Chapter8: Sorry!

73 4 2
                                        

...

Zack's POV

Andito kami ngayon sa ospital. Hayyyy... di ko akalain na pati sya madadamay at dahil pa sakin kaya sya napahamak, pero sya din naman ang may kasalanan kung bakit sya andito ehhh... harangan ba naman ang isa ng tao gamit ang ulo kung di ka ba naman tanga non.

Baka mamaya ako pa sisihin ng magulang nya pagnagkataon, dahil ako ang kasama nya dito at ako rin yung niligtas niya.

Pero I'm very thankful dahil niligtas nya ko kung hindi baka ako yung nakaratay dito at mayrong nakakabit na kung ano- ano. By the way kasama ko nga pala dito yung dalawa kong kaibigan sila Lance at Nash.

Maya maya napansin namin na gumagalaw na sya, tumitingin sya sa palaligid, hanggang mapunta yung tingin nya sa amin. Biglang nanlaki yung mata nya.

"KAYO!" halata mo sa boses nya ang pagkagulat.

"A.. anong gi.. ginagawa nyo dito?" Nauutal na tanong nya.

"Nash tawagin mo muna yung doctor!" Utos ko kay Nash at naiwan na lang kami ditong tatlo kasama si Lance.

"Dinala ka namin dito dahil natamaan ka nung bote which is dapat si Zack yon kasi nga niligtas mo sya" pagpapaliwanag naman ni Lance.

Medyo nahihirapan syang umupo pero nakaya nya pa rin.

"Edi ibig sabihin kayo yung nakita kong nakikipag away? Ganon ba yon?" Tanong nya.

"Yeah" matipid kong sagot.

"Ehh bakit naman kayo nakikipag away? Eee di ba galing kayo sa mayayaman at disiplinadong pamilya?".

"Ibahin mo kami sa kanila, lahat ng tao ay may pagkakaiba kahit magkakamag anak pa sila" sagot ko naman.

Pagtapos non wala ng nagsalita sa amin. Grabe parang ang awkward.

"Ahh tawagan ko muna yung parents mo para malaman nila ang nangyari sayo, sige labas muna ako" pambabasag naman ni Lance ng katahimikan.

Paglabas ni Lance kami na lang ni Sofie ang nasa loob ngayon, nalaman ko lang yung pangalan nya dahil sa ID na nasa bag nya. Katahimikan ulit ang nangingibabaw. Meron akong gustong sabihin sa kanya kaso di ko masabi , lalakasan ko na talaga ang loob ko, eto na talaga.

Sofie's POV

May gusto syang sabihin kaso halatang di nya masabi dahil buka sara yung bibig nya.

"Sorry..." mahinang sabi nya pero narinig ko naman.

"Ano ulit yon?" tanong ko sa kanya na kunwari di ko narinig yung sinabi nya.

"Sorry.." malakas na mahina ulit na sabi nya.

"Lakasan mo di ko masyadong marinig, ano ulit yon?" Tanong ko ulit HAHA. Pero halata mo sa mukha nya na naiinis na sya.

"Bahala ka nga dyan, pinagloloko mo lang ata ako eee...!" Sabi nya sabay bukas ng pinto, pero di pa naman sya nakakalabas ay narinig ko ulit yung salitang kanina pa nya sinasabi sakin pero pasigaw na...

"SORRY!" Sabi nya sabay labas at sara nang pinto.

Tsss... kunwari pang naiinis pero sasabihin din pala tsk. Pero natouch ako di man sya ang nakagawa nung nangyari sakin at di nya rin alam na ililigtas ko sya pero sya pa rin yung nag sosorry. Biglang may gumuhit na ngiti sa aking mga labi, err bakit ako nangiti, It's just a simple sorry, no big deal hayyy... maybe dahil to sa pagkapukpok ng ulo ko ayan tuloy kung ano ano nagagawa ko.

Maya maya lang ay dumating na sila mommy at daddy kasama sina Karen at Dianne with their worried face.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hayieee! Bitin ba yung last chapter well this is it pero short update lang ang ginawa ko pero ewan ko kung short lang ba talaga yan HAHA.

Zack and Sofie at the Multimedia.

ENJOY!

Bipolarrr ^_^

Unforgettable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon