko lang sila at nag eexpect na pansinin nila ako pero wala nilampasan lang nila ako. Grabe parang nung last week lang pinapansin nila ako tas ngayon wala. It is like our first day again hayyy.
To be continued...
-----------------------------------------------------------
Hi! Simple update lang po to walang kilig moments hahahhaha.
Enjoy!
Bipolarrr♚
BINABASA MO ANG
Unforgettable Love
Novela Juvenil"Expect the Unexpected." -Gawin mong motto yan. Hihihiihihi ^_^