Chapter15: Party

57 4 0
                                    

...

Dianne's POV

Tinawagan ko na si Sofie na sabi ko papunta nako sa kanila, dahil nga doon kami magaayos tatlo. Tinawagan ko na rin si Karen para tanungin kung nasan na sya.

"Hello? Karen? Nasan ka na?".

["On the way na ko".]

"Ahh... sige bye" sabi ko at binaba na yung tawag.

Ng makarating nako ay pinagbuksan nako ni manong ng gate dahil kilala na din naman nya ako.

Pagdating ko andun na agad ai Karen at nanonood ng tv katabi si Sofie at may pagkain pa.

"Hi guys!" Sabi ko para mapunta naman ang atensyon nila sakin.

"Hi Dianne! Kumain muna tayo bago magayos" aya sakin ni Karen.

"No need kumain nako bago pumunta dito" sabi ko naman.

"Magpapatawag na ba ko ng mag aayos satin? O tayo na ang mag aayos? Kasi ako, ako na lang mag aayos sa sarili ko" sabi naman ni Sofie.

"Tayo tayo na lang ang magaayos sa sarili natin. Sayang lang sa pera yan. Hindi porket may kaya tayo ay gagastusin na natin lahat ng perang meron tayo. Kailangan din nating magtipid" sabi naman ni Karen.

"Ok" sabay na sabi naman namin ni Sofie.

"Oh by the way Sofie, where's tito and tita?" Tanong ko.

"Nasa kwarto si mommy pinapaayos yung mga gagamitin natin pati na rin yung sosootin. Then si daddy nasa office".

"Daddy mo nasa office? Ehh... diba christmas break, wala ba syang pahinga man lang. Tyaka sya naman may ari non kaya kahit di sya pumasok ay di mababawasan yung sweldo nya, kasi sya yung nagpapasweldo" sabi naman ni Karen.

"Uuwi naman sya mamaya. Kaso lang nasa party tayo kaya hindi ko din sya makikita mamaya. Siguro tomorrow" sabi naman ni Sofie.

Pumanhik na kami sa second floor ng bahay nila dahil magaayos na kami.

Ununa muna namin sootin yung mga damit tapos yung buhok naman. Marami namang pang curl ng buhok sila Sofie kaya di kami naghihintayan.  Pagkatapos naglagay na kami ng make-up, tas yung mga accesories at yung sapatos at tapos na!.

Maya maya lang ay may biglang kumatok sa kwarto namin.

"Come in!" Sigaw ni Sofie. Pagbukas pa lang ng pinto ay napa 'wow' na yung mommy bi Sofie.

"You all look very gorgeous!" Sabi ni Tita.

"Thanks" sabi naming tatlo.

"Ahh... I'm just going to ask, if your going to use your own cars or you just going to use one?" Tanong ni Tita.

"Uhmm... yung sakin na lang po. Tyaka dito din naman po kami mag s-sleep over. If you don't mind po?" Pagpiprisinta ni Karen.

"Of course mga iha. Your always welcome here. Ayos nga kung dito na lang din kayo tumira eee  para may makasama naman si Sofie" natawa naman kami dahil sa sinabi ng mom ni Sofie.

It's already 5:46 ng matapos kami, so we need to go now at baka mahuli pa kami.

"Ang cool ng mom mo Sofie!" Sabi ni Karen habang nag d-drive. Nasa back seat ako at nasa front seat naman si Sofie.

"Ganon talaga si Tita, masanay ka na" sabi ko naman.

"Ano ba yan, parang gusto ko na magpaampon. Kasi si mommy puro business inaatupag, kaya nga..." sabi naman ni Karen.

"Kaya nga ano?" Tanong ni Sofie.

"Ahhh...nothing".

Ilang minuto lang ay nasa venue na kami. Marami na rin ang nasa party. Yung ilan panga ay nagiinuman na ee... hay mayayaman nga naman.

Unforgettable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon