Chapter13: Hiding Protector

49 5 1
                                    

...

Sofie's POV

It's monday today and of course my pasok. Tinatamad pa ko pumasok at medyo nahihiya din, kasi nga diba yung kay Zack. Hayyy ewan ko ba kung bakit ko pa ginawa at tinanong yung mga bagay na yon sa kanya, eee hindi naman kami masyadong close. Tsss kung ayaw niyang pakielaman ko sya edi wag, di sya kawalan.

Naligo na ko at baka malate pa ko dahil kakaisip sa bagay na yon. Ginawa ko na rin yung mga bagay na dapat kong gawin sa aking sarili. Bumaba na rin ako para mag breakfast.

"Good morning Sweety" bati sa kin ni mommy.

"Good morning too, mom" bati ko din sa kanya.

"How's your sleep?".

"Good"matipid na sagot ko.

"Where's dad?" I asked mom at sinimulan ng kumuha ng pagkain.

"Ohh maaga syang pumasok, madami kasing inaasikaso ngayon sa company natin, so medyo busy sya ngayon".

"His always busy, wala na syang time para sa atin" sabi ko.

"Don't worry sweety ,maybe next time pag di na sya busy magkakaroon tayo ng family bonding".

"Ok... I'm done, I gotta go. Bye mom" sabi ko sabay beso sa kanya.

"Ok bye sweety, ingat sa pagdadrive!".

"Ok mom!".

Binuksan na ni manong yung gate at sumakay na ko sa sasakyan.

...

Dahil wala pa namang time nagpunta muna ako sa library, wala pa naman din yung dalawa.

Ng nasa library nako nagtingin tingin muna ako ng mga books na magandang basahin.

Dahil wala akong mahanap na maganda, puro luma kasi mga libro nila ngayon, ay kinuha ko na lang yung libro na dala ko na nasa bag yung 'Maze Runner' balita ko maganda daw to kaya ito muna babasahin ko. Naghanap muna ako ng upuan para maumpisahan ko yung pagbabasa.

Sa kalagitnan ng aking pagbabasa, biglang may umupo sa harap ko. Pagtingin ko si Mark lang pala, classmate ko din sya, gwapo , makulit at mabait sya lalo na sa mga babae hahaha. Hindi lang yung tatlo yung chickboy sa room, marami pa at isa na don si Mark.

"Hi!" Bati niya.

"Hello!" Bati ko din sa kanya.

"Ikaw lang mag isa?˝ tanong niya.

"Yeah, wala pa kasi sa school yung dalawa".

"Ahhh... si Dianne at Karen ba? Yung lagi mong kasama?".

"Yeah" matipid na sagot ko, pano ba naman nasa library kami tas ang ingay niya kaya pinagmumukha ko na lang na di ako interisadong makipag usap sa kanya para tumigil na sya, baka mamaya mapagalitan pa kami nyan.

Napansin kong biglang nanlaki yung mata nya at napalunok habang nakatingin sa likod ko, titingin na sana ako sa likod nf bigla siyang nagpaalam.

"Ah-hhh... si-sige alis nako, sige, bye!" Sabi nya at umalis na ng nagmamadali.

Ano kaya problema non? Siguro nakakita ng multo? Baka nga kasi alam ko karamihan sa school may multo. Yayyyyyy

Dahil sa nangyari naisipan kong pumunta na sa classroom at doon na lang hintayin yung dalawa.

...

Zack's POV

Nasa parking lot pa lang ako ng matanaw ko yung sasakyan nk Sofie. Tuwing nakikita ko sya na gi-guilty ako dahil sa pangyayari. Nadala lang ako sa emosyon ko kaya nasabi ko yung mga salitang yon sa kanya. Gusto ko sanang magsorry kaso nahihiya ako. Alam kong nakapag sorry nako sa kanya dati pero I don't know why I'm feeling like this, unexplainable.

Unforgettable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon