Chapter16: Transferee

58 4 1
                                    

...

Sofie's POV

Ang saya ng party last week, that was my first time na magparty here in KFSU. Kaso lang may pasok na agad kami ngayon hayy...

Ng makarating na ko sa school ay pinark ko na yung sasakyan ko. Saktong pagbukas ng pinto ko ay ang pagbukas din nung katabi kong sasakyan, di ko sya ata napansin kanina. Iniluwa nito ang lalaking puno ng ngiti sa labi... si Nash.

"Oh! Hi Sofie, good morning!" Bati niya sakin ng mapansin niya ko.

"Ahh -haha, good morning din. Sige mauna nako" sabi ko at lumakad na pero hinila niya yung braso ko kaya napahinto at napaharap ako sa kanya.

"Sabay na tayo. Tutal parehas naman tayong nasa special section" sabi niya ng may ngiti pa rin sa labi.

"Ahh sige, kung yan ang gusto mo!" Sabi ko at naglakad na kami.

Sa paglalakad marami ang tumitingin sa amin at nagbubulung-bulungan. Dalawa lang dahilan diyan, una, siguro dahil taga special section kami, at pangalawa, dahil magkasama kami, ehh di naman kasi sila sanay na kami yung magkasama.

Maraming kinukwento sakin si Nash na nakakatuwa, masarap pala talaga siya kasama. Kaya medyo di ko na napapansin yung mga taong nakatingin samin at di ko din namalayan na nasa tapat na kami ng aming classroom.

Pagpasok namin ay lahat ata ng taga S.C. ay nakatingin samin ni Nash dahil ata sa malakas na tawanan namin, kasi naman nakakatawa talaga siya magkwento. Biglang napawi ang ngiti ko dahil sa pangyayari at napalitan ng hiya. Nahagip ng mata ko ang mga nakatitig na sila Lance, Dianne, Karen at ... Zack.

Nagpunta kami sa kanya kanya naming upuan ng nakayuko at nagpipigil ng tawa. Si Nash ay nag p- piece sign pa habang dumadaan sa harap.

"Saya much haa?!" Sabi sakin ni Dianne ng makaupo ako.

Maya- maya lang ay dumating na yung teacher at nagturo na.

"Ok class, hmmm you have a new classmate his a half chinese and filipino, but he can speak and understand tagalog, ahh... Mr. Lee, can you intruduce your self to them" sabi ng teacher namin. May tumayo namang lalaki sa lakod namin. Hindi ko sya napansin kanina kasi siguro nga dahil kay Nash.

"Hi! My name is Xander Lee, I have cousin here and his Jacob. Nice meeting you" sabi niya at tinuro pa talaga si Jacob yung isang kaklase namin na nasa likod lang din naman namin. At habang nagpapakilala siya napansin kong tumingin siya sakin nung sinabi nya yung 'Nice meeting you' ewan ko kung sakin siya nakatingin o sa likod ko lang.

"Ok Mr. Lee you can now take your sit" sabi nung teacher namin at nagturo na ulit.

Oh my golly! Sa totoo lang ang gwapo niya at ang puti, hindi ganon kasingkit yung mata tapos ang hot niya pa bagay sa kanya yung uniform namin este ng mga lalaki. Pero hindi ko sya crush hmm... slight lang.

Habang nakikinig ako sa teacher ay medyo naiilang ako kasi parang may nakatingin sakin galing  sa likod. Pero I'm not sure kung meron nga.

"Hi Xander! I'm Sassy the student council president" rinig kong pagpapakilala ni Sassy sa transferee.

"Ganon ba talaga si Sassy sa mga transferee?" Pabulong na tanong ko sa dalawa.

"Ewan ko rin. Kahit matagal na naming kasama yan di pa din namin makabisado ugali" sabi ni Karen.

"Ako din eee... pero sa ibang transferee naman di siya ganyan. Katulad na lang kay Kyle, last year lang siya nagtransfer dito at di siya ganyan katulad na lang ng ipinapakita niya ngayon" sabi naman ni Dianne.

"Hayy bayaan mo na nga siya. Halika na mag lunch na tayo" sabi ni Karen at tumungo na sa pinto.

Nahuli naman ako dahil may kinuha pa ko sa bag. Ng susunod na ko sa kanila ay ng biglang may bumangga sa king dalawang lalaki na galing sa magkaibang dereksyon. Dahil sa lakas at napaupo ako sa sahig habang yung dalawa ay nakatayo pa rin.

Unforgettable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon