...
Sofie's POV
*kring...*kring...*kri...
Hayyyyy...Good morning Philippines and good morning world.
This is it, eto na talaga, papasok na ko sa bago kong school. I'm very excited yet nervous, bakit? secret na yon HAHAHAHA.
Nag unat muna ako bago ko inayos ang higaan ko.
*knock...*knock...
"Pasok!" sabi ko.
"Ma'am, sabi po ng mommy nyo na bilisan nyo na daw po ang pagaayos at may ibibigay daw po and daddy nyo sa inyo" sabi ni yaya Baby.
"Sige po sunod na lang ako sa baba at maliligo pa po ako".
"Sige po",sabi nya at sinara na yung pinto.
Dali-dali akong nagpunta sa bathroom at naligo, malamang alangan naman mag concert ako sa bathroom, pero pede na rin hihihihihi ^_^.
...
Pagtapos ko maligo at gawin lahat ng aking morning routine, bumaba nako at may ibibigay pa daw sa akin si daddy, ano kaya yon?mmmm...
Pumunta nako sa dinning table at andon narin sila mommy at daddy na tahimik na kumakain.
"Hi mommy! Hi daddy!" sabi ko sabay beso sa kanila.
"Good morning sweety, kamusta tulog mo?" tanong sakin ni mommy.
"Okay lang po ^_^" sabi ko sabay upo at kumuha na ng pagkain.
"Are you excited today for your first day of school?" tanong sakin ni daddy.
Grabe makapag english naman si daddy parang wala kami sa Pilipinas.
"Ahhhh... opo ahmmm... dad may ibibigay daw po kayo sakin?".
"Ahh! oo nga pala, eto" may inabot sakin si daddy na mga papeles.
Eh? ano gagawin ko dito. Inabot ko naman yung binigay sakin ni daddy.
Tinignan ko at binasa kung ano yung nakasulat. Ahhh... yung magiging schedule ko, kala ko kung ano.
"Ahhh... sweety, anak bilisan mo na ang pagkain at baka mamaya mahuli ka pa sa school mo at by the way nandoon na rin pala yung pinsan mong si Dianne" mom said.
"Ahh... ok po, sige po alis na po ako tutal tapos na rin naman po ako kumain, sige po bye mom bye dad" I gave them a peck on their cheeks at umalis na ko.
Paglabas ko ng bahay nakita ko na si manong yung nagbabantay at naglilinis na rin ng kotse ko.
"Good morning po manong! Gumagwapo po kayo ngayon haaa... ^_^".
"Nako ija, nambola ka nanaman. Ohh sya eto na yung sasakyan mo, pasok na kobat may gagawin pa ko sa loob, ingat" sabi ni manong.
"Sige po, bye!".
Sumakay nako sa kotse at pinaandar na ito.
...
@School
"KYAHHHHHH! COZ!".
Kakapark ko pa lang ng kotse at take note di pa ko nakakababa dinig na dinig ko na agad ang boses ng magaling kong pinsan.
Hayyy... makababa na nga.
"Coz, musta na? lalo kang gumanda haa... at ang puti puti mo na rin dati hindi ka naman ganyan yan, tuloy magkalevel na yung beauty natin ^_^" sabi ng magaling kong pinsan.
"Grabe ka naman maganda na ko matagal na nohh ngayon ka nga lang gumanda eee..." sabi ko at nagtawanan naman kaming tatlo... yeah tatlo may kasama kasi siya.
"Ohhh! by the way this is Karen my friend, and Karen she is my cousin Sofie!" pagpapakila nya samin sa isa't isa.
"Nice meeting you!" sabay lahad ng kamay.
"Nice meeting you too" sabay abot nya ng kamay sa akin at nag shakehands kami.
Bago ko makalimutan sya nga pala ang pinsan ko si Dianne Marie Lacsano. She's very friendly, nakapunta na sya sa Canada kaya kung ano ano sinasabi tungkol sa kin noon. Matalino rin yan like me, lahi na ata namin yon nohh. Maganda din sya at shopoholic.
"So tara na baka malate pa tayo, and Sofie classmate ka namin ni Karen and nasa special section tayo" sabi ni pinsan.
"Ahh tyaka nga pala dahil nasa special section ka hindi ka pede makihalobilo sa iba pang lower section, rules yon pag sa special section ka napunta" sabi naman ni Karen.
"Dahil lahat ng nasa special section ay yung mga matatalino, maganda at gwapo at mayaman" sabi nman ni Dianne.
"Tyaka tinitingala din tayo dito" sabi ni Karen.
May nakita akong mga studyante pinagtitinginan nila kami. Di ko alam kung bakit pero napansin ko iba yung uniform nila sa amin haaa...
"Ahh... sila? (sabay turo sa mga nkita kong estudyante) bat iba yung uniform nila satin?" tanong ko.
"Ahhh... kasi nga nasa special section tayo, tyaka para malaman din nila na belong tayo sa special section" sagot ni Dianne.
"Tara na nga tama kwentuhan, baka malate tayo nyan sisisihin talaga kita pinsan".
-_- ako pa talaga tss... alam naman nila na baguhan palang ako kaya marami akong tanong.
To be continued...
-----------------------------------
Next update, ang una nilang pagkikita.
Tinamad akong tapusin eee... ^_^
BINABASA MO ANG
Unforgettable Love
Roman pour Adolescents"Expect the Unexpected." -Gawin mong motto yan. Hihihiihihi ^_^