Chapter4: Meet me ^_^

123 6 0
                                    

-----------------------------------

Sofie's POV

Nandito na kami sa room namin, wla pa namang teacher kaya maingay.

Mabait naman sila lahat, friendly pa. Unang kita pa nga lang nila sakin ngiti agad ang nakita ko sa kanila.

*Flashback

Papaunta na kmi nina Karen at Dianne sa classroom. Andaldal pala ni Karen sobra sa una lang pala tahimik pero mabait siya.

"Andito na tayo!" masayang sabi ni Dianne.

Pagpasok pa lang namin nakatingin na lahat sila sa akin ng nakangiti.

Nginitian ko din sila. Hanggang pag upo ko naktingin pa din sila sa amin/akin. Medyo na aawkwardan na ko haaa...

"Ngayon lang ba kayo nakakita ng taong maganda? haaa?" mataray na tanong ni Dianne.

"Eto naman syempre hindi nohh. Lahat kaya tayo dito may itsura. New student kasi, LIKE DUH!" sabi naman nung isa sa aming kaklase, ang cute nya.

"K!" sabi naman ni Dianne.

"Ohh! by the way I'm Sassy, student council president" sabay lahad nya sakin ng kamay.

"I am Sofie, Sofie Key Lopez" sabi ko sabay abot ng kamay sa kanya at nagshakehands kami.

"Wag ka matakot sa amin, were all friendly, of course in school we cannot avoid bullies, pero wag mo na lang sila intindihin ^_^".

"Ahhh... okay".

Maya maya lang ay dumating na yung magiging Prof. namin, bakla pa ata pero di nya pinapahalata.

"Ohh by the way, we have a new student here in KFS Academy, Ahh miss can you introduce your self here in front?" sabi ng prof. sabay tingin sakin.

Tumango naman ako nagpunta na sa harapan, medyo sa gitna kasi kami naka upo.

"Hello everyone! I'm Sofie Key Lopez, but you can call me Sofie. I'm from Canada, I will not tell you why I know how to speak tagalog its a long story. I hope we can be all friends" sabi ko sabay bow.

Lahat sila nakatingin sakin at nakangiti.

"Ok you may now take your sit" sabi ni sir at umupo na ko sa tabi ni Dianne at Karen, bale nasa gitna nila ako.

.

.

.

Sa kalagitnaan ng klase bigla na lang bumukas ng napakalakas yung pinto at iniuluwa nito ang tatlong kalalakihan.

"Ohh Mr.Alvarez, Mr. Del Reyes at Mr. Cruz bat ngayon lang kayo? alam nyo bang 8:00 ang start ng klase?haaa?" sabi ni ma'am ay este sir, mukhang bakla kasi ^_^.

"No" matipid na sagot nung lalaking dark brown ang buhok, gaya-gaya tsss.. at mukhang masungit, porket gwapo lang sya.

"Pwes para malaman nyo 8:00 am po ang start ng klase nakakahiya naman po kasi sa inyo eehhh... now you can take your sit and don't do it again. Understand?" galit sa sabi ni sir, onti na lang ata sasabog na sya, pulang pula ee...

Imbis na sagutin isa isa naman silang umupo sa unahan namin.

Pagtapos ng sermunan session nagklase na ulit ngayon.

.

.

.

Pagtapos ng two subjects namin, biglang nag ring na yung bell hudyat na ng pinaka paboritong subject ng lahat "Break time".

"Uyy Sofie may ballpen ka pa ba dyan?" tanong ni Dianne.

"Oh! here" sabay abot ko sa kanya ng ballpen.

"Ang yaman yaman walang pambili ng maraming ballpen" sabi ni Karen.

"Gaga nasa school tayo tas bibili ako ng ballpen, tyaka no need na nohhh I have plenty in our house" pagmamayabang naman ni Dianne.

"Ehh... andami pala sa bahay nyo bat di mo dalhin, hindi yung nanghihiram ka nagmumukha kang pulubi" sabi ko naman, nakisali nako kaysa naman maOP ako dito.

"Tyaka ikaw yung nag aaral girl, hindi yung bahay nyo. Mas nangangailangan ka ng ballpen kaysa sa bahay nyo.Tsk" pag sang ayon naman ni Karen.

"Tss..." yan na lang ang nasabi ni Dianne, wala syang magagawa eee.. dalawa kami isa lang sya ha-ha.

Dere-deretso ako ng sitahin ako ng mga kasama ko.

"Ahhh where do you think your going?" tanong ni Dianne.

"Like duh, isn't it obvious? I'm going to find a table for us. Ano yon tatayo tayo dito? ayoko nga kung gusto nyo kayo na lang" sabi ko, tsss... gusto pa ata tumayo kami habang kumakain.

"Saglit lang di muna kami pinasalita eee... sabi kasi sayo lahat ng nasa special section ay mga special" tinignan ko sila ng what-do-you-mean-look.

"Hindi special child kundi "special", they're going to treat us like a VIP. Hindi tayo dito, doon tayo sa room na may aircon" paglilinaw naman ni Karen at may tinuro naman syang isang malaking room na isang mirror-like yung pader.

Pumunta na kami sa room na sinasabi nila. Pagpasok namin napaWOW ako sa ganda. Sobrang lamig dito parang sa classroom lang tas para syang restaurant may sarili na kasi silang bilihin parang sa Jollibee, pag oorder ka. Tapos makikita mo yung labas, yung salamin sa labas, parang glass lang sa loob kasi makikita mo yung labas, gets?.

"Ahh may sari sarili na tayong table dito, doon tayo ohh" sabi naman ni Dianne.

Pagupo namin nilibot ko pa yung mata ko, lahat ng mga classmate ko andito. Grabe naman pala dito pag buhay prinsesa ka sa labas, buhay prinsesa ka din pati sa loob ng school.

"Sofie what do you want?" tanong ni Dianne.

"Chicken sandwich na lang, medyo napadami kasi kain ko kaninang umaga he-he" sabi ko.

"Ok, sayo Karen?".

"Chicken with rice and burger tas yung drinks pineapple" sabi naman ni Karen, dami nyang kakainin haa... pero di naman halata sa kanya.

Umalis na si Dianne at pumila pag tapos nyang kuhanin yung order namin. Grabe waiter lang ang peg.

"Ahh Karen can I ask something?"

"Sure, what is it?".

"Yu...yung mga lalaki kanina sino sila? yung pinagalitan ni sir. Oo medyo good looking sila pero bat ganon sila umasta, parang mga taga kalya kahit mukhang mayaman?" .

"Ahh yun sina Lance, Nash at Zack, sila yung Hearthrob dito sa school, maraming nagkakagusto sa kanila. Yung iba sabi mababait daw sila tas yung iba naman gwapo tas cool daw".

"Ehh bakit wlang nagtilian sa kanila pagpasok nila sa room?" tanong ko curios lang.

"Kasi dahil nga classmate natin sila, kilala na namin yung ugali nila kaya walang nagkakagusto sa kanila, pero siguro meron din kaso patago. Once kasi na magconfess ka sa kanila, mapapahiya ka lang kasi parang kumausap kalang ng hangin" pagpapatuloy nya.

"Pero nainlove na ba sila?" tanong ko.

Di pa man nasasagot ni Karen ang tanong ko ay dumating na si Dianne na dala ang inorder namin.

To be continued...

...

Sorry sa late update malapit na kasi exam kaya medyo busy.

See you in next chapter. ^_^

Bipolarrr

Unforgettable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon