...
Sofie's POV
Nagstart na yung 2nd quarter at nasa kabilang team naman ang bola. Sinusubukang harangan ni Mark yung binabantayan niya dahil nandon yung bola. Pinasa naman nito yung bola sa binabantayan ni Kyle, dahil medyo malapit na sila sa ring ay nag attempt ito magshoot at pumasok naman, 2pts. Naghiyawan naman yung supporters nila at dahil don ay pantay na yung score, 28-28. Naging mainit ang laban sa second quarter, dahil paglalamang yung isa hahabol naman yung isa, paulit ulit lang kaya di mo alam kung sino talaga ang lamang. Pero sa huli lamang ang kabilang team, 45-40.
"Tara Sofie bili muna tayo. Time out na naman eee" sabi sakin ni Karen, sabay hila.
Medyo masikip sa may labasan kaya medyo natagalan kami.
"Grabe! Andaming tao ngayon sa gym daig pa yung laban sa PBA!" Sabi ni Karen habang naglalakad kami dito sa corridor.
Marami ding tao ang naglilibot dito sa school, yung iba mga taga ibang school at yung iba naman ay mga parents.
Pagpunta namin sa S.C. nakita namin sina si Ivy.
"Alone?" Tanong ko kay sa kanya.
"Yeah. Nagutom kasi ako, tapos ayaw nila ako samahan, masyado daw kasing masikip yung daanan" sabi niya sabay pout.
"Ano sayo?" Tanong sakin ni Karen.
"Ahh lemon juice tyaka burger na lang"sabi ko naman.
"Sige mauna na ko haa... Bye!" Sabi ni Ivy pagkakuha niya ng pagkain.
Fries at orange juice naman ang inorder ni Karen. Habang dumadaan kami ay pinagtitinginan kami ng mga students galing sa ibang school.
Merong iba na nagpapicture din. Grabe! Ganoon ka pala kasikat pag nasa 'Special Section' ka.
Pagkabalik namin sa bench ay medyo gitna na ng 3rd quater. Lamang naman ngayon ang team, 65-68. Nakay Clarence ngayon ang bola. Grabe ang tangkad ng nagbabantay sa kanya. Pinasa naman niya ito kay Mark at nag shoot ng 3pts, kasabay naman nito ang hiyawan ng mga tao, habang ang mga players ay focus parin sa game.
Nag sub muna si Nash kay Clarence at Jacob kay Kyle. Bale ang nasa court ngayon ay sina Zack, Jacob, Xander, Mark at Nash. Ganon na ba kagaling si Zack at di nila inaalis muna sa game. Si Xander at Mark inalis kanina pero binalik ulit.
Nasa kabilang team ang bola. Dere- deretso lang sya hanggang maipasa sa ka teamate nya yung bola. Malaya nyang mashoshoot yung bola dahil wala namang nagbabantay sa kanya. Nagpunta sya sa ilalim nung ring at shinoot yung bola kaso lumabas ulit ito. Sa ilalim din ng ring ay nagbabantay yung isa pa nyang teamate kaya nasambot nito yung bola at nagtangka ulit na magshoot, pero sadyang may bias yung ring kaya di pa rin pumasok yung bola. Pagkababa pa lang bola ay sinambot agad ito ni Nash at dire- deretso sa kabilang ring at nagshoot. 2pts.
Tumingin sya sa gawi ko sabay kindat. Napailing na lang ako dahil pati sa loob ng court mayabang parin sya.
"OMG! Did you just saw it?! Kinindatan ako ni Nash! KYAHHH!" sabi nung babae sa likod ko.
"HEY DREAM ON! Ako kaya kinindatan nya! KYAAHHH!" sabi naman nung katabi nya. Hay nako Nash may mag aaway pa ata dahil sa pinagagagawa mo. Tsk.
Enggggggg! (Tunog po yan ng buzzer)
Tumunog na yung buzzer hudyat ng pagtatapos ng 3rd quarter. Lamang pa rin kami 79-82.
"Tara Sofie, Karen. Punta muna tayo sa kanila!" aya samin ni Dianne, sabay hila papunta sa bench ng mga players.
"HI! NICE GAME!" Masiglang bati ni Dianne pagkababa namin.
"Ang ingay mo talaga Dianne!" Natatawang sabi ni Ma'am Coreen, adviser ng lower section. Sana nga sya nalang adviser namin eh, mabait na maganda pa.
BINABASA MO ANG
Unforgettable Love
Fiksi Remaja"Expect the Unexpected." -Gawin mong motto yan. Hihihiihihi ^_^